Chapter 9

378 7 0
                                    

Chapter 9

Kararating lang ni Alarik ng bahay at naabutan niya sa kusina si Tamar. Hindi naman siya napansin ng dalaga, sapagkat may malakas na musika na tumutunog sa ibabaw ng lamesa. Maagap siyang lumabas ng araw na iyon, parang nais niyang maagang makapagpahinga.

Napakunot noo pa si Alarik ng mapansin na cellphone iyong tumutunog sa ibabaw ng lamesa. Lumapit siya doon at hinawakan ito, at tumingin muli kay Tamar.

Pinagmasdan pa niya ang nakatalikod na dalaga na mukhang nag-eenjoy sa pakikinig. Love song iyon, at nakikita niya ang kilos ng ulo ni Tamar na wari mo ay sumasabay sa saliw ng musika. Naririnig pa niya ang minsang pagsabay nito.

Natutuwa pa siyang pagmasdan ang dalaga, ng bigla itong humarap at nagulat sa kanya.

"Amo kong gwapo!" Gulat pang sigaw ni Tamar, kaya naman nabitawan nito ang sandok na hawak. Napahawak pa ito sa sariling dibdib. Ramdam talaga ang gulat nito.

"At gwapo pala ako ha." May panunudyo pang wika ni Alarik.

"Boss naman bigla ka naman kasing sumusulpot. Bakit ka kasi nanggugulat?" Reklamo ni Tamar at dinampot ang nabitawang sandok.

"Pero nagagwapuhan kang talaga sa akin?" Ulit pa nito.

"Boss naman, oo naman, hindi ka ba nagagwapuhan sa sarili mo?" Tanong ni Tamar kaya napailing na lang si Alarik.

"Sayo 'to?" Ani Alarik, habang hawak ang cellphone ni Tamar. Mababakas sa mukha ng dalaga ang pagkagulat.

Pero para sa kanya, wala namang masama kung magkaroon ito ng gamit na ganoon. Alam naman niyang matipid ito, at ang binibili lang ay ang mismong kailangan nito. Sa panahon ngayon, kailangan naman talaga ang cellphone bilang kumunikasyon.

"Bakit naman kasi ang agap ni boss." Bulong pa ni Tamar. Hindi naman siya pwedeng magsinungaling.

"Ahm. Opo boss. Nakikita ko kasi ang ganyan sayo. Tapos pagnakakapanood ako ng t.v. kaya naman medyo pamilyar ako sa cellphone. Kahit sabihing galing akong probinsya. Matipid naman ako, lalo na at libre ang pagtira ko dito sayo at pagkain ko. Ayan, tapos, nakaipon naman ako. Tapos nabili ko iyan." Nahihiyang paliwanag ni Tamar sa boss niya na sinusuri ang kabuoan ng cellphone niya. Pinahina din nito ang volume ng cellphone.

"Okay naman, yan kasi magagamit mo. Iyan ba ang binili mo noong, nagpaalam ka?"

Naalala na naman ni Tamar iyong araw na sinabi niya sa boss niya na may bibilhin siya. Pero ang totoo ay nakipagkita siya kay Dra. Samaniego.

"Opo boss. Iyan na nga."

Nilapitan naman siya ni Alarik at ginulo ang kanyang buhok. Inabot din sa kanya ang cellphone niya.

"Wala namang masama. Kung sinabi mo sa akin di sana ay nasamahan kita. Pero okay na rin iyang napili mo. Nakasave ba dyan ang number ko?" May halo pang panunudyo sa boses ni Alarik kaya naman, halos pamulahan ng mukha si Tamar.

"Opo boss."

"Sige nga tawagan mo ako ng makuha ko ang numero mo. Para if may kailangan ako sayo, sa number mo na lang ako tatawag,"

Kinakabahan man, ay tinawagan ni Tamar ang numero ng boss niya. Nangiti pa si Alarik ng makita ang pangalan niyang naka-save sa cellphone ng dalaga. 'Boss Pogi.'

"Talaga lang ha." Natatawa pang panunudyo nito sa kanya, bago siya tinalikuran.

"Tawagan mo ako pag kakain na." Bilin pa nito.

"Boss. Kailangan talaga tawagan?"

"Hindi. Puntahan mo ako sa kwarto at kumatok ka at sabihan mo ako pagkakain na. Okay. Ibang tawag naman ang nasa isip mo eh." Anito na ikinailing niya.

His Maid Stripper (Hooker Series 14)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon