Chapter 27: Ang Pagbabalik

222 10 0
                                    

"""""THIRD PERSONS POV"""""

Agad namang nagtungo sina Sangria  sa kulungan kong saan nakakulong ang Hari at Reyna para kunin ang kapangyarihan ng Hari at Reyna para ipanlaban sa mga taga Olympus.

"Kumuzta na kayo dito?"--tanong ni Sangria sa Hari at Reyna.

"Pakawalan niyo kami dito at magtuos tayong!"--saad ng Hari kay Sangria.

"Hahahah! At bakit ko naman yun gagawin kaya lang naman namin kayo kinuha dahil kailangan namin ang kapangyarihan niyong dalawa para matalo ang anak niyo!"--saad ni Sangria.

"Wag mong gagalawin ang anak namin kung hindi kami ang makakaharap niyo!"--saad ng Reyna.

"Hahah, bakit may magagawa pa ba kayo? ehhh nandito kayo sa kaharian namin at bago kayo lalabas dito sa kaharian namin ay wala na kayong majica sa katawan kaya pano niyo pa maipagtatanggol ang anak niyo?"--tanong naman ni Sangria.

"Napakasama mo talaga!"--sigaw ng Hari kay Sangria.

"Umpisahan na natin at pagkatapos nito ay magsipaghanda na tayo sa ating pagsugod sa Olympus!"--saad ni Sangria.

Nagsiupo naman ang mga kasama ni Sangria sa hasig kaharap ang kulungan ng Hari at Reyna at nagsimula na nga silang magbigkas ng isang Spell at unti unti nang lumalabas ang kapangyarihan ng Hari at Reyna sa katawan nito at nang matapos na ang orasyon na ginagawa nina Sangria ay nawalan naman agad ng malay ang Hari at Reyna pero buhay pa ang mga ito dahil hindi naman inubos ang mana nito sa katawan pero sapat na para mabuhay silang dalawa at hindi na sila pwedeng umatake gamit ang mga majica nila.

"Ihatid niyo yan sa Olympus para malaman nila kung ano ang kaya nating gawin at kung hindi pa nila ibibigay ang gusto natin ay gagawin natin yan sa lahat ng mga tao sa Olympus!"--saad ni Sangria.

Kaya naman ay agad namang dinala ng mga Heneral ni Sangria ang walang mga malay na katawan ng Hari at Reyna sa Olympus.

"Susugod naba tayo mamaya? o bukas na?"--tanong naman ni Genesis.

"Pupunta tayo sa palasyo ng Olympus para bigyan sila ng pagkakataon na isuko ang kapangyarihan ng kanilang Prinsipe!"--saad naman ni Sangria.

"Ngayon na ba?"--tanong naman ni Brenda.

Tumango naman si Sangria at sabay sabay silang nagsilaho at paglitaw nila ay nasa harapan na sila ng Palasyo ng Olympus at sakto naman ang pagdating ng mga Heneral ni Sangria sa Palasyo ng Olympus at nang makita ni Archie ang kalagayan ng kanyang mga magulang ay agad itong nagpakawala ng mga espada na tumusok sa katawan ng mga Heneral ni Sangria nagulat naman sina Sangria dahil kitang kita nila kung paano namatay ang mga Heneral niya ng ganon kadali.

"Nagustuhan mo ba ang regalo namin sayo?"--tanong ni Sangria.

"Magbabayad ka, Napakasama mo!"--sigaw ni Archie kay Sangria sabay pakawala ng mga espada, buti nalang nakagawa na ng barrier si Sangria kaya hindi sila natamaan ng mga espada ni Archie.

"Bibigyan namin kayo ng hanggang bukas ng umaga at kung hindi niyo ibibigay ang gusto namin ay maghanda na kayo dahil sisiklab na ang digmaan dito sa Olympus!"--saad ni Sangria.

"Kahit kailan hindi namin ibibigay ang gusto niyo! Manigas kayo!"--sigaw naman ni Lucky.

"Pwes maghanda na kayo dahil bukas na pagkasikat ng araw ay magsisimula ang Digmaan!"--saad ni Genesis

"Hindi namin kayo uurungan kayo ang humanda dahil sisiguraduhin kong babagsak ka sa aking mga kamay!"--saad naman ni Archie.

"Hahahah, di mo pa ako kaya!"--saad naman ni Sangria.

The Long Lost Legendary Prince of Olympus World (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon