Chapter 23:The Fairy Dust

223 8 0
                                    


****ARCHIE’S POV*****

Nandito na nga kami sa mundo ng mga Fairy at lahat kami ay manghang mangha sa aming nakikita sa mga paligid dahil sadyang iba ang mga halaman dito kesa sa Olympus.

Habang naglalakad kami ay may napansin akong kakaiba sa mga paligid, yung bang mayroong mga nagtatago na mga nilalang, ngunit nagpatulog lang kami sa paglalakad at pagdating namin sa isang nakapalaking puno ay bigla itong gumalaw at naglabas ng mga matutulis na dahon kaya naman ay agad akong gumawa ng Barrier at doon tumama ang mga matutulis na dahon na galing sa puno.

“Grabeee, iba talaga ang mga puno dito kakatakot!”—saad ni Jane.

“Iba ang mundo natin kesa sa mundo ng mga Fairy dahil kaisa nila ang kalikasan kung baga sa kalikasan sila kumukuha ng lakas!”—saad naman ni Fhaye.

“Nabasa ko nga yan sa library!”—saad naman ni Jane.

“Ano na ang gagawin natin ngayon?”—tanong naman ni Lucky.

“Kailangan nating makakuha ng Fairy dust pero bago yun ay dapat pahintuin muna natin yang puno na yan!”—saad ko namn.

“Pero paano?”—tanong naman ni Isaac.

“May naisip ako!”—saad ko naman kaya naman ay sabay sabay silang tumingin sa akin ng nagtatanong ang mga mukha.

“Vines!”—bigkas ko agad at mula sa lupa ang mga ugat ng puno at agd nitong pinuluputan ang punong naglalabas ng mga matutulis na dahon at nang mapuluputan nito ang puno ay nahinto ang paglabas ng mga matutulis na dahon kaya naman ay nakalabas na kami ng barrier na ginawa ko at ilang sandali nga lang ay nagsilabasan na ang mga Fairy sa paligid ng puno kaya naman ay napaatras kami ng kunti kasi sa sobrang dami ng mga Fairy at mga malilit ang mga ito ngunit malalakas.

“Sino kayo at ano ang kailangan niyo dito?”—tanong ng isang Fairy na sa tingin ko ay ito ang kanilang Reyna.

“Ang lakas ng loob mong gapusin ng mga ugat ng puno ang aming puno!”—saad naman ng katabi ng Reyna at sa tingin ko ay ito ang hari ng mga Fairy.

“Paumanhin ngunit ginawa ko lang yun para protektahan ang aming mga sarili!”—saad ko naman.

“Anong kailangan niyo dito?”—tanong naman ng Reyna.

“Nandito kami para sana makahingi ng Fairy Dust!”—saad ko naman.

“Bakit aanhin niyo ang Dust namin?”—tanong naman ng Hari.

“Gagawa po kami ng isang potion at ang Fairy Dust ay isa sa mga pangunahing sangkap!”—saad ko naman.

“Para saan ang gagawin niyong Potion?”—tanong ng Reyna.

“Ang gagawin po naming Potion ay para sa kaibigan namin na may lason sa loob ng katawan!”—sagot naman ni Isaac.

Naging isang malaking  tao ang isang Fairy at napakakisig  nito at mayroon itong maliit na korona sa kanyang ulo at mayroon itong angking kagwapuhan.

“Ibibigay namin ang kailangan niyo, hindi naman kami kasing sama ng mga iniisip niyo at lalong lalo na walang katotohanan ang mga sinasabi ng mga taga Olympus na mapanakit kami!”—saad naman ng lalaki na nasa harapan kami.

“Pwede din pala kayong lumaki ng kagaya namin!”—saad naman ni Amarrah.

“Oo naman mga din naman kami kaya lang may kakayahan nga lang kaming mga Fairy na wala sa mga kagaya niyo!”—saad naman nito.

“Ako nga pala si Spencer ang Prinsipe ng mga Fairy!”—saad nito.

“Kung hindi totoo ang mga sinasabi ng mga tao tungkol sa inyo bakit hindi na nakakabalik ang mga taong punupunta dito?”—tanong ko naman.

The Long Lost Legendary Prince of Olympus World (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon