Chapter 18:The Training

257 9 0
                                    

****ARCHIE’S POV****

Nandito na nga kami sa gitna nitong gubat nato at bagay talaga ditong magsanay ng majica dahil sa napakalawak na damuhan wala kang makikitang mga puno sa parteng ito.

“Ang ganda talaga dito!”—saad ni Jane.

“Oo nga ehhh! Hindi ko akalain na may ganito pala dito sa loob ng gubat na ito kasi basi sa dinaanan natin kanina ay masukal ang gubat na ito!”—saad ko naman.

“Ohhh, ano simulan na natin?”—tanong naman ni Tyler.

“Okay simulan na natin!”—saad ko naman.

“Kayong tatlo dun lang muna kayo sa gilid at manuod nalang kayo!”—saad ni Tyler kina Jane kaya naman ay agad namang sumunod ang tatlo.

“Kami anong gagawin namin?”—tanong naman ni Isaac kay Tyler.

“Tulungan niyo ako magsanay kay Archie!”—saad naman ni Tyler.

“Ano ang gusto mong unahin? Apoy, Tubig, Hangin o ang lupa?”—tanong sa akin ni Tyler.

“Bakit lahat ba yan kasama sa majica ko?”—tanong ko naman.

“Oo naman, kasama lahat yan at maraming pang iba!”—sagot naman ni Tyler sa akin.

“Ayyy! Ganon ba!”—saad ko naman.

“Kayo nalang ang pumili kung alin ang uunahin niyo!”—saad ko naman.

“Cge, ang Earth Element muna ang unahin natin!”—saad naman ni Vincent.

“Cge, Ikaw bahala!”—saad ko naman.

“Ganito ang gawin mo, iposisyon mo yung dalawa mong kamay paharap pero bigyan mo ng pwersa dahil matigas ang lupa kaya dapat matigas din ang mga kamay mo kapag gagamit ka ng Elemento ng Lupa para mas malakas ang magagawa mong atake!”—saad ni Vincent sa akin.

“Okay, tatandaan ko yan!”—saad ko naman.

“Cge simulan na natin”—saad naman ni Vincent sa akin.

“Subukan mong gumawa ng dalawang Earth Golem!”—saad ni Vincent sa akin, nagulat naman ako dahil hindi ko pa naman yun na nagagawa tapos ngayon yun na agad ang ipapagawa sa akin ni Vincent.

“Seryoso ka? Dalawang Earth Golem?”—tanong ko naman.

“Oo naman, kaya mo yan!”—saad naman ni Vincent sa akin.

Agad ko namang sinunod ang sinabi sa akin ni Vincent at nagfocus ako sa gagawin ko, pumikit muna ako ng ilang sandali at inisip ko ang mukha ng Golem, kahit hindi pa ako nakakakita ng Golem sa personal pero nakakakita naman sa mga TV noon nung nasa mundo pa ako ng mga tao kaya yun nalang muna ang gagayahin kong mukha ng Golem na gagawin ko.

Nang mabuo ko na yung golem sa isip ko ay dumilat na ako at nakita ko nga silang lahat na nagaabang sa gagawin kong Golem, naramdaman ko namang uminit ang pendant ng suot kong Kwentas pero hindia ko nalang yun pinansin at nagfocus nalang ako sa gagawin ko.

Naramdaman ko naman ang paglabas ng enerhiya sa kamay ko at hinayaan ko lang itong lumabas, nagkaroon ng kulay Kayumangging liwanag sa harapan ko at kitang kita ko kung paano lumaki ng husto ang liwanag na yun at maya maya panga ay nawala na ang liwanag na yun at naging dalawang higanteng Golem na kulay Kayumanggi at naman itong nagsiyuko sa harapan ko at agad ako pinalibutan ng mga ito.

“Magaling!”—sigaw naman ni Vincent.

“Bakit kakaiba ang kanyang golem? Mayroong mga Gintong liwanag sa mga kamay ng Golem niya!”—saad naman ni Jane sabay lapit sa akin kaya lang hindi siya nakalapit dahil nagagalit ang dalawang Golem na nasa tabi ko.

The Long Lost Legendary Prince of Olympus World (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon