Chapter 28
"Kumusta na siya?" tanong ng isang tinig na nagpalingon kay Dra. Samaniego. Nginitian niya ang babaeng papalapit ngayon sa kanya. Nasa may garden siya ng isang pinakamalaking na ospital sa isang probinsya. Oo nga at iyon ang pinakamalaki, pero maliit na ospital iyon, kumpara sa Maynila, pero ngayon mayroong makabagong kagamitan.
Mula kasi ng mahalal ang gobernador at mayor ng pinakasentrong bayan ng probinsya ay inuna ng mga ito ang mga makabagong kagamitan para sa ospital. Malayo kasi ang probinsyang iyon sa Maynila. Kaya naman nahihirapang magpagamot ang mga taga roon. Kung hindi sasakay ng barko ay kailangan pang sumakay ng eroplano para lang makarating ng Maynila.
Mula ng tanggihan ni Tamar ang pagpapagamot ay pinili ni Dra. Samaniego na lumipat ng probinsya. Kasama nito ang pamangkin at anak-anakan nitong si Andrei na nagsisilbing sekretarya pa rin niya.
"Wala pa ring response ang katawan niya," malungkot na sagot ni Dra. Samaniego at iginaya nito ang kausap paupo sa bench na nandoon.
"Kumusta ang bata madam? Nagawa na ba ninyo ang kahilingan niya?"
"Oo kasama na ng bata ang kanyang ama," malungkot na sagot ni Madam Soraya na pasimpleng nagpahid ng luha ng maalala ang sitwasyon ni Tamar bago ito, napunta sa sitwasyon nito ngayon.
Flashback
"Madam!" tawag ni Marione ng makapasok siya sa opisina nito, na ikinakunot ng noo ng ginang.
"May problema ba Marione?"
"Nakausap ko si Simmon, madam, wala po akong pera. Alam ko pong malaki pa ang utang ko sa inyo. Pero madam. Handa akong magbayad kahit pa buong buhay ko, magtrabaho ako dito sa club mo. Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan na parang kapatid ko na, pakiusap pahiramin po ninyo ako ng pera," lumuluhang wika ni Marione na ipinataka ni Madam Soraya.
"Ano bang problema Marione?"
"May sakit po si Simmon at nagdadalangtao po siya. Ang boss niya ang ama ng kanyang anak, pero ikakasal na daw po ito sa iba. Kasama niya sa bahay ang magulang ng boss niya at ang fiancee nito. Pero nagdududa po ako sa kwento ni Tamar sa kabaitang ipinapakita ng mga magulang ng boss niya at ng babaeng fiancée daw ng boss niya."
"Medyo nalilito ako Marione. Kung mahal ni Alarik si Simmon bakit may fiancée itong iba?"
"Kilala ninyo ang boss ni Simmon?"
"Siya ang customer ni Simmon noon. Hanggang sa nakipagdeal si Simmon kapalit ng pera. Pero ng nalaman ni Alarik na si Simmon ang babaeng nakakasama niya dito. Siya din ang nag-alis sa batang iyon dito. Akala ko maayos ang lagay ni Simmon sa poder ni Alarik. Hindi ko akalaing malaki ang problema ng batang iyon. Handa akong tumulong Marione. Matanda na ako at wala naman kaming naging anak ng asawa ko. Kayong mga empleyado ko ang pamilya ako. Naaawa ako kay Simmon kaya wag kang mag-alala."
Napangiti si Marione at nagliwanag ang kanyang isipan. Pakiramdam niya ay nasagot ni Madam Soraya ang problema niya. Sabagay, naging sagot talaga si Madam Soraya sa problema ni Tamar na ngayon gusto din niyang pasanin.
Samantala, nasa harap si Tamar ng opisina ni Dra. Samaniego. Alam niyang nandoon ang doktor dahil nagtanong muna siya sa information. Hindi lang niya malaman kung kakatok ba siya o hindi. Pero ng itataas na niya ang kamay at handa ng kumatok ay siya namang pagbukas ng pintuan.
"Tamar? Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Dra. Samaniego. Base sa dala nitong bag ay handa na itong umalis. "Pumasok ka muna at mag-usap tayo."
Sumunod naman siya sa doktor papasok sa loob. Naabutan niya doon si Andrei na nag-aayos din ng gamit nito.
"Magpapagamot ka na ba Tamar?"
BINABASA MO ANG
His Maid Stripper (Hooker Series 14)
RomanceBlurb Masayahin at hindi kakikitaan ng problema, iyan si Tamar Persimmon Rodriguez. Sa simpleng buhay ay kontento na siya. Hanggang sa maagang binawi ng langit ang kanyang pamilya. Lumuwas siya ng Maynila, para makipagsapalaran. Naging katulong siya...