Chapter 34

341 7 0
                                    

Chapter 34

Napakunot noo si Alarik ng makarating sila sa likurang bahagi ng Solteria at tumigil ang sasakyang sinusundan nila sa bahay na nandoon. Sabagay ang kasama ni Tamar ay ang dalawang bouncer sa darkroom, kaya hindi na makakapagtaka na doon dinala ng mga ito si Tamar.

Bigla namang lumabas si Madam Soraya ng marinig ang pagbusina ng sasakyan. Nagulat pa ito ng bumaba si Bruno na buhat ang walang malay na si Tamar.

Bumaba na rin silang apat sa sasakyan, ngunit hindi pa sila napapansin ni Madam Soraya.

"Sumunod na kayong apat sa loob ng bahay ni madam. Siguradong hindi niya kayo napansin.

"Bruno anong nangyari kay Tamar?" nag-aalalang tanong ni Madam Soraya habang hinahaplos ang ulo ng walang malay na si Tamar.

"Nagkita sila noong tatay ni Alrick," ani Bruno na nagpatayo kay Madam Soraya.

"Anong nangyari? Nasaan sila? Bakit naman ninyo pinabayaan? Nasaan si Kristan?"

Sunod-sunod na tanong ni Madam Soraya ng makita nila ang pagpasok ni Alarik at mga kaibigan nito sa loob ng bahay.

Napahugot naman ng malalim na paghinga si Madam Soraya, bago inayang maupo sina Alarik.

Nakatitig lang si Alarik kay Tamar na nakahiga sa mahabang couch. Wala na ang balabal nito sa ulo. Kitang-kita nila ang manipis na tubo ng buhok na wari mo ay sinadyang i-trim hanggang sa walang matira.

"Anong maiipaglingkod ko sa iyon, lalo na sayo Mr. Duglas?" malamig na tanong ni Madam Soraya na ikinatahimik ng tatlong kaibigan ni Alarik.

Mula naman sa labas ay sumenyas si Kristan na uuwi na lang muna. Nagpaalam muna si Bruno kay Madam Soraya na ihahatid si Kristan sa bahay nito. At sabay ng babalik mamaya sa oras ng trabaho.

Napatingin namang muli si madam kay Alarik na hindi pinuputol ang titig kay Tamar.

"Anong nangyari?" Iyon na lang ang naitanong ni Madam Soraya kay Alarik ng hindi nito sinagot ang unang tanong niya.

"Paano nangyari na hindi niya ako kilala? Talaga bang hindi niya ako kilala o nagpapanggap lang si Tamar?"

"Nagpapanggap? Ano sa palagay mo? Pati iyang ulo niya na halos bago pa lang tinutubuan ng buhok pagpapanggap pa rin ba sayo? Aware ka naman siguro sa sakit niya di ba?" anito na ikinatango ni Alarik. "Mula ng umalis siya sa poder mo. Lahat ng hirap sa pagbubuntis at pasakit na gawa ng sakit niya tiniis ni Tamar para lang mabuhay ang anak ninyo. Kahit halos maging buto at balat na siya, tiniis niya ang lahat. Ngayon maiisip mo bang pagpapanggap lang ang lahat?" may hinanakit sa boses ni Madam Soraya habang sinasabi ang bawat katagang iyon kay Alarik.

"Pero bakit siya umalis ng walang paalam. May nakuha pa akong sulat na akala ko talaga galing sa kanya, dahil nakita ko nga sa cctv sa bahay na sumama siya sa sekretarya ng doktor niya."

"At pinaniwalaan mo kaagad ang bagay na iyon? Wala kang ginawa para hanapin si Tamar? Kung mahal mo talaga siya, hindi ka maniniwala sa isang bagay ng ganoon na lang. Sinabi na rin namin iyan kay Tamar. Kaya lang natatakot siyang maiwan kang mag-isa kung matapos niyang manganak at mamamatay din naman siya. Kaya hindi na namin siya napilit na magpaalam sayo. Pero kung hinanap mo siya malamang nakita mo lahat ng hirap na pinagdaanan niya. Pero hindi ka namin sinisisi, dahil iyon na rin ang hiniling ni Tamar. Nasa sayo ang anak ninyo alagaan mo siya ng mabuti. Alang-alang na rin kay Tamar."

Napayuko naman si Alarik dahil nakaramdam siya ng pagkapahiya. Dapat talaga hinanap niya si Tamar at hindi iyong nagtanim pa siya ng galit sa dalaga.

"Pero bakit siya umalis ng hindi nagpapaalam? Alam niyang mahal ko siya. Pero iniwan pa rin niya ako."

His Maid Stripper (Hooker Series 14)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon