******ARCHIE’S POV*******Nandito na nga kami sa harap ng palasyo namin at agad kaming sinalubong ng mga council, sinabi kasi sa akin na ang mga council pala ang kaharap namin kaya alam ko, heheheh
“Nasaan ang Mahal na Hari at Mahal Reyna?”—tanong agad ng isang matandang lalaki.
“Hindi niyo ba nabalitaan na kinuha ni Sangria ang Hari at Reyna?”—tanong naman ni Headmaster.
“So totoo pala ang babalitaan namin, sino na ang mamumuno dito?”—tanong naman ng isang lalaki.
“Sino paba eh di tayo dahil tayo lang naman ang may kakayahang mamumuno dito!”—saad naman ng matandang lalaki.
“Wala pa rin kayong karapatan na umupo sa trono ng Hari dahil nandito pa ang tunay na Prinsipe ng mundong ito!”—sigaw naman ni Headmaster.
“Hahahha! Sino? Sa pagkakaalam ko ay nawawala pa din ang tunay na Prinsipe!”—saad naman ng matandang lalaki.
“Bakit hindi ba pinaalam ni Sangria sa inyo na nandito nq ang tunay na Prinsipe?”—tanong naman ni Headmaster.
“Kung nandito na nga ang Prinsipe iharap mo siya sa amin!”—saad naman ng matandang lalaki.
“Siya ang tunay na Prinsipe!”—sagot naman ni Headmaster sabay turo sa akin.
“Hahahah! Siya? Hindi nga yan tatagal sa laban tsaka sa liit ng katawan niya hindi niya kaya ang lakas ng kapangyarihan ng Stone Of Life!”—saad naman ng matandang lalaki at medyo nainis ako sa sinabi niya.
“Huyyyy! Matandang lalaki, baka gusto mong matikman ang kapangyarihan ko!”—saad ko naman.
“Umatras kayo kunti!”—saad ko kina Headmaster umatras naman ito ng kunti kaya naman ay nagkaroon na ako ng space.
Iginalaw ko naman ang kamay ko at maya maya pa nga ay naramdaman ko nang lumabas ang Stone of Life sa aking katawan, agad ko namang itinutok ang kanan kong kamay at nasakal ang matandang lalaki ng isang kulay asul na enerhiya na galing sa kamay ko.
“Itigil mo na yan!”—sigaw naman ng isang lalaki at nagamba itong aatake kaya naman ay iginalaw ko naman ang kaliwa kong kamay at bigla nagkaroon ng isang napakatalim at napakatulis na espada na gawa sa aking kapangyarihan.
“Wag mo nang tangkain pang gumalaw dahil hindi ako magdadalawang isip na ibaon ko sayo yang espada na yan!”—saad ko dun sa isang lalaki at nanlaki ang mga mata nito dahil sa gulat.
Iginalaw ko ulit ang kaliwa kong kamay at biglang dumami ang mga espada at sabay sabay itong tumutok sa mga mukha ng mga Council.
“Dun tayo sa loob, may paguusapan tayong lahat!”—saad ko.
“Masusunod, mahal na Prinsipe!”—saad naman ng mga ito, inalis ko naman ang mga espadang nakatutok sa kanilang lahat at inalis ko na din ang pagkakasakal ko sa matandang lalaki.
“Matitikman nila ang lupit ng isang Prinsipe!”—saad ni Headmaster kaya naman ay natawa ako sa narinig ko.
“Masyado ba akong malupit Headmaster?”—tanong ko naman.
“Hindi naman po, sakto lang tsaka kailangan din naman ito ng Palasyo dahil inaabuso nila ang kabaitan ng Mahal na Hari at Reyna!”—saad naman ni Headmaster.
“Ahhh ganon ba, tara na umpisahan na nating maglinis ng palasyo!”—saad ko naman at sabay sabay na kaming pumasok sa loob ng palasyo kasunod namin ang mga heneral at mga kawal.
Pagdating namin sa loob ng palasyo ay agad kaming nagtungo sa bulwagan ng palasyo para simulan na ang pagbabago sa palasyo pagkapasok namin sa bulwagan ay agad kong nakita ang trono nina Mommy at Daddy at may isang upuan sa gitna nito.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Legendary Prince of Olympus World (Completed)
FantasyAng istoryang ito ay tungkol sa isang Prinsipe na napilitan umalis para sa kanyang kaligtasan dahil gusto siyang patayin ng mga kalaban ng kanilang Palasyo. Makakabalik pa kaya ang Prinsipe sa kanyang mundo? halina't samahan si Archie sa kanyang kwe...