Chapter 19
"Ano yan Simmon?" napabaling naman ang tingin ni Simmon kay Marione. Nakatitig ito sa kanya at may mapanuring tingin.
Itinaas pa nito ang hibla ng buhok na tumatabon sa kanyang leeg, ng sundan niya ng tingin ang bagay na itinuturo ni Marione.
Nakaharap siya sa salamin sa loob ng dressing room ng mga oras na iyon kaya naman halos manlaki ang kanyang mga mata ng mapagtanto kung ano iyon.
"Langyang Rik 'yon!" inis niyang sambit sa isipan.
"Ah. . . Eh. . . Yang ano," hindi tuloy malaman ni Simmon kung ano ang sasabihin niya kay Marione ng bigla na lang itong tumawa ng malakas.
"Ano ka ba? Nahihiya ka pa. Sabi ko naman sayo, walang masama. Dito tayo nagtatrabaho kaya pwede ka talagang matukso. Pero ano? Kumusta? Mabango? Mayaman? Bata pa ba sa tingin mo?" curious na tanong ni Marione na hindi malaman ni Tamar kung paano sasagutin.
Napatingin naman siya sa isa nilang katrabaho na bagong pasok sa dressing room. Nginitian lang sila nito at lumabas lang din muli matapos makuha ang naiwan nito.
Halos nasa mahigit isang linggo na mula ng may mangyari sa kanila ni Rik. Isang araw lang naman iyong nahinto ng nagkasakit siya. Kaya kung tutuusin halos nasa mahigit kalahating milyon na rin ang perang nasa sa kanya. Kaunti na lang mabubuo na niya ang isang milyon.
"I think bata pa s'ya. Wala pang kulubot ang balat eh, and binata pa s'ya, sabi niya."
"Sus naniwala ka naman. Pero sabagay baka naman nga mamaya ay totoo naman."
Kiniliti pa siya ni Marione. "Ang kulit mong babaita ka!" asik niya kaya naman tumigil na ito pangingiliti.
"Jackpot ka na doon. Malaki bang magbigay? Lalo na at hindi ka naman babaeng mababa ang lipad at stripper ka naman."
"Oo malaki, parang dahil sa kanya, makakaipon na ako. At sa tingin ko pwede na akong magpaalam kay madam. Pero tatanaw pa rin ako ng utang na loob. Pag-okay na ako. Kung makakabalik pa ako. Babalik ako," paliwanag ni Tamar.
"Bakit ba kailangan mo pang umalis? At para saan ang pag-iipon mo?"
"Basta," sagot lang niya at hindi na naman nagtanong pa si Marione.
Itinuloy na rin ni Simmon ang naudlot niyang pagbibihis. Pauwi na rin kasi siya ng mga oras na iyon. Nakasabayan lang niya sa dressing room si Marione.
Napatitig naman siya kay, Marione ng bigla siya nitong sinuri at tiningnan mula ulo hanggang paa.
"Bakit?"
"May tanong lang ako Simmon. Gumagamit naman ba ng proteksyon yong customer mo? O ikaw bago ka pumayag. Baka mamaya ay mabuntis ka n'yan." ani Marione na nagpatuloy lang sa paglalagay ng lipstick.
"A-anong proteksyon?" nauutal pa niyang tanong ng mapasapo sa noo si Marione.
"Wag mong sabihin na nagpaano ka ng hindi gumagamit ng kahit na ano? Hindi ka uminom ng pills? Wala kang injections? Hindi din ba siya gumamit ng c*ndom?" sunod-sunod na tanong ni Marione at puro iling lang ang sagot ni Tamar.
"Oh my gosh Simmon! Paano kung mabuntis ka!? Bakit naman nagpagalaw ka ng hindi nag-iisip. Hindi ako galit, nag-aalala ako sayo Simmon. Lalo na at ako ang nagpasok sayo dito."
Napahawak sa noo si Marione sa nalaman nito tungkol kay Simmon. Hindi naman nagawa pang magsalita ng dalaga. Wala naman ni isang salita ang lumabas sa kanya. Para tuloy siyang nabingi sa kaalamang iyon.
"Paano nga kung mabuntis ako? Madaming beses kong naramdaman iyon, na itinudo niya. Isa pa hindi lang isang beses. Sa isang gabi, maraming beses." napapikit na lang si Tamar at hindi malaman ang gagawin. Kinakabahan din siya sa pwedeng mangyari. Mabuti kung hindi, umiinom pa siya ng gamot.
BINABASA MO ANG
His Maid Stripper (Hooker Series 14)
RomanceBlurb Masayahin at hindi kakikitaan ng problema, iyan si Tamar Persimmon Rodriguez. Sa simpleng buhay ay kontento na siya. Hanggang sa maagang binawi ng langit ang kanyang pamilya. Lumuwas siya ng Maynila, para makipagsapalaran. Naging katulong siya...