Chapter 17
Gabi na ng nakauwi ng bahay si Alarik. Nagstay muna siya sa kompanya niya kahit wala naman siyang ginagawa doon. Gusto lang niyang makapagmuni-muni at mapag-isa.
Hindi kasi niya maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman niya ngayon kay Tamar at sa babaeng nakaniig niya sa club. "Pakiramdam ko nagiging salawahan ako, kahit hindi naman talaga." wika pa niya bago tuluyang bumaba sa kotseng sinasakyan.
Pero napakunot noo siya ng wala man lang ni isang bukas na ilaw sa bahay niya. Bitbit ang pabili ni Tamar na prutas ay nagtungo siya ng kusina at binuhay ang ilaw doon, pati sa living room. Nagtaka pa siyang wala doon si Tamar.
Magtutungo sana muna siya sa kwarto niya ng madaanan niya si Tamar sa may living room habang natutulog sa may couch. Napangiti pa siya sa pag-aakalang napakasarap ng tulog nito.
Pero agad ding nawala ang kanyang ngiti ng maramdaman ang mainit na katawan ni Tamar.
"Tamar. . . wake up. Lipat ka sa kwarto mo." malambing na saad ni Alarik pero puro ungot lang ang sagot ni Tamar.
Wala naman siyang nagawa kundi, buhatin ang dalaga para makahiga ito ng maayos sa kama nito
Isang buntong hininga pa ang pinakawalan ni Alarik ng maibaba niya sa kama si Tamar. "Kailan mo pa naramdaman iyang sakit mo? Bakit hindi mo sinabing masama ang pakiramdam mo kanina para naman hindi na ako umalis. O tinawagan mo sana ako." sermon ni Alarik dito, kahit alam niyang hindi sasagot si Tamar.
Ilang sandali pa at lalabas na sana si Alarik ng kwarto ng dalaga ng magsalita ito.
"Nanay. . . tatay. . .Dates. . . miss na miss ko na kayo." umiiyak na sambit ni Tamar.
Alam ni Alarik na nananaginip ang dalaga, pero wala siyang balak gisingin ito, kung hindi naman dahil sa pagkabangungot ang dahilan.
Nangiti pa siya ng maalala ang pangalan ng kapatid ni Tamar. "Dates?" aniya at pinagmasdang muli si Tamar. Naawa talaga siya sa dalaga ng sabihin nito ang dahilan kaya magtungo ito ng Maynila. Wala na itong pamilya at siya na lang ang namumuhay ng mag-iisa.
Maganda ito at talagang masasabi niyang, napakaswerte ng lalaking magpapatibok ng puso nito.
Napakunot noo naman si Alarik ng mapatakip ng mata si Tamar, gamit ang kamay. Pakiramdam niya ay nagigising na ito dahil bukas ang ilaw.
Pamilyar sa kanya nag parteng ilong nito at ang mapulang labi, nagustung-gusto niyang halikan.
Napaatras naman ai Alarik sa naiisip. "Si Simmon ang nahalikan mo hindi iyang may sakit mong katulong." pagkastigo pa ng isang bahagi ng kanyang isipan.
Binaliwala na lang niya ang kanyang napapansin. Naisip na lang niya na ipagluto ang dalaga. Hindi man niya alam ang dahilan ng pagkakasakit nito, ngunit kailangan niya itong alagaan dahil nasa poder niya ito.
Matapos makapagluto ay muli siyang bumalik sa kwarto ni Tamar.
"Tamar kain ka na muna at uminom ng gamot." paggising pa niya sa dalaga. Umungot naman ito bilang sagot.
Dahan-dahan namang napamulat si Tamar ng mapansing nasa kwarto na siya. Ang natatandaan niya ay nakatulog siya sa couch sa living room. "Pero bakit nandito na ako sa kwarto ko?" tanong pa niya sa sarili ng medyo nakaramdam siya ng pananakit ng ulo.
Pagpaling niya sa isang direksyon ay napansin niya ang boss niyang nasa kwarto niy at nakatingin sa kanya.
"B-boss." nauutal pa niyang sambit ng hindi niya mapigilan ang pananakit ng kanyang ulo.
Sa sobrang sakit ay nakaramdam siya ng pagsusuka. Kahit nahihilo ay pinilit niyang makatao para makarating ng banyo para doon sumuka.
Naramdaman na lang ni Tamar ang paghagod ng kamay sa kanyang likuran. Hindi na lang muna niya pinagtuunan ng pansin ang boss niya at mas inintindi ang sakit ng ulo niya.
BINABASA MO ANG
His Maid Stripper (Hooker Series 14)
RomansaBlurb Masayahin at hindi kakikitaan ng problema, iyan si Tamar Persimmon Rodriguez. Sa simpleng buhay ay kontento na siya. Hanggang sa maagang binawi ng langit ang kanyang pamilya. Lumuwas siya ng Maynila, para makipagsapalaran. Naging katulong siya...