chapter 16 [tag/fil]

472 23 4
                                    

Hinubad ko ang sapatos ko pati na rin ang medyas, kinabig ang pintong nakabukas, pinadausdos sa malamig na tiles ang paa at nang makarating sa tapat ng sofa ay ibinagsak ang puwet sa malambot nitong surface. Nakauwi na ako sa bahay matapos ang malungkot na biyahe mag-isa sa bus.

Nag-text ako kay Bob, ibinalita kong nakapasa ako sa audition ko sa banda ng university namin. Wala pang isang segundo at nakapag-reply na agad siya ng congratulatory message niya para sa'kin kesyo proud na proud siya sa'kin, alam niyang papasa ako at mahal na mahal niya raw ako. Binasa ko lang ang message niya na walang epekto sa'kin.

Why am I like this?

Thanks, reply ko sa message niya. Muntik ko pang ma-send 'yong 'TYSM' na na-type ko. Sumagot siya agad at sinabing pasensya na raw dahil medyo busy siya sa pag-aaral at saka marami raw silang ine-edit sa ilalabas na bagong edition ng official newspaper and magazine ng university for this academic year, part kasi siya ng Libertad Journalism and Publication Team. 'Di ko alam kung anong position niya ro'n. Never ko inalam o nalaman? O baka nasabi niya rin sa'kin, possible. Nakalimutan ko lang...? Hindi, hindi ko lang pinagtuunan ng pansin siguro.

Parang toxic ka na Liam.

Nilagay ko sa silent mode ang cellphone ko at hindi nakuntento, I did even enable the 'do not disturb' mode. Ayaw ko munang kumausap ng kahit na sino. Nakipaglaro lang ako sa mga alaga ko. Si Sarsi na-miss ako ng sobra, sobrang overreacting niya, OA! Si Smeagol naman, kagaya ng tipikal na pusa, non-chalant lang at walang pakialam kung umalis ako o makauwi ng bahay.

Mabilis na lumipad ang oras kinabukasan nang makarating ako sa classroom. Katabi ko si Leo, wala na lang kaming pakialam sa mga kaklase naming palagi na lang kami pinagkukwentuhan at pinagkakamalang mag-jowa.

Sobrang ganado lang kami ngayong araw, walang lugar para ma-badtrip. Wala kaming pinalampas na lesson, nakinig mabuti sa discussion ng professors, at kinumpletong isulat ang mahahalagang notes.

Sabay naming tiniklop pasara ang notebook sabay sabing 'Done!' Nagtalo pa kami kung sino ang nauna! Pinitik niya ako sa ilong dahil nagsisinungaling daw ako at namumula ilong ko. Paanong hindi pupula 'to, e pinitik ba naman niya?

Hindi pa rin niya sinasabi ang nangyari kay Colleen kahapon. Sasabihin niya raw mamaya kapag lunch time na. Speaking of lunch, naiinip na kami kahihintay. Mabuti na lang at hindi nagtagal, natapos din ang klase. Nagkatinginan kami, taas kilay, ngiting maluwang at nanlaki ang mga mata sa excitement. Isa lang ang nasa isip naming dalawa-kainan na!

Pagkasukbit namin ng bag ay nagtatakbo na kami papuntang paradahan ng mga bike na pwedeng rentahan. Pagkaabot ko ng bayad sa university guard na nagbabantay, sumakay na agad si Leo sa napiling bike, iniwan ako at inunahan. Madaya talaga! Minadali ko ang pagkuha sa bike, kahit ano na lang madampot ko. Gamit ang buong lakas ng pagpidal ay hinabol ko siya sa abot nang makakaya hanggang sa magkapantay na kami.

"Akala mo, ha!" sabi ko sa kanya. Akala naman niya mauunahan niya 'ko. Nagpatuloy lang sa pagpadyak ang mga paa ko sa pidalan ng bisekleta.

"Sus, binagalan ko lang at naaawa ako sa'yo!" aniya't niyabangan pa 'ko. Mapapagod raw ang maiikli kong biyas.

Nakarating kami sa labas ng university at iniwan muna ro'n ang bike sa parking, kinandado at naglakad na. Humawi siya sa buhok niya nang humangin nang kay presko, naamoy ko 'yong pabango niyang ilang linggo ko na ring paborito.

Nang makaakyat kami't makababa sa overpass, napadaan kami kay ateng nagtitinda ng buko juice at turon. Binati na naman ni Leo, kinumusta at tinanong kung nakarami na ba ito ng benta. Samantalang ako tumango lang kay ate. Si Leo talaga, lahat na lang ng taong makita ay kino-close.

Straight as Guitar StringsWhere stories live. Discover now