Chapter 30

385 8 0
                                    

Chapter 30

Halos tatlong linggo ng nasa poder ni Alarik si Baby Alrick at malaki na ang inilaki nito, mula ng makita niya ang sanggol sa labas ng gate. Hindi na rin siya ilang na hawakan ito. Basta umiiyak ito ay hindi na siya nagdadalawang isip na buhatin ito, lalo na at busy si Marione sa pag-aayos ng mga gamit ni Alrick.

"Sir, sorry po hindi ko mabuhat si Alrick. Bubuhatin ko po sana kaya lang, maghuhugas pa ako ng kamay, itinapon ko po kasi ang mga gatas na hindi niya naubos. Huhugasan ko pa sana ang mga bote niya kaya lang umiyak."

"Okay lang ako na ang bahala kay Alrick. Ilalabas ko siya, ng makasanghap naman ng sariwang hangin."

"Okay sir."

Pagkabuhat ni Alarik sa sanggol ay nadala ang panlatag nito. Ganoon din ang isa pa nitong sapin. Napakunot noo naman si Alarik ng maalala niya na kahawig iyon ng damit ni Tamar.

"Marione, bakit may ganito dito?"

Itinaas ni Alarik ang damit na nakita niya.

"Ayan po b? Malambot ang tela niyan sir. Wag kang mag-alala palagi kong nilalabahan iyan. Isa pa, nakakahimbing sa sanggol ang ganyang tela. Ngayon lang po ay oras yata ng pag-iyak ni Alrick kaya nag-iiyak," biro ni Marione na ikinatawa naman ni Alarik.

Napahugot naman si Marione ng paghinga ng mukha namang sumang-ayon si Alarik sa palusot niya.

"Ano ba yan Tamar, daming makikita ng mahal mo, damit mo pa. Wag naman sana akong pagdudahan, yari talaga ako sayo pagnagkamalay ka," ani Marione sa isipan.

"Sige na ikaw naman ang nakakaalam, kaya nga ikaw ang nag-aalaga kay Alrick. Sige na lalabas na muna kami."

"Okay po sir. Thank you po. Lilinisan ko na po muna ang mga botelya ni Alrick," ani Marione at lumabas na ng kwarto at nagtungo na papuntang kusina. Saka lang nakahinga ng maayos si Marione ng makalayo kay Alarik.

Lumabas na rin si Alarik habang buhat si Alrick na patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Bakit naman nag iiyak pa ang baby na ito. Tahan na baby, nandito na si daddy," biro pa Alarik na nagpangiti din sa kanya ng ngumiti din si Alrick at tumigil sa pag-iyak. "Payag ka na ba na ako na lang ang daddy mo?" tanong pa ni Alarik ng bigyan siya ng isang napakatamis na ngiti ni Alrick.

Sa puntong iyon ay hindi napigilan ni Alarik ang maging masaya. Isang linggo na lang talaga ang palugit niya at tatawagan na niya ang abogado niya, para legal na ampunin si Alrick.

Patuloy lang sa paglalakad si Alarik sa may garden. Para tuloy silang mag-ama na sobrang sabik sa pamamasyal. Dahil sa sobra niyang busy. Tuwing weekends lang nila nagagawa nagagawa ang bonding na iyon.

"Yow Alarik," sigaw ng tatlong kaibigan niya na kapapasok lang ng gate. Napatingin siya dito. Mabuti na lang at nag-eenjoy na si Alrick sa pagbuhat niya. Kaya kahit medyo nagulat ay hindi na umiyak.

Napailing na lang si Alarik ng makita ang tatlo. Buhat kasi ng maituro niya sa tatlo ang button para mabuksan ang gate ng bahay niya ay basta-basta na lang sumusulpot tatlo doon, kahit anong oras.

"Labas tayo," pag-aaya ni Lindon. "Hi, Baby Alrick, ang gwapo-gwapo namang bata iyan," anito na nagpangiti kay Alrick.

"Dito na lang ako sa bahay. Wala namang magandang maiidulot sa akin ang paglabas-labas at pagtungo sa club. Ay dito, naaalagaan ko pa si Alrick."

"Wala naloko na. Mag-asawa ka na kasi para naman magkaroon ka ng anak na masasabi mong sayo. Hindi iyang anak na iniwan lang basta sayo," saad naman ni Harry.

"Change topic, hindi pa ito ang panahon para mag-asawa. Hindi ko pa natatagpuan ang babaeng para sa akin."

"Paano kung senior citizen ka na, pag natagpuan mo ang babaeng para sayo? Tapos nasa senior high pa lang pala." anas pa ni Harry.

His Maid Stripper (Hooker Series 14)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon