Chapter 7

419 8 0
                                    

Chapter 7

Mag-isa lang si Tamar sa bahay ni Alarik ng mga oras na iyon. Tapos na siyang maglinis sa labas kasama na ang pool area. Kaya sa loob naman siya ng bahay.

Patapos na rin siyang maglinis, kaya naupo muna siya sa sofa ng bigla na namang sumakit ang ulo niya. Noong una ay hindi naman niya pinapansin. Ngunit habang tumatagal ay dumadaan talaga ang sobrang sakit na hindi niya maipaliwanag.

Napahawak siya sa buhok at halos hindi na siya makagalaw sa sobrang sakit noon. Tiniis lang niya hanggang sa tuluyan ng mawala ang pananakit na ipinagtataka niya.

Ilang sandali pa ay ng biglang tumunog ang telepono. Nagdadalawang isip pa siyang sagutin iyon. Alam niyang hindi iyon ang boss niya. Sa pagkakaalam niya ay mas lalo itong naging busy mula ng makimagmeeting ito noong nakaraan.

Isang buntong hininga pa ang kanyang pinakawalan  bago sagutin ang telepono. Hindi agad siya nagsalita para malaman niya kung ang boss ba talaga niya ang nasa linya.

"Hi. Good morning. This is Andrei, sekretarya ni Dra. Samaniego. Can I talk to Ms. Tamar Persimmon Rodriguez." Wika ng nasa kabilang linya.

Napaayos naman ng tayo si Tamar ng makilala kung sino ang nasa kabilang linya.

"Ahm. Si Tamar 'to Andrei. May resulta na ba?" Kinakabahan niyang tanong, pero nandoon pa rin na pinipilit niyang maging malakas ang loob at inaasahan na wala naman talaga siyang sakit.

"Yes. May resulta na iyong MRI mo. And need ni doktora na makausap ka. Kung pwede ka sana ngayong araw mismo. May free time ka ba?"

"Susubukan kong makapunta. Magpapaalam lang ako sa boss ko. Baka mamaya ay mauna pang dumating sa akin ay hanapin pa ako."

"Okay Tamar. Hihintayin ka namin ni doktora. Wag ka masyadong magmadali, hindi naman aalis si doktora."

"Okay Andrei salamat. Tatawag lang ako sa boss ko at pupunta na ako dyan." Aniya at nagpaalam na sila sa isa't-isa.

Pagkababa ng tawag ay mabilis naman niyang idinial ang telepono sa opisina ni Alarik. Pero naka ilang subok na siya ay hindi pa rin ito sumasagot. Kaya naman napagpasyahan na niyang tawagan ito sa cellphone nito. Mabuti na lang at nakalagay din sa logbook nito ang numero ng cellphone ng boss niya.

Ilang dial pa rin ang nangyari pero hindi pa rin nito sinasagot ang tawag.

"Pag ito talaga, hindi pa sinagot ni boss, aalis na lang ako ng walang paalam. Magiiwan na lang ako ng note. Last na talaga." Aniya at muling idinial ang numero ng cellphone nito. Pero bago matapos ang pagriring noon ay sinagot din ng boss niya ang tawag.

"Yes, hello!" Anito sa malambing na boses. Para na namang idinuduyan ang pakiramdam ni Tamar pag naririnig ang boses ng boss niya.

"Tamar." Tawag nito sa pangalan niya.

"Sorry boss."

"Bakit ka napatawag."

"Pwede bang umalis muna ako boss. May bibilhin lang ako." Paalam niya dito na sana ay payagan siya.

"Ano bang bibilhin mo at ng ako na lang ang bibili."

"Wag na boss, nakakahiya naman. Pero mabilis lang naman po ako. Promise."

"Makikipagkita ka lang yata sa boyfriend mo eh."

"Boss naman. Wala akong boyfriend. Ikaw nga lang ang kilala ko dito. Paano ako magkakaroon ng boyfriend? May bibilhin lang talaga ako."

"Okay ikaw ang bahala. Mag-ingat ka. I-lock mo ng mabuti ang pintuan ng bahay ha."

"Yes! Sir!" Aniya sabay saludo kahit hindi naman siya nakikita ni Alarik.

His Maid Stripper (Hooker Series 14)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon