******ARCHIE’S POV******Nandito parin kami sa gubat ni Headmaster at pagabi na kaya naman ay napagusapan namin na bumalik na lamang sa Academy bago pa magdilim at bukas nalang ang ipagpapatuloy ang aking pagsasanay.
“Tara na baka abutan tayo ng dilim dito marami pa namang mga mababangis na hayop dito kapag gabi na!”—saad ni Yasha.
“Anong klaseng hayop ba?”—tanong ko naman.
“Wag mo nang tanungin pa dahil hindi mo sila gustong makalaban!”—saad naman ni Tyler sa akin.
“Kung ganon tara na baka makalaban niyo pa yung mga nilalang dito!”—saad ko naman.
“Bakit kami lang? Di kaba tutulong?”—tanong naman ni Yasha sa akin.
“Kaya niyo na yan tsaka baguhan pa lang ako sa paggamit ng majica kaya mahihirapan pa akong makipaglaban gamit ang majica ko!”—saad ko naman
“Kaya mo na yan gamitin sa labanan tsaka kitang kita ko naman na medyo maliksi kang kumilos kapag gumagamit ka ng majica mo!”—saad naman ni Fhaye.
Hanggang sa nakarinig na nga kami ng kakaibang ingay na galing sa iba’t ibang parte ng gubat napatingin naman kaming lahat sa isa’t isa.
“Ohhhh nooooo! Nandito na sila!”—saad ni Fhaye.
“Ano na ang gagawin natin ngayon?”—tanong ko naman at kinakabahan na ako, napahawak na nga ako sa braso ni Tyler.
“Tyler, wag mo akong iwan ahhh!”—saad ko kay Tyler.
“Oo naman di kita iiwan!”—saad naman ni Tyler sa akin.
Maya maya pa nga ay nagsidatingan na ang mga kakaibang nilalang at mga nakakatakot nga silang mga nilalang at ramdam ko ang enerhiya ng mga nilalang ito.
“Grabe, ang lalakas nila Tyler!”—saad ko kay Tyler.
“Pano mo nasabi?”—tanong naman ni Tyler sa akin.
“Nararamdama ko, bakit di niyo ba nararamdaman yun?”—tanong ko naman.
“Hindi ehhh!”—saad naman ni Tyler.
“Guyssss! Ilag!”—sigaw ni Yasha nagulat naman kaming dalawa ni Tyler at hindi na nakailang sa mga atake ng mga nilalang.
“Arrrraaaayyyy! Ang sakit ng katawan ko!”—saad ko ng bumagsak kaming dalawa ni Tyler sa damuhan.
“Tyler, ayos kalang ba?”---tanong ko kay Tyler pero hindi ito sumagot sa akin kaya naman ay napatingin ako kay Tyler at wala nga itong malay kaya naman ay nagpanic ako dahil baka may nangyari nang hindi maganda kay Tyler at nang hawakan ko nga ang ulo nito at may nakapa akong basa at pagtingin ko ay kulay pula ito at agad ko itong tinignan at nakita ko ang sugat ni Tyler sa ulo.
“Ayos lang ba si Tyler, Archie?”—tanong sa akin ni Jane.
“Diko alam pero may sugat siya sa ulo!”—saad ko naman.
“Hala! Kailangan na nating dalhin si Tyler sa Clinic ng Academy bago pa maubusan ng dugo si Tyler!”—saad naman ni Yasha.
“Pero hindi tayo makakalusot sa mga nilalang na yan!”—saad naman ni Vincent.
“Ako na ang bahala sa mga nilalang na yan gugulihan ko sila at kapag nasa akin na ang mga atensyon nila ay saka na kayo umalis ng gubat nato!”—saad ko sa kanila.
“Huh? Pano ka magisa kalang dito?”—tanong naman ni Rizza sa akin.
“Ayos lang ako ang importante ay ang buhay ni Tyler kaya cge na sundin niyo na ang utos ko! Pangako babalik ako ng Academy ng ligtas at buo!”—saad ko sa kanila at mukhang nakumbinsi naman ang mga ito.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Legendary Prince of Olympus World (Completed)
FantasyAng istoryang ito ay tungkol sa isang Prinsipe na napilitan umalis para sa kanyang kaligtasan dahil gusto siyang patayin ng mga kalaban ng kanilang Palasyo. Makakabalik pa kaya ang Prinsipe sa kanyang mundo? halina't samahan si Archie sa kanyang kwe...