Chapter 9:Welcome to the Hamilton Academy

316 15 0
                                    

ARCHIE'S POV

Nauna akong nagising kay Tyler at pagkagising na pagkagising ko ay agad akong pumunta sa loob ng Cr dahil may salamin kasi dun kinahiligan ko na kasing pagkagising ko ay haharap ako ng salamin nandito na nga ako sa loob ng Cr at humarap na ako sa salamin at pagkaharap ko nga ay nagulat ako dahil iba na ang kulay ng buhok ko pati ang mata ko ay nagiba narin ng kulay.

"Waaaaahhhhhh!"--sigaw ng pagkalakas lakas.

"Ohhh! Bakit ka sumigaw?"--tanong ni Tyler siguro na nagising to ng sumigaw ako.

"Kasi naman nagbago yung kulay ng buhok ko at mata ko!"--saad ko kay Tyler.

"Diba sinabi ko sayo kahapon na kapag may nagbago sayo wag kang magugulat!"--saad naman ni Tyler.

"Kasi naman naging kulay puti yung buhok ko pati mata ko naging kulay puti din! Sino ba naman ang hindi magugulat dun!"--saad ko naman.

"Ano kulay puti?"--gulat namang tanong ni Tyler sa akin.

"Ohhh! Kita mo nagulat ka nga din ehh!"--saad ko naman.

"Pwede bang pumasok?"--tanong ni Tyler.

"Cge pumasok kana! May damit naman ako ehh kaya oaky lang!"--saad ko naman.

Kaya naman ay bumukas ang pintuan ng cr at pumasok nga si Tyler sa loob at nang makita ako nito ay nagulat ito pero kalaunan ay napangiti ito kaya naman ay nagtaka ako kung bakit ngumingiti itong taong to.

"Ohh! Bat ka ngumingiti dyan?"--tanong ko naman.

"Bagay pala sayo yung puting mata at buhok!"--saad naman ni Tyler.

Napansin ko namang nagbago na ang kulay ng mata at buhok ni tyler naging kulay asul ang mga ito at mukhang normal ito dito kaya siguro okay lang kung ganito ang kulay ng buhok ko at mata ko.

"Okay lang ba na ganito ang kulay ng buhok at mata ko?'--tanong ko naman.

"Oo naman noh! Kaya lang ikaw lang ang may ganyang kulay kaya wag kang magtataka kung titiningnan ka ng mga tao!"--saad ni Tyler sa akin.

"Hayyy! Ano pa nga ba! Ohhh siya cge na lumabas kana dun at akoy maliligo na!"--saad ko pa.

Lumabas naman agad si Tyler sa cr at doon nanan ako nagsimula maligo buti nalang talaga may towel dito kaya yun muna ang gagamitin kong pantakip sa aking katawan at makalipas nga ang ilang minuti ay agad na akong natapos maligo tsaka lumabas na ako ng Cr na balot na balot ng towel ang katawan ko, nakita ko namang natatawa si Tyler.

"Ohhh bat ka natatawa?"--tanong ko naman.

"Kasi naman para kang sanggol na balot na balot sa isang tela na ayaw makita ang katawan!"--saad ni Tyler.

"Hehehe! Nakalimutan ko kasi yung mga damit ko ehh! Nakakahiya naman kung iuutos ko pa sayo!"--saad ko naman.

"Ano kaba naman, wag kanang mahiya sa akin tutal magkasintahan naman tayo diba!"--saad naman ni Tyler.

"Oo na! Cge na maligo ka narin dahil pupunta pa tayo ng academy!"--saad ko naman.

"Yesss! My Prince!"--saad naman ni Tyler 

Hindi ko nalang yun pinansin at pumunta na ako sa kwarto ko kung nasaan ang mga damit na bininigay ni Tyler sa akin kagabi at nagsimula naman akong maghanap ng masusuot kong damit at hindi naman ako nagtagal kakahanap dahil nakapili agad ako ng damit na susuotin ko.

Nandito na ako ngayon sa sofa nakaupo na at hinihintay na matapos magbihis si Tyler tapos na kasi siyang maligo ehhh.

"Ohhh ano tara na?"--tanong ko kay Tyler ng makalabas na ito sa kanyang kwarto.

The Long Lost Legendary Prince of Olympus World (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon