Chapter 1: The Beginning

631 19 0
                                    

Archie's POV

"Mom! Aalis napo ako!"--pagpapaalam ko kina Mommy na nagaalmusal.

"Ohh! Hindi kaba magaalmusal muna bago pumasok?"--tanong naman ni Daddy.

"Hindi na po Daddy malalate na po kasi ako ako sa klase namin baka pagalitan ako ng mga guro namin dahil late ako!"--saad ko naman.

"Hindi ka naman papagalitan ng mga guro mo kasi tayo naman ang mayari ng School na pinapasukan mo!"--saad naman ni Mom.

Hays oo nga pala kami ang may ari ng paaralan na pinapasukan ko pero kahit na ganon ay kailangan ko pa ring sumunod sa mga rules nila.

"Pero Mom, Dad! Kailangan ko pa rin pong sumunod sa mga rules ng School natin kasi po pano naman po susunod ang mga kapawa ko estudyante sa rules ng school natin kung ako ay hindi susunod!"--saad ko naman.

"Susss! Gusto mo lang makita si Jasper!"--saad naman ni Mom.

"Basta kapag niligawan ka ng Jasper na yun ay sabihin mo agad sa amin ng Mommy mo!"--saad naman ni Dad.

Alam kasi nina Dad at Mom na bakla ako kaya ganyan sila kung makaasar sa akin pero hindi ako nagsusuot ng pambabae na damit, panlalaki parin ang sinusuot kong damit at lahat ng mga gamit ko ay panlalaki parin.

"Niligawan agad dad? Ang Advance niyo pong magisip dad!"--saad ko naman.

"hahaha! Cge na pumasok kana sa School baka hindi mo a Makita si Jasper!"--saad naman ni Mom.

"Cge po Dad, Mom aalis na po ako!"--saad ko naman sabay halik sa mga pisngi nila.

"Magiingat ka huh!"--saad pa ni Mom.

"Opo Mommy!"--sagot ko naman at agad lumabas ng bahay namin.

"Aalis kana po ba Señorito?"--tanong ng driver.

"Opo! Manong baka kasi malate ako sa klase ngayon First day pa naman ng klase ngayon!"--saad ko naman.

Kaya naman ay pinagbuksan na ako ng pinto ng kotse pumasok naman agad ako at pagkapasok ko ay agad naman nito sinara ang pinto ng kotse at pumasok si manong sa driver set at agad nitong pinatakbo ang kotse at nang malapit na kami sa gate ng bahay ay pinagbuksan naman ito ng Guard ang gate para makalabas kami.

"Señorito may dadaanan pa po ba kayo?!"--tanong ni Manong sa akin.

"Ahhh! Wala naman po manong deretso nalang po tayo sa Academy!"--sagot ko naman, kaya naman ay hindi na ito nagtanong pa at itinuon nalang nito ang buong atensyon sa pagmamaneho.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya naman ay agad ko itong kinuha sa aking bag at nakita ko nga na tumatawag si Pia ang nagiisa kong kaibigan.

"Ohhh bakit ka napatawag?"--tanong ko kay Pia sa kabilang linya.

"Nasaan kana ba?"--tanong rin sa akin ni Pia.

"Ito papunta na sa Academy!"--saad ko naman.

"Ahh! Okay kala ko natutulogka pa ehhh!"--saad naman ni Pia.

"Sasagot ba ako kung natutulog pa ako?"--pasigaw kong tanong kay Pia.

"Sorry naman bhez ang aga aga sumisigaw ka!"--saad naman ni Pia.

"Ohhh! Siya cge na! Malapit na rin naman ako!"--saad ko sabay patay ng tawag.

"Señorito nandito na po tayo!"--saad ng Driver ko.

"Ahhh! Cge paki park nalang po ng sasakyan sa parking area!"--saad ko naman sa Driver ko bago ako bumaba sa kotse tumango naman ito at agad na umalis para iparking ang sasakyan.

The Long Lost Legendary Prince of Olympus World (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon