Chapter 20:Stone of Life Vs Stone of Death

279 8 0
                                    


“””””””””””Archie’s POV””””””””

Nandito pa rin ako sa clinic at binabantayan ko si Tyler na nakahiga parin sa kama ng clinic at wala paring malay, sobrang miss ko na siya.

“Archie, hindi kaba lalabas manlang o kahit kumain ka!”—saad ni Headmaster s akin.

“Hindi ko po iiwan si Tyler dito!”—saad ko naman.

“Ako na muna ang magbabantay kay Tyler, wag mong pabayaan ang sarili mo tsaka magagalit si Tyler kapag nalaman niyang pinabayaan mo ang sarili mo kaya cge na kumain kana muna!”—saad ni Headmaster sa akin at mukhang tama naman siya kaya naman ay pumaysg naman ako sa gusto niya, lumabas na ako ng kwarto ni Tyler at sabay labas ng clinic at diretso agad ako sa canteen para kumain. Hanggang sa nakasulubong ko sina Jane at sina Isaac at papunta din ang mga ito sa clinic.

“Saan kayo pupunta?”—tanong ko sa mga ito.

“Sa clinic sana yayain kang kumain kaya lang nandito kana ehh!”—sagot ni Isaac.

“Ahhhh! Tara samahan niyo akong kumain sa Canteen!”—saad ko.

“Sino nagbabantay kay Tyler?”—tanong ni Vincent sa akin.

“Si Headmaster, sabi niya siya daw muna ang magbabantay kay Tyler!”—saad ko naman.

“Ahhh ganon ba!”—saad naman ni Yasha.

“Ohhhh! Ano tara na sa Canteen!”—saad naman ni Fhaye.

“Cge!”—saad ko naman.

******HEADMASTER’S POV******
Nandito na ako sa clinic at buti nalang napapayag ko si Archie na kumain muna sa Canteen at sinigurado ko din na matatagalan siya dun at sina Isaac na ang bahala para hindi agad bumalik si Archie ng maaga, agad ko namang pinapasok ang mga Royal Healer na galing sa Palasyo.

Agad naman nilang tiningnan si Tyler at doon ko nalaman na may lason pala sa katawa ni Tyler at kapag hindi ito matanggal sa katawan ni Tyler possibleng mamatay si Tyler.

“Pano matatanggal yang lason na yan?”—tanong ko naman.

“Kailangan namin ng Sun Flower na kulay Violet, balahibo ng pegasus at mga Fairy Dust!”—saad ng Isang Royal Healer na eksperto sa paggawa ng mga potion.

“Fairy dust? Diba matatagpuan ang mga Fairy sa kabilang mundo?”—tanong ko naman.

“Mismo yun kasi ang pinakaimportanteng sangkap sa paggawa ng potion para matanggal ang lason sa katawan ni Tyler!”—saad naman nito.

“Cge magpapakuha ako!”—saad ko naman.

“Pakibilisan lang po kasi kumakalat na po ang lason sa katawan ni Tyler!”—saad ng isang Royal Healer.

Agad naman akong lumabas ng Clinic at agad kong hinanap sina Isaac at nang makita ko ito ay agad ko silang nilapitan at kasama nga nila si Archie.

“Bakit po Headmaster?”—tanong ni Isaac sa akin.

“May malaki tayong Problema!”—saad ko naman.

“Sino po ang nagbabantay kay Tyler?”—tanong naman ni Archie.

“Ang mga Royal Healer ang nagbabantay sa kanya pinatignan ko kasi ulit si Tyler sa mga Healer at doon ko nalaman na mayroon palang lason sa katawan ni Tyler! Wag ka sanang magagalit Archie!”—saad ko kay Archie.

“Pero bakit ngayon niyo lang po ito ginawa?”—tanong naman ni Archie sa akin.

“Paumanhin!”—saad ko.

“All this time, umaasa ako na magigising si Tyler akala ko ayos  ang kalagayan niya pero hindi pala!”—saad ni Archie, hindi naman ako nagsalita at nakita nga naming lahat na unti unti nang lumalabas ang majica ni Archie kahit ang Stone of Life ay nakita naming lumabas, agad naman akong nagcast ng spell na lahat ng nakakita sa paglabas ng Stone of Life ay mawawala sa alala nila nakita nila ang Stone of Life pero syempre hindi kasama dun sina Isaac.

The Long Lost Legendary Prince of Olympus World (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon