Chapter 35
Nasa may garden si Marione habang nakasakay sa stroller si Baby Alrick. Natutulog ang sanggol doon na wari mo ay nagiginhawahan sa preskong hangin.
Madami kasing halaman doon, mga namumulaklak at iba pang hardin na nagbibigay ng sariwang hangin.
"Ang sarap naman ng tulog ng munting atay namin. Sana maalala ka na ng mommy mo. Sigurado akong miss na miss ka na niya. Masaya na rin naman na alam ng daddy mo na anak ka niya. Kaya naman mas mamahalin ka niya ng sobra. Noong aampunin ka nga lang, mahal ka na, ngayon pa ba?" masayang wika ni Marione habang naktitig pa rin sa natutulog na sanggol.
May dala na siya doong pagkain para hindi na siya magpabalik-balik ng kusina. Hapon na rin naman noon at tamang itutulog ni Alrick kaya naman lumabas sila ng garden.
"Alarik!" malakas na tawag ng kung sino man sa pangalan ng kanyang boss kaya naman napaigtad siya.
Nakita na naman niyang papasok sa may gate ang mga magulang ni Alarik at ang babaeng nagpakilalang fiancée ni Alarik na hanggang ngayon ay hindi naman pinapakasalan. Dahil ang mahal ng boss niya ang ina ni munting atay.
"Nasaan si Alarik!?" may diing tanong ng ginang na nagpaingit kay Alrick.
"Maam, pakihinaan po ng boses may natutulog," pakiusap niya ng samaan siya ng tingin nito.
"Anong karapatan mong sagutin ako? Nasaan si Alarik iyon ang itinatanong ko, at hindi iyong mga walang kwentang bagay," galit na wika nito habang kinakalma ng asawa.
"Wala po dito si sir. Lumabas po kasama ng mga kaibigan niya."
"Ganoon ba siyang katiwala sayo, para iwan ka dito kasama ang batang iyan?" naiinis na wika ni Caroline habang dinuro-duronpa si Alrick.
"Maam, nakikiusap po ako, sa loob na lang ninyo hintayin si sir, or tawagin po ninyo. Wag naman po kayong sumigaw magigising po si Alrick."
"Alrick? Alrick ang pangalan ng batang iyan? Wag mong sabihin na nabuntis ka din ni Alarik tapos isinunod mo pa sa pangalan ng bastardong iyan sa pangalan ng anak ko!"
"Maam si sir na lang po ang tanungin ninyo at siya lang po ang makakasagot noon. Hindi ko po anak si Alrick dahil yaya lang po ako dito," paliwanag pa ni Marione ng itulak siya ni Caroline para lapitan si Alrick.
"Ito ba iyong bata na ipinaDNA ni Alarik? At naniwala naman siya sa resulta ng test na iyon. Paano kung pinapaikot lang si Alarik ng nanay ng batang ito para makahingi ng pera. Dapat ngayon pa lang, pinapalayas na ang sagabal!" inis na sigaw ni Caroline kaya naman nagising na ng tuluyan si Alrick.
"Patahimikin mo nga ang batang iyan, nakakairita!" sigaw pa ng mommy ni Alarik.
"Sinabi ko na po sa inyong wag kayong sumigaw, pero sigaw pa rin kayo ng sigaw. Ngayong nagising ang bata, iyong bata pa ang sisisihin ninyo dahil naiirita kayo. Kayo po ang matanda, kaya kayo na lang ang mag-adjust," sagot ni Marione ng biglang lumapat sa pisngi niya ang kamay ni Caroline.
"How dare you to answer me like that? May maiipagmalaki ka na dahil si Alarik ang amo mo? Magiging asawa ako ni Alarik kaya naman ako din ang masusunod dito pagnangyari iyon. Kaya ngayon pa lang palalayasin na kita."
"Enough Caroline, wala ding saysay ang makipag-usap sa kanya, wala dito si Alarik. Hintayin na lang natin siya sa loob," wika ng daddy ni Alarik na nagsimula ng maglakad papasok sa loob ng bahay.
Masamang tingin naman ang ipinukol ng mommy ni Alarik sa kanya.
"Know your place b*tch!" mapang-uyam na wika ni Caroline na hindi napigilan ni Marione ang sumagot.
BINABASA MO ANG
His Maid Stripper (Hooker Series 14)
Любовные романыBlurb Masayahin at hindi kakikitaan ng problema, iyan si Tamar Persimmon Rodriguez. Sa simpleng buhay ay kontento na siya. Hanggang sa maagang binawi ng langit ang kanyang pamilya. Lumuwas siya ng Maynila, para makipagsapalaran. Naging katulong siya...