“”””””ARCHIE’S POV”””””””Nandito kaning lahat sa Field ng Acadeny at mukhang dito gaganapin ang Levelling, may mga ngilan ngilang ding mga tao ang pumapasok ng Academy para manood ng Levelling.
“Maupo muna kayong lahat dyan at hintayin natin ang pagdating ng Hari at Reyna at ng Prinsipe!”—saad ni Headmaster
“Kinakabahan ako sa Levelling ngayon mukhang malalakas ang mga kasali ngayon!”
“Oo nga tsaka tignan mo yung bagong estudyante nakakatakot ang aura niya!”
“Balita ko itim daw ang majica niyan!”
“Oo nga tsaka sabi sabi ng iba ay asawa yan ni Isaac! Ang swerte niya no!”
“Oo nga! Ano nga ulit ang pangalan niya?”
“Lucky ang pangalan niyan! Tamang tama ang kanyang pangalan sa kapalaran niya ngayon kasi naman naging asawa niya ang isa sa pinakagwapong nilalang dito sa Academy!”
Natatawa nalang ako sa mga naririnig kong usap usapan ng mga nasa likod namin, hindi naman kasi maipagkakailang malakas talaga si Lucky at ramdam namin yun kaya siguro ganon nalang ang naging reaction ng mga nasa likod naming mga babae.
Maya maya pa nga ay dumating na ang Hari at ang Reyna kasama ang impaktang Prinsipe na animoy malakas! Tsk! Tumingin naman ito sa akin at tila nangaasar at nang dumaan ito sa tapat ko ay nagsalita ito.
“Handa kana bang madurog mamaya?”—tanong nito sa akin.
“Hahahah! Baka ikaw ang madurog mamaya ikaw handa kana bang madurog?”—tanong ko naman sa kanya at mukhang nagalit naman ito dahil tiningnan ako ng nakataas ang isang kilay kaya tiningnan ko naman siya ng nakataas din ang isabg kilay, kala niya siya lang ang marunong.
“Maraming salamat at nakarating kayo! Mahal na Hari at Mahal na Reyna, sayo din Mahal na Prinsipe!”—saad ni Headmaster.
“Syempre naman hindi namin ito papalampasin kaya naman ay handa na kaming makita ang mga majica ng mga estudyante at kung gaano sila kalakas!”—saad ng Reyna.
“Handa na rin ang mga estudyante na ipakita ang kung gaano sila kalakas!”—saad naman ni Headmaster.
“Kaya naman ay Simulan na ang Levelling ngayong taon!”—saad ni Headmaster.
Bigla namang dumilim ang kalangitan kaya naman ay nagulat kaming lahat pati na ang mga manununood na mga mamayan dahil sa biglaang pagdilim ng paligid tila naging gabi na at maya maya pa nga ay biglang nagkaroon ng ingay at napatingin kaming lahat sa kalangitan at kitang kita namin ang pagsabog ng mga fireworks at ang gaganda nito.
“May Fireworks din pala dito?”—tanong ko naman sa aking sarili.
“Hindi Fireworks yan! Yan ang simbolo na nagbibigay ng hudyat na magsisimula na ang levelling at Magic rin ang gamit niyan!”—saad naman ni Tyler sa akin.
“Ahhhh ganon ba! Hehehehe, di ko naman alam!”—saad ko naman.
“Barrier: Activated!”—bigkas ng isang guro ng Academy at biglang nagkaroon ng Barrier sa gitna ng Field ng Academy at mukhang dun kami maglalaban laban kaya naman ay nakaramdam ako ng pagkaexcite para mamaya.
“Galingan mo ahhh! Good Luck!”—saad ko kay Rizza ngumiti lang ito sa sinabi ko.
Bumukas naman ang Barrier na inilagay nins Headmaster tsaka pumasok na sina Rizza kasama ang lalaking kalaban niya na galing sa ibang section at mukhang malakas din ito.
“Let the Battle Beginsssss!”—sigaw ng isang lalaki na mayroong hawak na mike.
Kaya naman ay agad nang nagsimulang maglaban ang dalawa, may inilabas namang isang tungkod ang kalaban ni Rizza kaya naman ay nagtaka ako dahil bakit may tungkod?
BINABASA MO ANG
The Long Lost Legendary Prince of Olympus World (Completed)
FantasyAng istoryang ito ay tungkol sa isang Prinsipe na napilitan umalis para sa kanyang kaligtasan dahil gusto siyang patayin ng mga kalaban ng kanilang Palasyo. Makakabalik pa kaya ang Prinsipe sa kanyang mundo? halina't samahan si Archie sa kanyang kwe...