chapter 12 [tag/fil] 🔞

911 29 4
                                    

WARNING: This chapter contains mature content with explicit language which may not be suitable for very young readers.

WARNING: This chapter contains mature content with explicit language which may not be suitable for very young readers

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

NAKARATING kami sa pinakamalapit na banyo at nagpalit ng damit sa pinakamatulin na kaya namin. Halos sabay lang kami lumabas at natapos magbihis, nagpalitan kami ng tango nang mapansing okay na kami pareho. Tinakbo na namin mula banyo hanggang athletic field para sure na maabutan pa namin 'yong sunset. Hindi kami masyadong nag-usap hanggang sa matapos kaming mag-stretching.

Nauna siyang tumakbo, hindi man lang nagsabi. Napansin kong malayo na ang distansiya niya sa'kin. Gayunpaman, hinabol ko siya sa abot ng aking makakaya. Nainis ako dahil kahit anong gawin ko ay hindi ko siya maabutan. Kanina pa ako naghahabol dito.

Nanginginig na ang kalamnan ng parehong hita at binti ko, nanghina ako't pawisan, tagaktak at umaagos. Pakiramdam ko kulang na ang energy ko kaya naman huminto na ako. Suko na ako.

"Hoy! Akala ko ba jogging lang!?" sigaw ko, pinilit na lakasan kahit ang baga ko ay hirap na hirap sa pagkuha ng hanging papawi sa hingal ko.

Nagbagal siya sa pagtakbo. Narinig niya ako sa palagay ko. Sa lakas ba naman ng mala-mikroponong bibig ko 'pag sumigaw.

"Jogging nga! Tinesting ko lang speed ko! Bakit?" aniya pagkaharap sa'kin. Tinatawanan niya ako habang mabagal na tumatakbo nang patalikod. "Warm up lang!"

"Sus! Speed speed! Lalaban ka ba sa athletics?" sagot ko, nag-ipon nang lakas at nagsimulang tumakbo ng mabagal palapit sa kanya.

"Hindi! Speed test nga lang!" Nakangisi lang siya sa'kin. Alam ko naman na obvious pa rin na hingal ako at pawisan. Speed speed pa kasing nalalaman.

Sa bagay, do'n naman siya magaling! Speed lang. Speed magpa-fall. Speed magbigay at magparamdam ng mixed signals. Masama na 'to at nakakatakot. Mukhang ako rin kasi, speed na nahuhulog.

"Bakit hinabol mo 'ko? 'Di mo 'ko maabutan 'no? Kaiksi ng biyas mo, e!" asar niya sa'kin. Bumalik sa tamang tuwisyo ang isip ko at natigil sa kaiisip ng kung ano-ano.

"Wow naman! Hiyang-hiya ako, akala mo namang ten feet ang itinangkad mo sa'kin!"

"Ano height mo, Li?"

Ayokong i-disclose kaya ang sagot ko, "'Di ko alam, Le! Basta lampas ako ng 5' 5" no'ng huling sukat ko!"

"6' 1" ako, sorry. Ikaw, nasa 5'8 " ka na niyan," aniya at kasingtangkad ko raw ang papa niya, sure siya 'ron.

"Ano naman kung mas matangkad ka? Magpapantay lang din naman tayo 'pag nasa kama na."

"Ano?"

"A-Ano... sabi ko, oo na! Mas matangkad ka na!" palusot ko. Tangina, ano ba kasi 'yong nasabi ko na 'yon? Sa'n nanggaling 'yon?

"Tapos pogi pa," aniya sabay kindat.

Winagwag ko ang damit ko at kunwari'y nahahanginan. "Whoosh! Salamat at pinahangin mo nang malakas. Tamang-tama ang init at pinagpapawisan ako."

Straight as Guitar StringsWhere stories live. Discover now