WE headed to the SaveMore market to buy some fresh groceries for tonight's dinner. Leo and I strolled through the aisles, carefully selecting vegetables, fruits, and other essentials for our meal. As we filled our cart with goodies, Leo took the lead and paid for everything at the counter.
I asked him kung magkano ang binayaran niya kasi hindi ko nakita. Ayaw niya naman sabihin. KKB nga sana 'ka ko kami, ayaw naman niya, 'wag na raw. Sigh. It felt comforting to be by his side anyway, making mundane tasks like grocery shopping feel like an enjoyable shared experience I've never ever imagined that could happen to me... na siya ang kasama.
Hapon na nang makalabas kami sa SM. Ako rin naman ang nagsabi no'n dahil ayokong bumiyahe nang mainit kahit na air-conditioned naman ang bus. Ayoko lang, mainit maglakad sa subdivision, e.
Tamang-tama, golden hour nang makauwi kami at hindi na gaanong masakit sa balat ang araw habang naglalakad kami rito sa kalsada ng subdivision pauwi sa'min.
Halos wala akong bitbit na groceries dahil si Leo ang may dala ng lahat ng brown paper bags. Kumakain lang ako ng chocolates and snacks na napanalunan niya.
Habang naglalakad kami, natanong ko lang siya randomly. Tinanong ko kung alam na ba ng parents niya 'yong tungkol sa kanila ni Colleen and kung nakapag-out na ba siya sa kanila.
He said, hindi pa raw nila alam both. Hindi niya rin daw alam kung paano sasabihin dahil sarado ang isip ng parents niya sa mga gano'ng bagay lalo na sa same sex relationships.
Tumahimik lang ako at nakinig sa kanya. Hindi ko rin alam kung anong isasagot ko, e. Minabuti ko na lang ipagpatuloy ang pagkain ng chocolates.
•• ━━━━━ ••●•• ━━━━━ ••
We're finally back home and we're already in the kitchen. Leo's helping me organize the groceries we bought. He joined me in arranging the vegetables and fruits in the containers, while I kept an eye on the snacks and other items. Each time our hands accidentally brushed against each other while sorting things out, I was surrounded by a unique sense of joy because of his presence.
As we continued sorting through the items, I noticed Leo's eyes lit up when he picked up a ripe tomato.
"Hey, Liam, look at this tomato! It's perfect for a salad," he exclaimed, turning the tomato in his hands.
I grinned, acknowledging his idea. "Yeah, looks good. Masarap 'yan sa salad mamaya."
Leo nodded eagerly, inabot niya bigla 'yong lettuce. "Let's make a salad then baby, shall we?"
It dawns on me that this is the first time we're cooking together. Iniisip ko pa lang grabe na 'yong excitement ko at kilig. "Yeah, let's do it. It's our first time cooking together."
Pinagpatuloy namin ang pag-aayos ng groceries.
Nang matapos ay nag-aya akong tumambay muna kami sa kwarto. Sabi ko sa kanya matutulog muna ako, tinabihan niya ako pero hindi ako makatulog kasi nararamdaman kong nakatitig lang siya sa'kin. Pagdilat ng mga mata ko, nakita kong nakamasid nga lang siya sa'kin, nakatagilid at nakatukod ang kamay sa sentido.
"Ginawa mo naman akong baby. Binabantayan mo pa at pinapanood pati pagtulog ko."
"Baby naman kita, a?" sabi niya tapos pinisil ako sa pisngi.
"Tsk, landi!" sabi ko't tinabig ko ang kamay niya palayo.
"You're not calling me baby, tampo na 'ko, hmp!" Bumiling siya at tinalikuran ako bigla.
"Luh? Arte..." Sinipa ko siya sa likod, hindi ko naman nilakasan.
Hindi siya nagpatinag.
"Huy!" sabi ko at inalog-alog siya habang nakatalikod sa'kin. "Luh? Ayaw mamansin..."
Kiniliti ko siya sa kili-kili saka tagiliran pero wala lang siyang reaksyon. "Leo, 'di bagay sa'yo. Kalaki-laki mong tao tapos gumagan'yan ka!"
Napuno nang katahimikan ang kwarto ko nang hindi na ako nagsalita pa. Ayaw niya rin talagang kumibo kaya naman napilitan na akong ibaba ang pride ko para sa kanya.
"Baby," mahina kong tawag sa kanya.
"Oh!" pasigaw niyang sabi, kunwari pang galit halata namang kinilig.
"Ay sus! Galit pa, tinawag na ngang baby, e!" sabi ko naman at hinahatak ko siya paharap sa'kin pero ayaw niya talaga.
"Tsk."
"Baby... Baby Leo..." Lumapit ako sa kanya, binulong ko sa kanya. "Baby ko... sorry na po."
Pumikit siya at hindi ako tinitigan. "Ayaw, tampo pa rin ako."
"Kiss kita, halika rito." Pagkasabi ko nito'y bigla siyang dumilat pero masama ang tingin niya sa'kin nang bumiling na siya at tumihaya nang higa.
"Ayaw mo?" tanong ko at pinandilatan ko siya ng mga mata.
"Gusto po," sabi niya at biglang inginuso ang labi.
"Mwah!" I gave him a quick peck on the lips. "Tampo pa po 'yan?"
"Medyo na lang po," sabi niya at tipid na ngumiti sa'kin.
"Luh, anong medyo? Ang kapal mo!" I pinched his nose, nakagigigil ang ka-cute-an niya. "Anong gusto mong gawin ko para 'di ka na po magtampo sa'kin?"
"Mag-cover po tayo," bigla niyang sabi at parang siguradong-sigurado na siyang iyon ang gusto niya.
"Sure baby, 'yon lang ba?" sabi ko naman at hindi na ako nakipag-argue pa. I wanted to make him feel na he's being heard and appreciated.
"Yes po, baby," he nodded and turned his eyes into puppy one.
"Okay, let's get the guitar, baby." Lumundag na ako pababa ng kama. Hindi siya sumunod agad, "Huy, bangon na d'yan, baby!" tawag ko sa kanya at pinalo ko ang pwet niya.
"Ibangon mo po ako, baby?" he pouted his lips at hindi na nawala 'yong puppy eyes effect niya sa mga mata.
My god, anong nangyayari sa Leo'ng nakilala ko? Alam kong sa'kin niya lang pinapakita 'yong mga gan'tong side niya. Hindi ko naman nakitang ginanito niya si Colleen.
"Okay po, baby!" I smiled back at him. Kinuha ko ang kamay niya at hinatak gamit ang buong lakas ko.
Kunwari pa siyang naghihina-hinaan tapos napayakap pa siya sa'kin. Nawalan daw siya ng balanse, sorry daw. A, talaga ba?
Mawawalan siya nang balanse sa balikat ko pa? Halos mahalikan at masinghot niya na naman 'yong leeg ko. Tapos 'yong isang kamay niya nakapisil agad sa isang dibdib ko? Piniga-piga pa niya.
Ayos, a! Naka-plano 'yong pagkawala ng balanse niya?
•• ━━━━━ ••●•• ━━━━━ ••
Leo strummed a few chords, setting the rhythm for our impromptu jam session. "May naiisip ka na bang kantahin?"
"Wala pa, ikaw ba?" Inaayos ko 'yong anggulo ng camera dahil medyo tabingi. "Hmm... 'Sway'?" I suggested, asking if he knew that song.
"Sway by Bic Runga?" he clarified.
I nodded in agreement, feeling the excitement building within me. "Yeah, gusto mo 'yon?"
"Sige, baby. Gawan natin ng version natin."
With that, nag-start na kaming kumanta, our voices blending harmoniously as we poured our hearts into the music. Kahit may mga mali or na-miss na notes or wala sa beat na rhythm, tinawanan na lang namin 'yon at in-encourage ang isa't isa na ipagpatuloy then i-enjoy na lang 'tong ginagawa naming magkasama.
Nang humantong na sa final chords, nagpalitan kami ng kuntentong mga ngiti, siyempre proud kami sa na-accomplish namin. "Nice," Leo said, his eyes shining with pride.
I couldn't agree more. "True. Wait, i-save ko na."
"Liam, I want to hear you sing..." saad ni Leo habang nakatingin sa screen ng phone ko. Tinitingnan 'yong ginagawa ko.
"Kakakanta ko lang, a?" Napatingin ako sa kanya.
YOU ARE READING
Straight as Guitar Strings
RomanceIt's a bar chord for Liam Ramirez whether Leo Quintero's shift from hater to fan is genuine or conceals darker motives─hard to play, so he simply goes along with it. A-Side: from rival bands in high school, Liam as a newfound vocalist of the reignin...