“””””””ARCHIE’S POV””””””So ayon na nga lahat ay nagulat at hindi pa rin makapaniwala sa kanilang nalaman, nandito kami ngayon sa Office ni Headmaster para ikwento kung bakit naging kamag-anak nila si Tyler.
“Ganito yun may kapatid akong babae at namuhay siya dito sa Olympus bilang punong dama ng palasyo!”—saad ng Hari ng mga Fairy.
“Bakit naman namuhay ang kapatid mo bilang punong dama ng palasyo kung sa mundo niyo ay tinitingala siya ng lahat?”—tanong naman ni Headmaster.
“Dahil yun ang kagustuhan ng mahal na bathala at hindi lang yun ang pinunta ng kapatid ko dito kaya siya pumunta dito para protektahan ang susunod na magiging bathala yun ay ang anak ng Hari at Reyna ng olympus!”—saad naman ng Hari.
“Sinong bathala ang tinutuloy mo?”—tanong naman ni Headmaster samantala kaming lahat ay nakaupo lang at nakikinig sa mga pinaguusapan nina Headmaster at ng Hari.
Si Bathalang Chaos ang bathala ng bawat mundo dito sa magic Wolrd!”—sagot naman ng Hari
“Bakit alam niyo ang tungkol sa paghahanap sa papalit sa bathala?”—tanong naman ni Headmaster.
“Dahil kinakausap kami ni bathalang Chaos at sa amin siya humingi ng tulong para bantayan ang papalit sa kanya kaya napilitan ang kapatid ko na mamuhay dito at magsilbe sa Hari at Reyna ng Olympus!”—saad naman ng Hari.
“Headmaster, gising napo si Tyler!”—saad bg isang Healer na kakapasok palang ng Office.
“Talaga!”—saad ko naman at sabay takbo papalabas ng pinto at agad akong nagtungo sa clinic at doon ko nga nakita si Tyler na nakatayo na sa pintuan ng Clinic.
“Tylerrrrr!”---sigaw kp at nang makalapit na ako sa kanya ay agad ko itong niyakao ng napakahigpit.
“Aray ko naman di ako makahinga!”—saad ni Tyler sa akin kaya naman ay agad akong bumitaw sa pagkakayakap ko sa kanya.
“Ayyy! Sorry! Heheheh!”—saad ko naman.
“Kumuzta naman ang lakad ng aking munting Prinsipe?”—tanong ni Tyler sa akin.
“Okay lang naman kaya lang ang lungkot kasi wala ka dun!”—saad ko naman.
“Tsaka may good news ako sayo!”—saad ko naman ng nakangiti.
“Ano yun?”—tanong naman ni Tyler.
“Kaya ko nang kontrolin ang mga majica ko tsaka lahat ng gustong gawin gamit ang majica ko ay nagagawa ko!”—saad ko naman.
“Wow! Good Newss nga yan!”—saad naman ni Tyler.
“May isa!”—saad ko pa kaya naman ay napatingin ito sa akin.
“Diba naikwento mo sa akin na wala kanag mga kamag-anak?”—tanong ko.
“Ahhh yun ba, oo bakit?”—tanong naman nito.
“Nandito ang kapatid ng mama mo kasama ang asawa at anak!”—saad ko nakita ko namang nagulat si Tyler sa aking sinabi.
“Talaga nandito sila? Nasaan?”—tanong nito sa akin.
“Papunta na yun dito!”—saad ko naman.
“Ohhh bakit nandito ang mga Fairy?”—gulat na tanong ni Tyler ng makita nitong may mga Fairy sa paligid.
“Ahhh yan kasama yan ng mga kamag anak mo!”—saad ko naman.
“Hello Tyler kumuzta kana?”—tanong ng Hari ng mga Fairy kay Tyler nagulat naman si Tyler ng makita nito ang hari ng mga Fairy.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Legendary Prince of Olympus World (Completed)
FantasyAng istoryang ito ay tungkol sa isang Prinsipe na napilitan umalis para sa kanyang kaligtasan dahil gusto siyang patayin ng mga kalaban ng kanilang Palasyo. Makakabalik pa kaya ang Prinsipe sa kanyang mundo? halina't samahan si Archie sa kanyang kwe...