Chapter 12: The Visit

322 12 0
                                    

"""""""ARCHIE'S POV""""""

Nagmulat ako ng mata at pagkamulat ko ay agad akong napapikit dahil sa liwanag at nang mapagadjust na nga ang mata ko ay idinilat ko na agad ang mga mata ko at dito ko nga nakita ang puting pader, puting kurtina at lahat ng bagay dito ay kulay puti.

"Mabuti naman at nagising kana!"--saad ni Tyler sa akin na kakapasok palang ng pinto.

"Ano ba ang nangyari?"--tanong ko naman at babangon na sana ako ng makaramdam ako ng sobrang sakit ng katawan kaya naman ay agad akong napahiga ulit sa kamang hinihigaan ko.

"Ohhh! Anong nangyari sayo?"--tanong ni Tyler sa akin sabay takbo papunta sa akin.

"Masakit ang katawan ko, hindi ko maikilos ang ilang bahagi ng katawan ko tsaka namamanhid ang aking kamay!"---sagot ko naman.

"Ano ba ang nangyari?"--tanong ko pa.

"Naalala mo ba yung nangyari kahapon?"--tanong naman sa akin ni Tyler.

"Yung bruha na yun?"--tanong ko naman.

"Mismo! Siya si Sangria ang isa sa mga bathala dito sa Olympus pero dati yun!"--saad naman ni Tyler.

"Ang naaalala ko lang ay nung iniligtas ako ni Aya mula dun sa bruha na yun at yung iba ay hindi ko na malala!"--saad ko naman.

"Okay! Ganito ang nangyari, lumabas ang kapangyarihan mo kahapon at dahil hindi pa sanay ang katawan mo sa kapangyarihan mo kaya ito nananakit at namamanhid!"--saad naman ni Tyler.

"Talaga? Malakas ba ang kapangyarihan ko?"--tanong ko naman.

"Kung malakas ang paguusapan ay mas malakas kapa sa Mahal na Hari at Mahal na Reyna kaya magiingat ka palagi ngayong alam na ng mga kalaban natin na malakas ang kapangyarihan mo ay possibleng kunin ka nila kaya wag kang lalayo sa amin nina Isaac!"--saad ni Tyler.

"Cge!"--saad ko naman.

"Pero ngayon kumain kana muna alam kong gutom kana!"---saad pa ni Tyler sabay lapag ng pagkain sa mesa na nasa tabi ng aking kama.

"Susubuan nalang kita!"---saad ni Tyler kaya naman ay nagulat ako sa sinabi niya.

"Ano?"--tanong ko naman.

"Ohhh! Bakit ayaw mo ba? Hayaan mo na akong subuan ka dahil mas sakit ka kaya aalagaan kita ngayon!"---saad naman ni Tyler.

"Nakakahiya kaya!"--saad ko naman.

"Wag kanang mahiya sa akin, magjowa naman tayo diba kaya hayaan mo na ako sa gagawin ko ngayon!"--saad naman ni Tyler.

"Cge na!"--saad ko naman.

"Yun pumayag ka din!"--saad naman ni Tyler.

"Alam ko naman na hindi ka titigil hanggat hindi ako pumapayag!"--saad ko naman.

"Ibuka mo na yung bibig mo at susubuan na kita para naman makakain kana!"--saad ni Tyler.

Kaya naman ay agad ko nang ibinuka ang bibig ko para makapasok yung pagkain, nakangiti naman tong si Tyler habang sinusubuan ako kaya naman ay nailang ako.

"Bakit ka ngumingiti dyan?"--tanong ko naman.

"Wala! Wag mo akong pansinin, cge kain kapa!"--saad naman ni Tyler.

"Ewan ko sayo!"--saad ko naman.

"Ayyy! Ang sweet naman!"--saad naman nina Jane ng makapasok ang mga ito sa silid ko dito sa Clinic.

"Nakakaistirbo ba kami?"--tanong naman ni Isaac.

"Ano ba kayo, pasok na kayo!"--saad ko naman kaya naman ay nagsipasok naman ang mga ito.

The Long Lost Legendary Prince of Olympus World (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon