Chapter 16

244 11 0
                                    

****ARCHIE’S POV****
>>>>Ito na nga pumasok na kami ng classroom at nandito naman ang mga classmate namin at hinihintay nalang namin ang pagdating ng aming Guro.

“Saan galing yang kwentas mo?”—tanong sa akin ni Jane ng makita ito.

“Binigay ko!”—sagot agad ni Tyler kaya naman ay napatingin ako sa kanya at kinindatan ako nito at agad ko namang nakuha ang gustong niyang iparating kaya naman ay sumangayon naman ako sa sinabi niya.

“Ang ganda ahh! Parang ang mahal naman ng kwentas na yan!’—saad ni Isaac.

Ngumiti lang si Tyler sa sinabi ni Isaac at hanggang sa dumating na nga ang guro namin, at nagsitahimik naman ang mga classmate namin.

“Pinaaabot sa inyo ni Headmaster na magsisimula na ang levelling sa susunod na linggo!”—saad ng guro naman at nang marinig ko yun ay nagulat ako dahil hindi ko pa ngs alam ang kapangyarihan ko.

“Ahh lahat ba kasali dyan sa Levelling?”—tanong ko.

“Oo lahat kasali!”—sagot ng guro namin.

“Ano na ang gagawin ko!”—saad ko sa aking isip.

“Kaya ngayon palang ay magsanay na kayong lahat para sa darating na levelling ng ating academy!”—saad pa ng Guro.

“So bali po wala kaming pasok sa mga susunod na araw?”—tanong naman ni Jane.

“Oo dahil magsasanay kayo ng magsasanay sa mga majica niyo!”—sagot ng guro namin at nang marinig yun ng mga kaklase namin ay nagsigawan sila dahil walang pasok at magsasanay lang ng mga majica nila, samantalang ako nagkaroon ng malaking problema.

“Ano naman ang gagawin ko dun sa levelling? Alangan namang magpacute ako dun sa gitna ng battlefield!”—saad ko sa isip.

“Ohhh bat ganyan ang mukha mo?”—tanong ni Tyler sa akin.

“Kasi naman ano naman ang gagawin ko dun? Wala pa naman akong majica na pwedeng ipanlaban sa kanila tsaka haler? Ang lalakas kaya nila!”—saad ko.

“Wag kanang magalala dahil tuturuan kita!”—saad naman ni Tyler.

“Wala nga akong majica tapos tuturuan mo ako!”—saad ko naman.

“Mayroon kang majica nagamit mo na nga yun ehh ng ilang beses yun nga lang hindi mo lang napapansin na ginagamit mo na pala ang majica mo, so kailangan mo nalang ay turuan ka kung paano magpalabas at magkontrol ng majica!”—saad ni Tyler.

“Talaga? Malakas ba ang majica ko? Sana kasing lakas bg sayo!”—saad ko naman.

“Mas malakas pa sa inakaala mo! Kaya sana gamitin mo yun sa mabuti at wag mong gagamitin sa kasamaan!”—saad ni Tyler.

“Oo naman noh! Yeheeeyy! Excited na akong gumamit ng majica!”—saad ko naman na parang nabunutan ng tinik.

“Kailan tayo magsisimula?”—tanong ko.

“Bukas na siguro! Ang gagawin mo lang ngayon is pumunta ka sa Library at magbasa ng mga libro tungkol sa mga majica at kung paano ito gamitin at kontrolin!”—saad naman ni Tyler sa akin.

“Samahan mo ako!”—saad ko naman sabay pacute at mukhang effective naman.

“Wag ka ngang magpacute baka hindi ako makapagpigil at mahalikan pa kita!”—saad naman ni Tyler kaya naman ay agad ko nang hininto ang pagpapacute ko sa kanya.

“Uyyy! Hindi pa pwede ang halik!”—saad ko naman sabay takip ng mga kamay ko sa labi ko.

“Hahah! Binibiro lang naman kita ehh!”—saad naman ni Tyler.

The Long Lost Legendary Prince of Olympus World (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon