“””””THIRD PERSONS POV””””
Natapos na nga ang digmaan sa Olympus at panalo ang mga taga Olympus Kingdom at kahit nanalo sila ay malungkot parin sila dahil sa pagkawala ng Prinsipe at ni Tyler, parang bumalik na naman ulit ang nangyari noon nang unang mawala ang prinsipe sa mundo ng Olympus.
Natuyo na naman ang mga halaman sa paligid at ang mga hayop ay nawawalan na nang sigla tila mga wala na itong mga lakas ngunit ang lubos na apektuhan nito ay ang mga fairy dahil sa kalikasan sila kumukuha ng lakas at kapag natutuyo na ang lupa at mga paligid ay nanghihina sila.
“Mahal na Reyna, tila nauulit na naman ang nangyari noon!”—saad ni Headmaster.
“Dahil wala dito sa Olympus ang Anak namin kaya matutuyot talaga ang mga kalupaan!”—saad ng Hari.
“Kailan kaya babalik sin Tyler at Archie?”—tanong naman ni Lucky.
“Oo nga ehhh, namimiss ko na sila!”—saad naman ni Jane.
“Babalik din ang mga yun, tsaka kasama nila ang Mahal na Bathala!”—saad naman ni Vincent.
“Pumasok na muna tayo sa loob ng palasyo at pagplanuhan natin kung paano maibabalik ang ginawa natin dati nung mawala din dito ang anak namin at para narin may pagkukunan tayo ng pagkain pansamanatala!”—saad ng Hari at nagsipasok na ang mga ito sa loob.
Ang hindi nila alam ay napagkasunduan na ni Tyler at Archie na bumalik na sa Olympus pero bago sila bumalik sa lupain ng Olympus ay agad nang isinalin ng Mahal na Bathala ang kanyang lahat na majica kay Archie at ang natira nalang kay Chaos ay ang itim na Majica o ang majica ng Bathala ng Kadiliman dahil hindi ito pwedeng magsama sa iisang katawan dahil mamamatay ang taong may hawak ng magkaibang uri ng majica.
“Hindi niyo po ba ibibigay kay Lucky ang buong kapangyarihan ng bathala ng kadiliman? Diba siya po ang taga pagmana nito?”—tanong ni Archie kay Chaos.
“Hindi pa handa ang katawan ni Lucky para sa napakalakas na kapangyarihang kanyang mamanahin kaya ang gagawin niyo nalang ihanda siya at kapag alam kong handa na siya ay didilim ng kalangitan at yun ang hudyat na ibibigay kona kay Lucky ang Kapangyarihang kanyang minana sa bathala ng kadiliman at yun na din ang oras ko para lisanin ang kaharian ng mga bathala at ikaw na ang magmama nito!”—saad ni Chaos.
“Saan po kayo pupunta?”—tanong naman ni Archie.
“Sa mundo kung saan talaga kami galing, sa mundo kung saan napupunta ang mga bathala na tapos na ang tungkulin at doon na kami magpapahinga!”—saad ni Chaos.
“Ahhhh, kapag natapos na din ba ang tungkulin ko dito ay makakapunta din ba ako sa mundo na pupuntahan mo?”—tanong naman ni Chaos.
“Oo naman!”—sagot naman ni Chaos.
“Ikaw naman Tyler, bilang regalo ko sayo, tanggapin mo itong walang hanggang buhay upang magkaroon kayo ng mahabang panahon na magsama!”—saad ni Chaos kay Tyler sabay bigay ng isang kwentas.
“Maraming salamat po, mahal na bathala!”—saad naman ni Tyler.
“Walang anuman, mawawala yang kwentas na yan at ang kapangyarihan nito ay papasok sa katawan mo at kapag pumasok na ito sa katawan mo ay hindi kana tatanda at hindi kana mamamatay pwera nalang kung matapos na ang tungkulin ni Archie bilang bathala ng liwanag at sabay kayong mapupunta sa mundo namin kung saan kami namamahinga!”—saad ni Chaos.
“Siya nga pala, bilisan niyo dahil namamatay na ulit ang mga halaman sa lupain ng Olympus at nanghihina na rin ang mga Fairy kaya bilisan niyo na!”—saad ni Chaos at nataranta naman ang dalawa at sabay na silang naglaho.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Legendary Prince of Olympus World (Completed)
FantasyAng istoryang ito ay tungkol sa isang Prinsipe na napilitan umalis para sa kanyang kaligtasan dahil gusto siyang patayin ng mga kalaban ng kanilang Palasyo. Makakabalik pa kaya ang Prinsipe sa kanyang mundo? halina't samahan si Archie sa kanyang kwe...