Archie's POV
Nakakainis talaga yung babaeng yun kala mo namang magaling umarte mas maganda pa nga akong umarte kesa sa kanya.
"Punta nalang tayo sa mall, tsaka mamasyal tayo naiinis lang talaga ako dito!"--saad ko kay Pia.
"Ayyy! Gusto ko yan matagal na akong hindi nakakapagmall ehh!"--saad naman ni Pia, kaya naman ay lumabas na kami ni Pia ng School tsaka ko tinawagan ang driver ko.
"Hello! Manong pumunta ka po dito sa labas ng School tsaka dalhin mo po yung sasakyan kasi pupunta po tayo ng mall!"--saad ko naman.
"Cge po! Señorito!"--sagot ni Manong.
Kaya naman ay binaba ko naman agad ang cellphone ko at naupo sa upuan na nasa gilid ng Gate hindi naman nagtagal ay dumating naman agad si Manong.
"Tara na Pia!"--saad ko naman kay Pia kaya naman ay bumangon naman ito.
"Señorito sakay napo kayo!"--saad ni manong at pinagbuksan ako ng Pinto.
"Sumakay kana rin Pia!"--saad ko naman kay Pia tsaka ako pumasok sa loob ng kotse.
"Ano ba ang gagawin natin sa mall niyo?"--tanong naman ni Pia.
"mamasyal lang tayo dun!"--saad ko naman.
"ayy! Akala ko pa namang mamimili tayo dun!"--saad naman ni Pia.
"Alam mo minsan nagtataka ako kung bakit tayo naging magkaibigan!"--saad ko naman.
"Huh? Bakit naman?"--tanong naman ni Pia.
"Napakahina mo kasing magisip ehhh, ano ba ang ginagawa ng mga tao sa mall?"--tanong ko naman.
"Namimili!"--saad naman ni Pia.
"Ohhh yun naman pala ehh, bakit nagtanong kapa!"--saad ko naman.
"libre mo?"--tanong naman ni Pia.
"Oo na, ako na ang magbabayad!"--saad ko naman.
"Bakit kailangan mo pa magbayad ehh! Kayo naman ang mayari ng mall?"--saad naman ni Pia.
"Alam mo kahit kami ang may-ari nun ay kailangan parin naming magbayad para hindi malugi ang business!"--saad ko naman.
"Kung sabagay tama ka!"--saad naman ni Pia.
"Señorito nandito na po tayo sa mall!"--saad ni Manong.
"Ahhh! Igilid mo nalang po d'yan sa tabi baba na kami!"--saad ko naman.
"Cge po!"--saad naman ni Manong, tsaka muling pinaandar ang sasakyan at tumabi sa gilid bumaba naman kami ni Pia ng Sasakyan.
"Paki-park nalang po ng kotse sa parking ng mall! At kapag magutom ka punta kalang sa food stall mg mall at sabihin mo ang pangalan ko!"--saad ko pa kay manong.
"Cge po, señorito!"--saad naman ni Manong.
Kaya naman ay pumasok naman kaming dalawa ni Pia sa loob ng Mall at ang dami ngang tao sa labas kanina ehhh kaya pinagtitinginan kami ng mga tao dahil tuloy-tuloy lang kami sa pagpasok.
"Magandang umaga po Sir! Napadalaw po kayo!"--bungad sa amin ng manager ng mall na ito.
"ahhh! Mamasyal lang po kami tsaka bibili na rin kung may magustuhan!"--sagot ko naman.
"ahh! Ganon ba sanay mag enjoy po kayo sa inyong pamimili!"--saad pa nito.
"Cge maraming salamat!"--saad ko naman.
Kaya naman ay nagsimula na kaming maglakad lakad at bawat madaanan namin ay humihinto kami para tumingin tingin ng mga nakadisplay.
Hanggang sa may bumangga sa aming lalaki at sabay sabay kaming natumba agad naman kaming nakabangon ni Pia, ganon din ang ginawa ng lalaking bumangga sa amin.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Legendary Prince of Olympus World (Completed)
FantasyAng istoryang ito ay tungkol sa isang Prinsipe na napilitan umalis para sa kanyang kaligtasan dahil gusto siyang patayin ng mga kalaban ng kanilang Palasyo. Makakabalik pa kaya ang Prinsipe sa kanyang mundo? halina't samahan si Archie sa kanyang kwe...