WARNING: This chapter contains mature content and explicit language that is not suitable for young readers.
COLLEEN? Sino si Colleen? Gusto ko sanang tanungin kaso it's none of my business naman para alamin pa.
"Bro, mauna na 'ko sa'yo. May pupuntahan pa 'ko!" ani Leo, atubili.
Hindi na ako nakasagot pa dahil nga nagmadali na siyang lumakad palayo. May kinalaman kaya 'yon sa Colleen na sinabi no'ng Randy? I still have no idea.
"Mag-record ka!" sigaw ko.
"Oo, 'di ko kakalimutan!" Humarap siya bigla habang patuloy pa ring naglalakad kahit patalikod saka tumatawang kumindat, "Hakuna matata!"
And that made me smile.
It really made me smile na hanggang sa labas ng gate at makarating sa overpass, maski nang makababa mula roon at nasa paradahan na ako ng mga bus, nakangiti pa rin ako.
Nawala lang 'yon nang maalala ko ang phone ko. Hundreds of text messages plus calls, messenger chats and missed video calls. All of them are coming from one person named Bob.
Nakatitig ako sa phone ko habang pinagmamasdan ang mga message nang biglang mag-pop up sa screen na tumatawag siya. I hit 'accept' sa call and I said hello.
"Bakit hindi ka sumasagot sa mga messages and calls ko?" tanong niya at sinundan pa ng kung ano-anong tanong gaya ng kung ano bang ginagawa ko? sino ang kasama ko? saan ako nagpunta? nasaan ako? at iba pa.
I remained silent and once he's done whining, I retorted, "Talk to you later, sorry. I'm on my way there."
Bob hung up on me. I checked the time, mukhang late na talaga ako. Tumakbo muna ako sa 7-11 para bumili at pagkatapos ay diniretso ko na ang pagtakbo hanggang sa makarating ako sa harap ng gate ng apartment.
I got the duplicate key on hand from my pocket and inserted it in the padlock. Soon as I opened the gate, I entered and closed it again as quiet as I could.
Pawisan at tila hingal kabayo. Nasa harap na ako ng pinto matapos ang matipid at marahang paghakbang na hindi gumawa ng anumang kaluskos o ingay. I twisted the knob of the door and it opened as it shouldn't be locked.
Hindi ko pa man din naibababa ang bag ko ay hinila na ako kaagad sa kamay, I saw Bob, he caught me in his most tight embrace.
"I miss you, love." He whispered in my ear at maya-maya ay dinilaan iyon hanggang sa mapunta ang labi niya sa leeg ko at hinalikan kahit na may pawis.
"Sorry, I was busy earlier. Hindi ako nakapag-reply sa'yo." Hinihingal pa ako dahil sa pagtakbo ko kanina.
"It's okay, love. Ang mahalaga nandito ka na. Bumawi ka sa 'kin. 'Yon lang, bati na tayo ulit." Hinihimas na ni Bob ang aking maselang parte sa ibaba sa pagitan ng aking mga hita habang sinasabi 'yon kaya naman tinigasan ako kaagad.
YOU ARE READING
Straight as Guitar Strings
RomanceIt's a bar chord for Liam Ramirez whether Leo Quintero's shift from hater to fan is genuine or conceals darker motives─hard to play, so he simply goes along with it. A-Side: from rival bands in high school, Liam as a newfound vocalist of the reignin...