REGISTRAR'S office---that's where we are at the moment. Siya 'yong nakapila tapos ako nakaupo lang sa waiting area. Hawak niya na payment ko pati receipt namin. Kakaunti na lang din ang mga students kasi uwian na nga.
"Bakit kung kailan uwian saka lang kayo magpapa-picture ng I.D.?" dinig kong pagsusungit sa kanya no'ng babae sa registrar.
But Leo, as usual, lahat nadadaan niya sa ngiti at 'yon ang ginawa niya. Nginitian ang babaeng registrar na nagsusuplada sabay sabing, "Kaya nga po, e. Sobrang busy po kasi, parang ayaw po kami pagpahingahin ng mga prof. Nilunod ba naman kami sa lessons today."
Well that's true and then the lady was like, "Aww, gano'n ba pogi? Gan'yan talaga, galing na rin ako riyan. Sipagan mo lang mag-aral, kaya mo 'yan. Sige na, proceed na kayo sa next building, open pa 'yon hanggang 5:00 PM."
Edi wow. Kayo na close.
"Oh, ba't gan'yan itsura mo?" tanong niya and I just didn't realize na nasa tabi ko na pala siya. "Nainip ka ba? Sorry, napakwento lang ng konti kay ate."
"Ate mo?" pangsasarkastiko ko.
"Ha?"tugon niya. Mukhang hindi niya na-gets.
"Wala! Tara na." Tumayo na 'ko kasi 'di ko na rin alam kung bakit ba nag-iinarte ko.
"Ang cute mo," he said, that phrase made me smile in my mind's eye, "normal mo ba 'yang gan'yan?" Napailing siya habang tinatawanan ako. "Teka..." saad niya sabay shoot ng mga baryang sukli sa bulsa niya tapos sa kabila naman ay dinukot ang phone niya.
Inakbayan niya ako at hinila palapit sa kanya dahilan para magdikit ang pisngi namin. Late ko nang na-realize na, nakarami na siya ng kuha ng selfies. He's looking at it right now. Siyempre, he's proud he look good there pero ako hindi. Poker face, nonchalant, nakabusangot at walang kalatoy-latoy.
But then again, he would be like, "ang cute mo rito" which is a lie for me and he never claim he's handsome or what yet he always say the opposite "ang pangit ko na, oh!" with matching kamot ng ulo saka iling-iling.
He said that was our first picture and he's certain. I don't know what's special with that but he seemed to be on cloud nine for those first snaps that we've just had a while ago. Natigil lang siya sa pagtingin sa pictures na 'yon no'ng nakarating na kami sa next building.
"We're here," sabi ko and then he asked me kung nasa 'kin pa 'yong I.D. laces na binili namin kanina sa supply office after class before we went to the registrar's office.
He slid his phone back to his pocket soon as I handed him the lanyard that I've searched inside my backpack.
We entered the door and then wala pa yatang five minutes tapos na. Mas quick pa sa quickie. Dinaig pa 'yong rush I.D., e. Basta I.D. talaga, walang matinong kuha. It's either minamadali or sasadyaing pangit 'yong kuha sa'yo, that's what I always feel everytime na magpapa-ID.
Soon as we headed outside the building, pinataas ni Leo ang ID ko at 'yong ID niya, pipicturean niya raw pang-IG story. Pwede naman 'yong kanya na lang, right? Bakit kailangan damay pa 'yong akin?
And then may napansin ako sa ID niya habang tinititigan ko, bukod sa gwapo siya kahit anong anggulo ng camera, "2002?" 'Yon ang napansin ko. "Gago, 2001 na ako and I thought ako na pinakabata sa classroom natin tapos 2002 ka? Really? 2002? First year college?"
"Ang OA naman nito," he said nonchalantly.
Tinawanan ko siya sa reaksyon niya, "Bakit 'di ka nagtaas ng kamay no'ng may nag-survey ng age sa mga freshies? Sa pagkakatanda ko sa 1999 ka nagtaas ng kamay. Are you shy that you're young?"
"Nah," he sighed, "just... trying... to be... m-mysterious...?"
At mas lalo akong humagalpak sa tawa dahil sa sagot niyang 'yon.
"Pa-send ako ng pictures natin," sabi ko.
"Pati 'yong kanina?" Ngumiti siya.
"Sira, 'wag na 'yon. Ang pangit ko ro'n, ikaw lang naman 'yong..." He cut me off when I hung before I even get to finish my words.
"Ano? Pogi? Tsk, mas pogi ka pa sa'kin, e." He gave me a warm glance. Hindi ko alam kung hanggang kailan siya magpapakahumble sa pagiging good-looking guy. Hindi ako naniniwalang wala na 'yong hambog or mayabang side nito, e. Confidence, I mean, parang masyado kasing harsh. Let's see.
"'Yong picture lang ng I.D. pang-story para official Libertians na gano'n," sagot ko. Bakit ba ako napapa-explain kasi? Required ba? 'Di ba pwedeng gusto ko lang.
He nodded his head and then paused, realizing something. "Ay, hindi pala ako nag-a-add friend. Sorry, hindi kita mase-sendan ng friend request."
THIS!
Sinasabi ko na nga ba, e. May kayabangan din 'tong tinatago. Well, sino ba siya para i-add? Artista ba siya?
"Unless kung famous ka," he said as he playfully moving his brows up and down. "O siya! Mauna na 'ko, naalala ko sasabay pala ako sa ka-church mate ko, may tugtog kami sa church today. Ingat. See you tomorrow!"
He patted my back multiple times bago siya nauna maglakad. Minsan ay lumilingon pa siya at humaharap, naglalakad ng patalikod para matingnan ako. Kapag nakita ko siya ay kakaway pa siya.
Hate niya ba talaga ako dati? How come na walang bakas ng hatred ang pakikitungo niya sa'kin now? Kung sa bagay, people change or maybe nagpapanggap lang siya? Hindi naman siguro.
Ilang hakbang lang din ang nilakad ko nang makarating sa waiting shed. I waited for a bus and then natulog sa biyahe while listening to Doja Cat's Say So.
Nang makauwi sa bahay, sinalubong ako ni Sarcy, my dog. I threw his tennis ball na favorite niya habulin. Pinalitan ko ng tubig ang inuminan niya then I checked if may food pa ba siya. Pagbalik niya sa'kin kagat-kagat niya na ang bola. I patted his head and then binuhat ko siya para isayaw saglit at kilikin na parang baby. Ibinaba ko na siya at iniwanan sila ng favorite monkey stuff toy niyang si Blue.
Pagdating ko naman sa bed nando'n si Smeagol, my precious cat. Funny, right? Kinuha ko sa Lord of the Rings ang name niya kasi kamukha niya 'yon no'ng kitten pa siya. Now naman, hindi na masyado. Hindi ko na siya ginising, I just changed my clothes and then crashed on my bed to get some power nap.
The time I woke up is sobrang madilim na, natanaw ko na ang dilim sa bintana at nang hawiin ko ang kurtina nang lapitan iyon ay... voila! May mga stars na and napakagandang moon.
I reached out to my phone, checking what the time is now. My jaw dropped, it was midnight!
I scurried going outside my room, rushing down the stairs to cook something to eat sa kitchen. Bakit ako nagmamadali? Kasi tatawag na si Papa n'yan. Tatanungin ako kung kumain na ako. E, wala pa namang hugasin na nakatambak sa lababo saka bilang niya mga stocks ko rito sa bahay. Is he strict? Hindi pa ba obvious? Maaalarma ba ako ng gan'to kung hindi?
Here I am, cutting some carrots, cabbages and sahog na chicken na hinihimay ko rin now. Nilagyan ko na rin ng oyster sauce after igisa tapos hinulog ko na lahat ng gulay pati sahog. Pwede na 'yan after ten minutes.
I turned on the wifi settings of my phone, obvious naman na kung anong next, siyempre umulan ng notifications.
But there's only one who caught my attention. It even drew a smile on my lips when I read what it is.
Leo Quintero sent you a friend request.
YOU ARE READING
Straight as Guitar Strings
RomanceIt's a bar chord for Liam Ramirez whether Leo Quintero's shift from hater to fan is genuine or conceals darker motives─hard to play, so he simply goes along with it. A-Side: from rival bands in high school, Liam as a newfound vocalist of the reignin...