Prologue/Introduction
Isang digmaan ang nagaganap ngayon sa mundo ng Olympus, napagalaman kasi na ang nagiisang prinsipe ng Olympus World ay siyang tatalo sa kadiliman kaya gusto itong makuha nang mga kalaban at papatayin ito para wala nang sagabal sa paghahari nang kadiliman sa mundo ng Olympus, habang nagkakagulo ang lahat ay binilin ng Reyna ang anak nito sa isang dama upang tumulong sa pakikipaglaban sa mga Black ninja, habang hawak hawak nang dama ang Prinsipe ay hindi alam ng dama na may nakaabang na palang kalaban at may hawak itong palosa at nakatutok sa daraanan nila at dahil nga sa nagmamadali ito ay hindi niya namalayan na may paparating na palang palaso kaya natamaan ito sa likod at napahinto naman ang dalawa sa paglalakad, nakita naman nang Prinsipe na mayroong nakabaon na palaso sa likod ng dama niya kaya naman ay agad niya itong hinugot sa likod ng kanyang dama nang mabunot na ito ay sakto namang ang pagdating nang kalaban, pinilit nang dama na tumayo kahit na nanghihina na ito.
"Ibigay mo sa akin Prinsipe!"--saad nang isang lalaki sabay turo sa Prinsipe.
"Hindi! Hindi ko siya ibibigay sayo!"--sigaw naman nang dama sabay kapit sa Prinsipe nang mahigpit hanggang sa nakita ng dama na may mga paparating na mga palaso sa kanilang dalawa.
"Mahal na Prinsipe! Barrier!"--sigaw ng dama at agad namang ikinumpas ng Prinsipe ang kamay nito at nagkaroon nga ng barrier na gawa sa mga ugat ng Puno.
"Patawarin mo sana ako sa aking gagawin mahal na Prinsipe pero para din ito sa kaligtasan ko!"--saad pa ng dama.
"Mula sa kataastaasang dyos nang lahat sana'y bigyang basbas ang aking gagawin, simula sa araw na ito ay hindi na niya maaalala ang tunay niyang pagkatao at tanging pangalan lang niya ang maalala at pagdating ng tamang panahon ay kusa niya itong maalala! Walang sinuman ang makakalam ng mga ginawa kong ito kahit pa ang dakilang balintataw ng palasyo ay hindi ito makikita!"--saad ng dama at agad namang binalot ng kulay rosas na enerhiya ang Prinsipe at nagbago ang kasuitan nito.
"Pagsasabi kong takbo, tumakbo kana at wag kang lilingon magiingat ka huh! Mahal na Prinsipe! Magpapakabait ka kung saan ka man mapunta, mahal na Prinsipe! Masaya akong paglingkuran ka mahal na prinsipe hanggang sa aking huling hininga!"--saad pa ng Dama, niyakap naman ito ng Prinsipe at tumulo ang luha ng Prinsipe at nang pumatak yun sa lupa ay naging bulaklak ang luha ng Prinsipe.
Nasira naman ang ginawang barrier ng prinsipe at agad na tumambad sa dama at Prinsipe ang mga libo libong mga palaso kaya naman ay agad ikinumpas ng dama ang kamay nito saka bumalik ang mga palaso sa mga pinanggalingan nito.
"Ibigay mo na ang batang yan sa akin kung gusto mo pang mabuhay!"--saad nang lalaki.
"Hindi ko siya ibigay sayo kahit patayin niyo pa ako!"--sagot naman ng Dama.
"Takbo mahal na Prinsipe, wag ka nang lilingon pa!"--sigaw ng dama sa Prinsipe kaya naman ay tumakbo naman Prinsipe.
"Sinusubukan mo talaga ako!"--sigaw ng lalaki sabay tusok ng espada nito sa likuran ng dama at tumagos yun sa katawan ng Dama napasigaw naman ang Dama dahil sa sakit na naramdaman nito, huminto naman ang Prinsipe at sabay lingon sa dama at doon nga niya nakita ang dama niya na mayroong nakabaong espada sa katawan nito.
Napansin naman ng dama na huminto ang Prinsipe sa pagtakbo kaya naman ay agad niyang ginamit ang natitira pa nitong lakas para makagawa nang portal.
"Pumasok ka dyan sa portal na yan para makaalis kana dito mahal na prinsipe!"--saad nang dama sa Prinsipe at sa huling pagkakataon ay tumulo na naman ang luha ng Prinsipe, agad naman itong pumasok sa Portal at nang makapasok na ang Prinsipe sa Portal ay agad namn itong nagsara at naglaho pero nagiwan pa nang kataga ang dama pero huli na ang lahat dahil nagsara na ang portal.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Legendary Prince of Olympus World (Completed)
FantasyAng istoryang ito ay tungkol sa isang Prinsipe na napilitan umalis para sa kanyang kaligtasan dahil gusto siyang patayin ng mga kalaban ng kanilang Palasyo. Makakabalik pa kaya ang Prinsipe sa kanyang mundo? halina't samahan si Archie sa kanyang kwe...