Epilogue

740 19 0
                                    

Epilogue

Nasa may garden lang si Tamar habang kasama niya ang anak. Mula ng magkasama sila ni Alrick ay halos hindi na siya umalis sa tabi nito. Palagi ay gusto niya itong hawakan at ayaw na malalayo ito sa tabi niya.

"Ang gwapo naman ng baby ko, mana ka sa daddy mo. Kaya lang wala ka man lang nakuha sa nanay," nakangusong wika pa ni Tamar ng makarinig siya ng pagtikhim.

Napatayo naman si Tamar ng tuwid ng makilala ang mga ito. Ang mga magulang ni Alarik. Nagkaroon tuloy ng agam-agam ang kanyang puso, lalo na at wala doon ang binata. Habang si Marione ay nasa grocery dahil nagpapabili siya ng gamit ni Alrick.

"Tamar," wika ng mommy ni Alarik na nagpalunok sa kanya.

"Alam ko pong ayaw ninyo sa akin. Kaya lang po si Alarik po ang nagdala sa akin dito. Pero kung gusto po ninyo aalis po kami. Aalis po kami ng anak ko."

Nagpapanic na wika ni Tamar habang kinakabahan. Ewan ba niya. Pakiramdam kasi palagi niya ngayon, pag may mga taong ayaw sa kanya ay palaging ilalayo ang anak niya.

"Wag kang matakot Tamar." wika ng daddy ni Alarik na lumapit sa kanya ay tiningnan ang anak nila. Lumapit din ang mommy ni Alarik.

"Ang gwapong bata, mana sa iyo," biro pa ni Dayes sa asawa.

"Nakakatuwang makita ang ating apo," saad naman ni Aleck na tumingin kay Tamar.

Napaatras naman si Tamar. Hindi kasi talaga niya alam ang nangyayari.

Hinawakan ng mommy ni Alarik ang kamay niya at inalalayan siyang maupo sa tabi ng stroller ni Alrick.

"Tamar, sana mapatawad mo kami sa nagawa namin sayo. Narealize naming mag-asawa ang pagkakamali namin," wika ni Dayes.

"Alam naming wala kaming pinakita na masama sayo, pero aminado kaming ramdam mo ang pagkadisgusto namin sa iyo noon. Tamar sana ay mapatawad mo kaming mag-asawa. Bilang ama ni Alarik, ang nais ko ay ang lahat ng makakabuti sa kanya. Kaya lang nagkamali ako, kami. Dahil ang makakabuti sa kanya, inayawan pa namin."

Nahihiyang wika pa ni Aleck na hindi mapigilan ang maluha. Siya ang lalaki at haligi ng tahanan, pero siya itong naging mapanghusga sa babaeng karapat-dapat sa anak.

"Alam na namin lahat Tamar. Alam namin ang nakaraan mo ang buong pagkatao mo. Kung paano kayo nagkakilala ni Alarik at kung paano nangyari ang lahat. Sa totoo, noon malaki ang pagkaayaw ko sayo. Sa tingin ko ay pera lang ang habol mo sa anak namin. Pero nagkamali ako Tamar. Hayaan mo akong makabawi sayo. Sana hayaan mo kaming patunayan sayo na nagsisisi kami at babawi kami sa iyo."

Sa puntong iyon hindi na napigilan ng mag-asawa na maiyak. Matatanda na sila pero kung hindi pa dahil sa anak nila. Hindi nila marerealize ang pagkakamali nila.

Kitang-kita ni Tamar ang pagsisisi sa mukha ng mag-asawa. Sino siya para hindi magpatawad. Tao lang din naman siya na naghahanap ng pagmamahal. Hindi niya ipagkakait ang pagpapatawad lalo na wala naman talaga siyang masamang alaala na may ginawang masama ang mga ito sa kanya. Maliban na lang sa gusto ng mga ito na mailayo siya noon kay Alarik. Kahit na alam ng mommy at daddy ni Alarik na apo talaga ng mga ito ang ipinagbubuntis niya.

"Sino po ako para hindi magpatawad? Ang nais ko lang naman po talaga ay magkaroon ng buo at masayang pamilya. Mahal ko po si Alarik, sana po ay magustuhan din po ninyo ako para kay Alrick." ani Tamar ng lapitan siya ng mag-asawa at niyakap ng mahigpit.

Hindi inaasahan ni Tamar ang yakap na iyon. Ngunit ang init na ibinibigay ng mga ito sa kanya ay nagdudulot ng kasiyahan sa kanyang puso.

"Tanggap ka namin para kay Alarik. Sana ay matanggap mo rin kami bilang ikalawang magulang mo." wika pa ng mommy ni Alarik.

His Maid Stripper (Hooker Series 14)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon