Chapter 6: The Prince?

408 12 1
                                    

ARCHIE'S POV

Nandito na nga ako sa isa pang Clinic at hinahanap ko na ang kwarto ni Jaspher buti nalang sinabi ng isang Nurse kung nasaan ang kwarto ni Jaspher at malayo palang ako ay naririnig ko na ang sigaw ni Jaspher at mukhang galit na galit ito.

"Ano ba naman yan Jaspher? Bakit ka sumisigaw?"--tanong ko ng makarating ako sa pintuan ng kwarto ni Jaspher at nang makita ako nito ay tumahimim na ito.

"Bhez! Ayaw niyang magpagamot sa mga nurse at doctor dito gusto niya daw na ikaw ang gumamot sa kanya!"--saad ni Pia sa akin.

"Wag mo na akong bigyan pa ng sakit sa ulo Jaspher dahil kapag nagalit ako sayo hindi na kita kakausapin habang buhay!'--saad ko sa malumanay na boses hindi kasi ako pwedeng sumigaw o tumaas ang boses ko.

"Hmmm! Yung ungas na yun ikaw ang gumamot pero pagsaakin ayaw mo? Cge na dun kana sa ungas na yun!"--saad ni Jaspher sabay talikod.

"Kailan kapa natutong magtampo at makipagaway? Alam mo ba kung ano ang idinulot ng away niyo ni Tyler?"--tanong ko pa at pinigilan ang galit ko.

"Bakit bhez? May masama bang naidulot ang away nina Jaspher at Tyler kanina?"--tanong naman ni Pia.

"Nagkasugat lang naman ang leeg ko dahil sa sigaw ko kanina para lang tumigil ang dalawang to sa pakikipagaway!"--saad ko naman.

"Hala! Ayos kalang ba? Naku hindi ko na maririnig ang maganda mong boses! Nakakalungkot naman!"--saad naman ni Pia.

"Totoo ba yan? Sorry!"--saad naman ni Jaspher.

"Bakit nagsisinguling ba ako?"--tanong ko naman.

"Ngayon magtatampo kapa ba? Akala mo kayo lang ang naapektuhan ng away niyo kanina!"--saad ko naman.

"Sorry, hindi ko alam!"--saad naman ni Jaspher at hindi na ito makatingin sa akin.

"Doc, gamutin niyo na si Jaspher!"--saad ko sa mga Doctor.

"Kita nalang tayo bukas kapag magaling kana!"--saad ko kay Jaspher, tumango lang ito sa akin.

"Pia tara na!"--saad ko naman kay Pia.

Naglalakad na nga kami ni Pia pabalik sa Canteen at habang naglalakad kami ay naguusap kami ni Pia tungkol kina Jaspher at Tyler.

"Ano ang pakiramdam na pinagaagawan ka ng dalawang lalaki?"--tanong ni Trixie.

"Wala akong pakialam sayo at pwede ba kung mangaasar kalang wag muna ngayon dahil kanina pa ako nasstress!"--saad ko naman.

"Hindi ko alam kung ano ang pinakain mo sa kapatid ko at patay na patay sayo?"---tanong pa ni Trixie.

"Wala akong pinakain sa kapatid mo! Kaya umalis kana dyan sa daan namin!"--saad ko naman.

"Wow! So sinasabi mong nainlove sayo ang kapatid ko? Ang kapal naman ng mukha mo para magassume ng ganyan!"--saad ni Trixie.

"Bakit may sinabi ba akong ganyan? Tsaka hindi ko naman gusto ang kapatid mo dahil ayaw kong maging sister in law ang isang baliw na katulad mo! Kaya tumabi ka dyan kung ayaw monng makatikim ng sipa!"--saad ko naman.

"Sinong baliw ako ba?"--tanong naman ni Trixie.

"Bakit sino paba ang kapatid ni Jaspher diba ikaw lang naman ang kapatid niya so ikaw yung tinutukoy ko!"--saad ko naman.

Nakita ko namang sasampalin ako ni Trixie kaya naman ay napapikit nalang ako at hinintay na tumama sa aking mukha ang mga palad ni Trixie pero lumipas ang ilang minuto ay wala akong narandamang sakit sa mukha ko kaya naman ay napadilat ako at pagtingin ko ay nakita ko ang likod ng isang lalaki na hawak hawak ang kamay ni Trixie.

The Long Lost Legendary Prince of Olympus World (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon