Chapter 6
Isang linggo matapos makipagkita ni Tamar kay Dra. Samaniego ay napapansin niyang nawawala na ang mga pasa sa kanyang braso ang binti. Hindi na rin iyon nadagdagan pa.
"Maganda talaga iyong vitamins na ibinigay ni Dra. Reyes. Iyon lang din ang vitamins na ituloy ko sabi Dra. Samaniego." Nakangiting wika pa ni Tamar sa sarili habang nakatingin sa whole body mirror na nasa kwarto niya.
Kahit katulong lang siya sa bahay ni Alarik ay parang hindi naman pang katulong ang kwarto niya. Bukod sa may sariling banyo, malawak pa rin ang kwartong iyon at may malambot na kama. Ganoon din ang iba pang kwarto, na tulad ng kanya na para talaga sa mga katulong, kung kukuha pa si Alarik ng dalawa pa.
Parang nawala na rin sa isipan ni Tamar ang ginawang MRI sa kanya noong nakaraan. Lalo na at nafocus siya sa gumagaling niyang mga pasa.
Lalabas na sana si Tamar ng kwarto ng bigla siyang mapaupo muli sa kama ng sumakit bigla ang ulo niya. Nakakaramdam na rin siya ng hilo ng mga oras na iyon. Pinilit niyang irelax ang sarili. Iniisip niyang mawawala din ang pananakit ng ulo niya.
Limang minuto pa ang lumipas, hanggang sa wala na siyang maramdaman na sakit.
"Ano ba iyon?" Tanong niya sa sarili bago muling humarap sa salamin ng mapansing magulo ang kanyang buhok. Sinuklay niyang muli iyon at ipinusod.
Matapos maayos ang sarili ay lumabas na si Tamar para makapagluto. Sure naman siyang tulog pa ang boss niya at alas singko pa lang ng madaling araw.
Kinuha ni Tamar ang tocino at iyon ang lulutuin niya. Kumuha na rin siya sa tray ng itlog. Mula ng ibinilin ni Dra. Samaniego na wag siyang kakain ng mga can goods at processed foods ay hindi na siya bumili noon.
Ang tocino, longganisa, at patty na niluluto niya tuwing umaga ay freshly made by her talaga. Nahihiya man ay nagparesearch siya sa boss niya sa internet kong paano ginagawa ang mga bagay na iyon. Nakapag-aral naman siya hanggang first year high school. Kaya naman kahit papaano ay naiintindihan niya ang nakasulat sa binabasa niya at iyon ang kanyang sinusunod.
"Mabuti na lang madami ang isinaing ko kagabi. Mas masarap ito kung sinangag." Aniya at dinurog ang kanin.
Nagpitpit at ginayat lang niya ng maliliit ang bawang. Nilagyan lang niya ng kaunting asin ang kanin. Nag medyo brown na ang bawang inilagay na rin niya ang kanin.
Ang tocino naman ay isinalang na rin niya sa isang non sticky pan sa mahinang apoy. Habang nakasalang ang mga niluluto niya ay nagbalat na rin siya ng prutas. Kahit ang boss niya ay dinadaan na rin niya sa healthy foods. Mabait ito sa kanya kaya gusto niyang suklian ang kabaitan nito sa ganoong paraan.
Naghahayin na siya ng pumasok si Alarik sa kusina. Naka bihis na ito ng pang opisina.
"Maaga ang pasok mo boss?" Tanong niya ng makaupo ito sa silya sa harap ng hapag.
"May meeting ako mamayang seven. Kaya kailangan kong maging maagap." Anito kaya napatango lang siya.
"Kain ka na rin." Alok nito sa kanya.
"Mamaya na boss. Nahihiya na ako na palagi tayong magkasabay kumain. Ako ang nagluluto, naglilinis ng bahay, nagdadayag ng pinagkainan. Papasok ka sa trabaho, maiiwan ako sa bahay, uuwi ka. Ganoon palagi ang buhay natin sa araw-araw. Tapos sasabayan pa kita sa pagkain. Hindi ba kalabisan na?" Aniya kaya napakunot noo si Alarik.
"What do you mean?"
"I mean is, kulang na lang malagyan ako ng title na asawa boss." Biro niya kaya naman, hindi mapigilan ni Alarik na matawa.
"Joker ka ba noong past life mo?" Natatawang pa ring tanong ni Alarik ng maupo si Tamar sa tabi niya.
"Hindi ko alam boss. Pero isa lang ang masasabi ko. Natuto akong maging masaya kahit malungkot ang buhay. Bata pa lang ako noong mawala ang pamilya ko sa akin. Tapos ang babaeng umaruga sa akin sa panahon na wala na akong pamilya, iniwan na rin ako. Kaya ako naglakas loob na magtungo dito sa Maynila para sa bagong simula ng buhay ko. Pero maswerte akong nakilala kita. Maikli lang ang buhay boss kaya ginagawa ko ang lahat para maging masaya. Higit sa lahat, kahit anong problema ang dumating dahil maikli lang ang buhay na hiram natin, gagawin ko ang lahat para mapangalagaan ang buhay na meron ako. At ilalaban ko ang buhay ko kung may pagkakataon pa ako." Malungkot na wika ni Tamar na agad ding ngumiti ng mapansing nakatingin sa kanya si Alarik.
BINABASA MO ANG
His Maid Stripper (Hooker Series 14)
Roman d'amourBlurb Masayahin at hindi kakikitaan ng problema, iyan si Tamar Persimmon Rodriguez. Sa simpleng buhay ay kontento na siya. Hanggang sa maagang binawi ng langit ang kanyang pamilya. Lumuwas siya ng Maynila, para makipagsapalaran. Naging katulong siya...