Chapter 15

237 10 0
                                    

*******ARCHIE'S POV*******

Nakabalik na agad kaming lahat sa Academy bago kumagat ang dilim sabi kasi ni Tyler na delikado daw gumala sa labas kapag gabi kasi lumalabas daw ang mga kampon nina Sangria sa iba't-ibang parte ng Olympus kaya wala na daw lumalabas kapag gabi na at buti nalang nandito na kami sa loob ng Academy.

"Good Evening, ngayong gabi ay dito na kayo matutulog at dito na rin kayo titira habang nagaaral kayo dito sa Academy, pwede naman kayo lumabas ng Academy pero tuwing Sabado at linggo lang kayo pwedeng lumabas pero magpapaalam muna kayo sa akin!"--saad ni Headmaster.

"Kung sakaling may huminging tulong sa atin sa mga bayan ng Olympus ay ako mismo ang magbibigay ng kautusan at ako mismo ang magtatalaga kung sino sino ang tutulong!"--saad pa ni Headmaster.

"Siya nga pala, kunin niyo na ang mga susi ng mga dorm niyo sa aking assistant, Archie Montemayor & Tyler Samonte, sumunod kayo sa akin!"--saad pa ni Headmaster kaya naman ay napatingin kami ni Tyler sa isa't isa at pareho kaming nagtaka kung bakit kami pinapasunod sa kanya.

Lumakad naman si Headmaster papuntang Office niya kaya naman ay sumunod naman kami ni Tyler at habang naglalakad kami ay may napansin akong kakaiba na tila mayroong sumusunod sa amin na tao hindi ko muna pinansin kung sino yung taong yun at umakto ako ng parang walang nararamdaman.

"Tyler, may sumusunod sa atin!"--bulong ko kay Tyler habang naglalakad kami.

"Huh? Sino?"--tanong naman ni Tyler sa akin.

"Hindi ko alam kung sino basta nararamdaman ko ang presensiya niya!"--saad ko naman.

Hindi naman umimik si Tyler at nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nakarating na nga kami sa Office ni Headmaster at ramdam ko parin ang presensya ng taong sumusunod sa amin.

"Alam kung may sumusunod sa atin kaya hindi ko na papatagalin ang usapan natin, kaya ko kayo pinasunod dito dahil nais kong sabihin sainyo magiging dalawa ang Dorm niyo ang isa ay sa Dorm ng mga Royalty at ang isa naman ay sa dorm ng mga ordinaryong mga estudyante!"---saad ni Headmaster at umiilaw ang kanyang noo ng kulay berde.

"Pero bakit po mayroong dorm kami sa Royalty? hindi po ba para lang yun sa mga maharlika at mga royal blood?"--tanong naman ni Tyler.

"Sa tingin ko ay hindi ko na yan sasagutin pa dahil alam mo na ang kasagutan sa tanong mong yan!"--saad ni Headmaster.

"Siya nga pala nandito na ang mga susi ng mga Dorm niyo!"--saad pa ni Headmaster sabay bigay ng dalawang susi na magkaiba ang kulay.

"Ang gintong susi dyan ay para sa dorm ng mga maharlika at ang silver naman dyan ay para sa mga ordinaryong mga dorm!"--saad ni Headmaster sa amin.

"Ahhh! cge po! maraming Salamat!"--saad ko naman sabay kuha ng dalawang susi.

"Magiingat lagi sana kayong dalawa dahil kahit nanadito na kayo sa loob ng Academy ay hindi parin kayo ligtas dito dahil mayroong spiya dito si Sangria sa loob kaya duoble ingat parin kayong dalawa!"--saad ni Headmaster sa amin.

"Salamat po sa paalala, pangako po magiingat po kami!"--saad naman ni Tyler sabay yuko habang ako naman ay nakatayo lang.

Nagpaalam naman kami kay Headmaster at lumabas na nga kami ng Offuce at pagkalabas namin ay nakita nga namin ang Prinsipe kaya  naman ay medyo nagulat kami dahil magisa lang ito ngayon at walang kasamang kawal.

"Magandang Gabi mahal na Prinsipe!"--bati ni Tyler sabay yuko ako naman ay nakatayo lang sa tabi ni Tyler kaya naman ay agad akong hinila ni Tyler para yumuko ako sa Prinsipe.

"Magandang Gabi din sainyo! Cge na magpahinga na kayo!"--saad ng Prinsipe.

Umayos naman agad kami ng tayo at muling naglakad kami ni Tyler, nilingon ko naman ang Prinsipe at nakita ko nga itong pumusok sa loob ng Office ni Headmaster kaya naman ay napaisip ako kung ano ang gagawin niya sa loob ng Office ni Headmaster.

The Long Lost Legendary Prince of Olympus World (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon