Chapter 29

344 7 0
                                    

Chapter 29

Nakatitig lang si Alarik kay Alrick na ngayon ay mahimbing na natutulog. Nakaupo siya sa upuan sa tabi ng bedside table at doon nagkakape. Si Alrick naman ay nakahiga sa kama niya.

Napangiti pa siya ng mapansing ngumingiti ang sanggol kahit natutulog. Napakunot noo pa siya ng mapansing nakita na niya ang ganoong ngiti ng sanggol noon. Hindi niya malaman kung sa television o sa litrato.

"Tamar," wala sa loob niya na banggitin ang pangalan ng dalaga. Pero kusang lumabas sa kanya.

"Minahal naman talaga kita ng sobra, pero bakit mo ako pinaglaruan?" tanong niya saka napabunting hininga. Napatingin na lang muli siya kay Alrick na wari mo ay dumedede kahit wala naman.

Napahawak siya bigla sa sentido ng biglang kumirot iyon. Ilang araw na rin siyang puyat dahil sa pag-aalaga sa sanggol. Pati ang tatlo niyang kaibigan ay sa bahay na niya natutulog para matulungan siya sa pag-aalaga sa dito. Wala namang reklamo ang tatlo na nagpipresinta na kaagad na instant ninong ni Alrick, kahit hindi nila alam ang pinagmulan nito.

"Sino ba talaga ang nanay mo? Coincidence ba talaga na Alrick Dates ang pangalan mo? Ang galing naman. At halos magkapangalan pa tayo. Kulang na lang lagyan ka ng Duglas sa pangalan mo. Para masabing magtatay tayo. Hay, anong gagawin ko sayo?" pagkausap pa ni Alarik sa sanggol na wari mo naman ay sasagot.

Ilang sandali pa at may nagdoorbell kaya naman iniwan muna niya saglit ang sanggol. May nakaharang naman na unan sa tabihan nito kaya sigurado siyang hindi ito mahuhulog sa higaan.

Pagdating niya sa baba ay nakita niya ang babaeng sa tingin niya ay padala ng agency na tinawagan niya para maging taga pag-alaga ng sanggol na ngayon ay nasa poder niya.

Noong isang araw pa siya naghahanap ng pwedeng maging yaya, pero ngayon lang nagpadala ang agency na labis niyang ipinagtataka.

Maganda ang ngiti ng babae na sa tingin naman niya ay mabait. Base na rin sa expression ng mukha nito.

"Good morning Sir Alarik. Nabanggit na po sa agency ang pangalan ninyo. Ako po si Marione, na ipinadala po nila. Wala po akong criminal records, if kailangan po ninyo. Heto po ang NBI record ko, barangay clearance, police clearance. Ano pa po ang kailangan mo sir?" anito na nagpangiti kay Alarik kahit papaano.

"Kahit wala ang mga iyan, ayos lang ang mahalaga ay maalagaan mo ng maayos ang bata."

"Okay sir, ilang taon na po ba ang aalagaan ko?" nakangiti pa ring tanong ni Marione.

"Baby, pa lang and base sa record na kasama niya two months pa lang siya."

Halata ni Alarik ang pagtataka sa mukha ng babae dahil sa sinabi niya. Pero wala naman siyang dapat ipaliwanag dito.

"Okay sir, nasaan po siya. Ako na po ang bahala," nakangiting wika ni Marione ng pasunudin siya ni Alarik papasok ng bahay.

Halos pagpawisan naman si Marione, habang kausap si Alarik. Ang natatandaan niya na sinabi ni Tamar ay mabait ito. Iyon nga lang sa puntong iyon ay magpapanggap siya ngayong yaya ni Baby Alrick. Ayon na rin sa utos sa kanya ni Madam Soraya. Gusto nitong masiguradong maayos ang anak ni Tamar habang nasa poder ito ng ama nito.

"Ayan siya. Alagaan mo sana ng mabuti ang sanggol. Kung naguguluhan ka, may nag-iwan na lang sa batang iyan sa labas ng gate ng bahay ko."

"Bakit po hindi ninyo i-surrender sa DSWD. Sure na maaalagaan po nila ng maayos ang bat-,"

"Hindi ko gagawin ang sinasabi mo. Hindi ko kilala ang sanggol na iyan. Pero hindi ko kaya na basta ko na lang siya pabayaan. Kinuha kita para maging tagapangalaga niya. Pag umabot ng isang buwan at walang naghanap sa bata. Aampunin ko siya na parang tunay kong anak," ani Alarik na ikinatango naman ni Marione.

His Maid Stripper (Hooker Series 14)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon