Chapter 21: The Violet Sun Flower

250 10 0
                                    

ARCHIE’S POV

“Pwede bang dito muna kami makituloy sayo?”—tanong naman ni Isaac kay Lucky.

“Oo naman, kaya lang wala na akong pagkain kaya wala akong maibibigay sainyong pagkain!”—sagot naman ni Lucky.

“Walang problema may dala akong pagkain!”—saad ko naman

“Ahhh ganon ba! Tara pasok na tayo sa loob!”—saad naman ni Lucky kaya naman ay pumasok na kami sa kanyang kubo.

“Pasensya na talaga kayo kanina sadyang mainit lang talaga ang aking ulo kanina!”—saad ni Lucky.

“Wala yun, may tanong ako bakit pala ganyan ang suot mo?”—tanong ko naman.

“Ahhh ito ba? Wala kasi akong ibang damit kundi ito lang!”—saad naman ni Lucky.

“Ahhhh ganon ba, so it means hindi ka naliligo?”—tanong naman ni Jane.

“Hahaha! Syempre naliligo kaya lang yung damit ko ay yun din ang sinusuot ko pagkatapos kong maligo”—saad naman ni Lucky.

“So nilalabhan mo yung damit mo?”—tanong naman ni Rizza.

“Oo naman, bago ako maligo ay nilalabhan ko na muna ang damit ko tsaka ibibilad sa araw, kaya bago pa man ako makatapos maligo ay tuyo na ang damit ko!”—saad ni Lucky, medyo nalungkot naman ako sa kalagayan ni Lucky dito.

“May ibibigay ako sayong damit para naman makapagbihis ka din ng ibang damit!”—saad ko naman sabay kuha ng damit sa bag ko.

“Talaga? Naku maraming salamat!”—saad ni Lucky at tuwang tuwa, may mga damit kasi akong dala na hindi ko pa nagagamit kaya yun ang ibibigay ko  muna sa kanya ang isa.

“Ito ohhh, cge na magbihis kana!”—saad ko sabay bigay ng damit.

“Okay lang ba na dito na ako magbihis?”—tanong naman ni Lucky.

“ahhh oo naman, dun na muna kami sa labas!”—saad naman nina Jane kasama ang mga babae.

Nagsimula namang maghubad ng damit si Lucky pero nakatalikod siya sa amin kaya ang likod lang ang kita sa kaniya nakita ko namang nakatingin si Isaac kay Lucky kaya naman ay binato ko ito ng hawak kong damit ko nagulat naman ito sa aking ginawa.

“Huyyy! Nakatulala ka dyan!”—saad ko kay Isaac.

“Hehehehe! Ang kinis kasi ng balat ni Lucky ehhh!”—saad naman ni Isaac at nang marinig yun ni Lucky ay agad agad siyang nagsuot ng damit para matakpan ang kanyang katawan.

“Kita mo nagmadali tuloy magbihis si Lucky!”—saad ko naman ngumiti naman sa akin si Lucky.

“Naku, Sorry! Heheheh!”—saad naman ni Isaac.

“Ayos lang yun!”—saad naman ni Lucky.

“Diba sabi mo magisa kalang dito sa kubo mo, hindi kaba nalulunkot dito?”—tanong ni Isaac kay Lucky.

“Nalulungkot syempre pero kailangan tiisin at tanggapin, ganon talaga ang buhay!”—sagot naman ni Lucky.

“Ahhhh! May tanong ako sayo pero wag kang magagalit ahh!”—saad ni Isaac kay Lucky at mukhang interisado si Isaac kay Lucky kasi kanina pa ito tanong ng tanong kay Lucky samantala kaming dalawa naman ni Vincent ay nakikinig lang mga pinaguusapan nila.

“Cge ano bayun?”—tanong naman ni Lucky kay Isaac.

“hmmmm, Nagmahal kana ba? I mean may nagustuhan ka na bang babae o lalaki?”—tanong agad ni Isaac nagulat naman ako sa tanong niya.

“I smell something Fishyyy!”—saad ko naman sabay tingin kay Isaac.

“Ito naman nagtatanong lang ehhhh!”—saad naman ni Isaac.

The Long Lost Legendary Prince of Olympus World (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon