Bulungan sa hallway. Bulungan sa campus. Pati mga professors nakikisali sa tsismis pero palihim. Alam nilang lahat ang rumors pero walang makapagpatunay na totoo nga. May mga nag-rant na rin sa page na parang for likes na lang at followers ang habol ng Libertad Wall account sa X dahil hanggang ngayon lampas-lampas na sa sinabi nilang quota ng likes, views at retweets ang na-reach no'ng post ay wala pa ring full video silang mailabas.
E, peke nga kasi lahat ng 'yon!
Matapos makalaya sa magulong mundo sa loob ng campus, nakarating na kami ni Leo sa lugar kung saan may kapayapaan. At least, dito sa loob ng studio, walang fake news at malayo sa stress. All of them were convinced na edited and fake lang naman 'yong kumakalat na audio scandal namin ni Leo.
Nagbiro pa ang mag-jowa na si Aki at Chase, baka sila na raw ang isunod. Sabi naman ni Grace, malabong mangyari at hindi naman sila gaanong sikat. Medyo pangit 'yong sinabi ni Grace sa part na 'yon pero naki-ride naman 'yong dalawa kaya wala naman sigurong bad feeling about it. We're not that famous, sadyang 'yong issues lang sa'min ay hindi tumitigil kaya dumarami ang nakakaalam. That bitch, Elfin! Makakarma rin siya!
Mayamaya pa ay dumating na si Sir Richard, dala ang papel na may nilalamang guidelines at criteria ng magiging University Battle of Bands Regional Level. After niya ma-explain, wala na kaming ibang ginawa kundi mag-brainstorming ng mga kanta na ipe-perform na may kinalaman sa theme. After that, sinimulan na naming tugtugin ang lahat ng kayang matugtog.
Apparently, hindi namin natapos lahat so next time na ulit. Habang nagliligpit sila ng gamit ay nauna na ako sa labas at sinabihan ko si Leo na hintayin ko na lang siya. Sinabihan niya kasi ako na may ipapakita siya sa'kin. Surprise daw. I know naman na ginagawa niya ang best niya para hindi ako maapektuhan sa rumors na kumakalat tungkol sa'ming dalawa. I will always appreciate him for doing that to me.
May mga hawak akong papers, na may chords, tabs, lyrics pati copy ng guidelines and criteria ng competition. Lahat ng 'yon, inimpit ko pagitan ng braso at tagiliran ko.
Titingnan ko lang sana ang time sa phone ko pero biglang tumawag si Bob sa'kin. Lumingon ako sa paligid ko if nakalabas na ba ang bandmates ko. Napansin kong hindi pa kaya naman humakbang pa ako nang ilan palayo sa labas ng band studio at naramdamang ang mga paa ko ay nakatapak na sa madamong area ng archery field, kung saan medyo madilim na rin dito dahil nakauwi na ang mga archers na nagtre-training kanina.
Bago pa ma-missed ang call ay sinagot ko na agad. Pagkasagot ko pa lang ng phone call ay naghuhurumintadong boses na agad ni Bob ang narinig ko. Hindi mabilang na mura, sumisigaw at umiiyak na para bang he's having panick attacks. I tried to calm him down pero mga ilang minuto pa siyang nagsisigaw at nagagalit sa'kin dahil cheater daw ako at nakipag-sex sa kaibigan ko.
Paulit-ulit niyang isinigaw-sigaw sa phone ang pangsusumpa niya sa'kin, cheater daw ako at malandi dahil nakipag-sex ako sa bestfriend ko. Pinag-eexplain niya 'ko, sabi ko, wala akong dapat ipaliwanag dahil hindi totoo ang lahat.
Kung hindi raw ako magpapaliwanag, pumunta raw ako sa kanila para patunayan kong mahal ko siya. Ang sagot ko, pagod ako pero muli siyang nagwala at nagsisigaw na parang nasisiraan nang bait.
"TANGINA, LOVE, TAMA NA! PAGOD NGA SABI AKO!" sigaw ko at sa sobrang inis ay binabaan ko siya ng call. I shut it down para masiguradong hindi na siya makatatawag pa. Ang tanga niya naman para maniwala sa fake news!
Pagkasilid ko sa bulsa ng cellphone ko ay humarap na ako sa direksyon patungo sa band studio para bumalik pero laking gulat ko nang makitang nando'n na silang lahat sa likuran ko. Nakatingin sa'kin, walang masabi at mukhang kanina pa sila nand'yan sa labas. Mukhang clueless naman sila sa nangyari, hindi ko sinabi at walang ni anong salita ang narinig nila mula sa labi ko.
YOU ARE READING
Straight as Guitar Strings
RomanceIt's a bar chord for Liam Ramirez whether Leo Quintero's shift from hater to fan is genuine or conceals darker motives─hard to play, so he simply goes along with it. A-Side: from rival bands in high school, Liam as a newfound vocalist of the reignin...