WARNING: This chapter contains mature content with explicit language which may not be suitable for very young readers.
⋅•⋅⋅•⋅⊰⋅•⋅⋅•⋅⋅•⋅⋅•⋅∙∘☽༓☾∘∙•⋅⋅⋅•⋅⋅⊰⋅•⋅⋅•⋅⋅•⋅⋅•⋅
"Ano tutulala ka na lang d'yan?" ngising tanong niya. "First time makakita ng nakahubad?"
In-expect mo bang hindi ako matutulala? E, sobrang perfect ng katawan mo. Sinasadya mo talagang gawin sa'kin 'to, Leo.
"Anong gagawin?" tanong ko matapos tila tangayin ng alon 'yong utak ko't hindi na makapag-isip nang mabilis dahil sa napakalaking distraction na nakatayo sa harapan ko.
Itinuro niya 'yong dagat. Ah, swimming. Okay.
Nahihiya man, ay naghubad pa rin ako. Hindi kasi ako nag-gy-gym dahil sa bahay lang ako nag-wo-workout, so simple lang ang build ng katawan ko, masarap naman at sakto lang para makapag-satisfy ng kung sino mang uhaw na lalaki, pero siyempre, I don't do that. I'm not a bitch. Kung magiging bitch man ako, kay Leo ko lang siguro kayang ipakita ang bitch side ko.
Wow, Liam! Ang kapal ng mukha kong isipin na I can be his bitch gayong alam na alam ko namang walang sinabi ang hitsura ko sa kanya na para bang siya si James Franco kung tumitig sa kanyang mga leading lady noong kabataan niya at ang dating niya sa'kin ay mayro'ng pagka-younger version ni Michael Paré sa movie niyang Eddie and the Cruisers. He's really got that charisma ng mga hot Hollywood actors no'ng 90's or late 2000's.
Magkasabay kaming tumakbo mula dalampasigan patungo sa tubig-dagat, hubo't hubad na lumangoy at nagtampisaw sa malamig na tubig na para bang mga bata. Malinaw ang repleksyon ng tubig kahit papadilim na. Kahit sunset na, nakikita ko pa rin ang katawan ni Leo kahit nakalubog sa tubig. Alam kong gano'n din siya, nakikita niya rin ang lahat ng sa'kin.
Tinatanggal ng tubig ng dagat ang init na nararamdaman ko dulot ng panahon pero may kakaibang init na binibigay ang sitwasyong ito habang tumatagal na kasama ko siya. Mahinang hampas ng alon ng dagat na humahalik sa katawan niya, mga butil ng tubig na pumapatak mula sa buhok niya, sinag ng araw sa patakipsilim na hapon at lahat ng detalyeng 'yon ay malinaw sa paningin ko, higit lalo ang pantasyang iniisip kong sana ay ako na lang ang lahat ng 'yon.
Ngunit bakit lumalapit siya sa'kin? Gano'n na ba ako kahalata kung tumingin sa kanya?
Nakatitig lang siya sa'kin, diretso at hindi natitinag ang tingin. Tahimik kaming dalawa at tanging dagat lamang dapat ang maririnig na tunog sa paligid pero bakit nakikisabay ang puso ko? Palakas nang palakas ang tibok.
"Bakit?" tanong ko't isang dangkal na lang ang pagitan namin sa isa't isa. Isang malakas na hampas na alon lang sa kanya ay maaaring magtama ang hindi dapat magtama down there.
"Giniginaw na 'ko, ikaw ba hindi pa?" Pinagkiskis niya ang dalawang palad niyang basa, medyo kulubot na dahil babad na sa tubig.
"Sakto lang," sagot ko. Paano akong giginawin, e nag-iinit ako sa kanya. Oh, kalma... baby, kalma.
"Kanina ka pa nakatingin lang sa'kin, tahimik... may problema ba?" tanong niya saka pinadaan ang palad sa ibabaw ng basang buhok niya na siyang humawi pataas doon at umalis dating sa pwesto nitong tinatakpan ang noo niya.
"Wala naman," sambit ko at na-realize ko kung gaano ka-straight ang ilong niya, katulad niya. Hindi tulad ko, baliko. Gusto kong i-trace 'yon gamit ang mga daliri ko.
"May sasabihin ka yata, e." Kalmado lang din siyang nagsasalita, kalmado gaya ng dagat.
Ayokong sabihin ang nararamdaman ko pero kung mayro'n man akong gustong malaman niya ngayon, iyon ay ang napasaya niya ako ulit today. "Masaya lang ako, salamat."
It made him smile, a radiating smile kahit na nag-aagaw dilim na sa paligid namin. "That's what I was gonna ask, but I'm happy to know that you are."
"Hindi ba kita sa'kin?" tanong ko at sa abot ng makakaya ay lalo kong isineryoso ang mukha ko in purpose na kaagad naman niyang napansin.
"Hindi masyado, e. Mukhang seryoso ka parang kailangan ko pang gawin 'to para makita kong tumatawa ka," sambit niya at sa isang iglap ay dinakma niya ang magkabilang tagiliran ko saka niya ako kiniliti nang walang patid.
Parang dumaloy na kuryente sa buong katawan ko't naging dahilan para manghina ako, mawalan ng lakas. Nagsisigaw ako at nagmamakaawa sa kanya na huwag niya na akong kilitiin pero sobrang lakas ng pwersa niya at hindi ako makawala. Nakakapanghina talaga. Pakiramdam ko'y tinotorture ako kapag kinikiliti ako at talagang napapasigaw na lang pero may part na nae-enjoy ko. Like, the fact na hinahawakan niya ang katawan ko, nararamdaman ko ang kamay niya sa balat ko at nakikitang masaya siya habang ginagawa niya 'yon sa'kin.
"Leo! Nakikiliti ako! Tama na! Gago, 'pag ako nalunod!"
"Edi sasagipin kita," seryosong aniya at sa wakas ay binitiwan na ako sabay sabing, "Yiee...!"
Akala niya naman kinilig ako.
"Corny mo!" sagot ko't tinulak siya matapos wisikan ng tubig sa mukha. Nang mahilam siya at kuskusin ang mata, tumakbo ako't itinago ang ngiti hanggang sa makarating ako sa dalampasigan. Naupo ako sa buhangin na naaabot pa rin ng buntot ng alon na sa tuwing dumadampi sa bayag ko at parehong pisngi ng aking puwitan ay nahuhugasan ang kumapit na basang buhangin doon.
Hinihingal ako dahil sa paghahabol ng hangin na halos maubos sa katawan ko sa pangingiliti ni Leo. Pinanood ko siyang muli na umahon sa dagat na para bang mga leading man sa mga movie, mapang-akit ang tingin, katawan na parang sasambahin mo at mukha na hindi mo pagsasawaang tingnan at mga labing aangkinin, hindi mapapagod halikan.
Gusto kong sipsipin ang basa niyang labi hanggang sa matuyo at mawala ang tubig ng dagat na naroon.
Luluhuran!
Sinundan ko siya nang tingin hanggang sa naupo na rin siya sa tabi ko. Parehas kami nang posisyon, nakapatong ang mga braso niya sa tuhod at nakayakap ang dalawang kamay sa magkabilang binti. Mayamaya ay bumuntong hininga siya habang nakatitig sa kalangitan, dahan-dahang humiga at ginawang suporta ang kamay sa ilalim ng kanyang ulo.
Habang nakapatong ang baba ko sa kaliwang balikat ko, hindi siya pinakakawalan sa mga nakaw kong tingin, ang isang kamay ko ay dumampa sa basang buhangin ng pampang. Binilog ko sa palad ko ang nakuhang buhangin at pinakat ko sa dibdib niya saka marahang ikinalat-kalat na para bang pinapahiran ko siya nang langis. Noong umpisa ay hinayaan niya lang akong himas-himasin ang dibdib niya, tahimik na nakatingin sa langit, hindi ako ang tinitingnan pero alam kong may kakaiba siyang nararamdaman sa mga haplos ko.
Nang numipis na ang buhangin, nawala ang gaspang at nagtatama na ang balat ng palad ko sa balat ng kanyang dibdib ay doon siya nagpasyang tingnan ako, diretsong kontak sa mga mata ko. Halos mailang ako sa titig niya at gusto kong umiwas nang tingin ngunit bigla niyang pinigilan ang kamay ko sa paghaplos gamit ang kanyang isang kamay na hinihigaan niya kanina.
Isang piga lang niya at halos hindi na makagalaw ang kamay ko, huminga siya na pabuntong kasabay nang pagpikit panandalian. Pagmulat niya ay binigyan niya ako ng tingin na para bang may gustong tanungin sa'kin, kuryosidad ay nakasulat sa kanyang mukha.
Sa puntong magtanong siya ay halos tumalon ang puso ko sa kaba palabas ng rib cage ko. Sinong hindi magugulat sa tinanong niya sa'kin?
"Liam..." tawag niya sa'kin gamit ang pinakamalalim at malamig niyang boses na ngayon ko lang din narinig. Huminto siya, ibinaba ang tingin sa mga labi ko, pababa sa'king lalagukan, pababa sa dibdib kong kumakabog ang puso sa loob, pababa sa pagitan ng aking mga hita, bago muling bumalik at tumitig sa mga mata kong nangungusap na. Tila nanunuyo ang kanyang lalamunan, nauuhaw pero hindi tubig ang kailangan. Lumunok siya bago muling nagpatuloy,
"Virgin ka pa ba?"
YOU ARE READING
Straight as Guitar Strings
RomanceIt's a bar chord for Liam Ramirez whether Leo Quintero's shift from hater to fan is genuine or conceals darker motives─hard to play, so he simply goes along with it. A-Side: from rival bands in high school, Liam as a newfound vocalist of the reignin...