Chapter 27

303 8 0
                                    

Chapter 27

"Bakit ka ba nagkakaganyan Alarik? Pwede bang ayusin mo yang sarili mo! Look anak ikakasal ka na kay Caroline. Kalimutan mo na ang babaeng iyon," wika ng mommy niya na kasama niya ngayon sa library.

"Leave me alone mom. Alam kong hindi gagawin ni Tamar ang bagay na iyon kung wala kayong kinalaman!" pasigaw na sambit ni Alarik kaya napatayo ang mommy niya mula aa pagkakaupo.

"Sigurado ka? Sa isang lalaki sumama si Tamar. Nakilala mo ba iyong lalaki na kasama niya? Di ba ikaw ang nagsabi na sekretarya iyon ng doktor niya. So baka naman bago pa naging kayo, talaga namang may relasyon na ang dalawa. Isipin mong mabuti anak. Sinong matinong babae ang aalis na lang basta sa kalagitnaan ng gabi, bitbit ang gamit tapos susunduin ng isang lalaki? Ngayon ipaliwanag mo sa akin. Nasaan ang babaeng sinasabi mong mahal na mahal ka."

Nawalan ng imik si Alarik sa sinabi ng ina. Totoo kasi ang sinabi nito. Umalis si Tamar at sumama ito kay Andrei. Mula noon ay hindi na niya hinanap kung saan man nagpunta ang dalaga. Pero galit pa rin siya dito dahil kasama ni Tamar sa sinapupunan nito ang kanilang anak. Kung talagang anak nga niya ang sanggol na iyon. Malakas ang loob niyang anak niya iyon. Pero iba ang sinabi ni Tamar.

"Isa pa anak, ipaliwanag mo ang sulat niya. Ikaw ang nakabasa noon. Sinabi niyang hindi ikaw ang ama ng ipinagbubuntis niya. Malinaw na niloko ka lang ng babaeng iyon. Malamang ay ang Andrei na iyon ang ama ng ipinagbubuntis ng babaeng 'yon!" dagdag pa ng mommy niya na nagpainit lalo sa kanyang ulo.

"Mommy please stop! Ayaw ko ng alalahanin ang tungkol kay Tamar. Pero sana lang, wag ninyong ipagpilitan na makasal ako kay Caroline."

"Hindi kita pipilitin anak sa ngayon. Take a rest babalik ako bukas," wika lang ng mommy niya at mabilis na lumabas ng library.

Napasabunot naman si Alarik ng buhok ng maalala ang huling araw na nakita niya si Tamar.

Flashback

Namumutla si Tamar ng lapitan niya ito. Pero hindi naman siya pinansin ng dalaga. Nagalit pa ito sa kanya ng alalayan niya. Alam niyang isa iyon sa pagbabago sa isang buntis. May kasalanan din naman siya dito na hindi maamin kaya naman, kasalanan din niya kung bakit galit at tampo ito sa kanya.

Lumabas muna siya noon ng kwarto nito para ikuha ang dalaga ng tubig.

"Babe," tawag ni Alarik kay Tamar ng pagpasok niyang muli ay mapansin niya itong nakaupo sa may sahig at nakatingin sa perang kinita nito sa club.

"Ibabalik ko na sayo ang kalahati nito. Pero sana hayaan mong sa akin na lang iyong kalahati, kung ayos lang naman," nakatungong wika ni Tamar ng lapitan ito ni Alarik at yakapin.

"Bakit mo ba ibabalik pa iyan sa akin? Sayo na iyan at hindi ko masabi ngayon na bayad ko yan sayo. Just keep that Tamar. Gusto mo dagdagan ko pa, pumayag ka lang na magpagamot."

Naramdaman ni Alarik ang pag-iyak ni Tamar kaya niyakap na lang niya ito ng mahigpit. Wala siyang ibang nais kundi ang makumbinsing magpagamot si Tamar. Wala naman siyang nais kundi ang kaligtasan ng kanyang mag-ina.

Nakatulog si Tamar sa pwestong iyon kaya binuhat niya ito pahiga sa kama. Nang maayos niya ang pwesto ni Tamar ay lumabas na siya ng kwarto ng dalaga. Doon ay hindi niya napansin ang bag ng dalaga na nakaready na.

Pagkalabas niya ng kwarto at tumuloy na rin siya sa sariling kwarto para sa mga trabahong kayang iniuwi hanggang sa makatulog na rin siya.

Kinaumagahan ay maagang nagising si Alarik para kumustahin si Tamar. Pero si Caroline at ang mga magulang niya ang naabutan niya sa kwarto ni Tamar.

Napakunot pa ang kanyang noo ng iabot ni Caroline ang isang sulat.

"Ano ito?"

"Read it. At ikaw na ang humusga kung ano yan," nakangising wika ni Caroline na hindi napansin ni Alarik.

His Maid Stripper (Hooker Series 14)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon