chapter 18 [tag/fil]

376 23 0
                                    

Matapos ang ilang segundo ng katahimikan, dinukot niya sa bulsa 'yong music player with earphones. Iyon ang pinamana sa kanya ng kuya niyang yumao na. Former drummer ng Libertadlibs who died because of cancer last school year. Ang request ng kuya niya kay Sir Richard ay si Grace ang ipalit sa position niya dahil si Grace talaga ay idol niya ang kuya niya. That would be his best gift for her dahil dream ni Grace 'yon.

Binigyan kami ng thirty minutes break after that dahil may biglang tumawag kay Sir Richard at dahil do'n ay nagkaroon kami ng time para magkwentuhan ni Grace habang si Leo ay busy makipag-usap sa ibang members at seniors. Nahanap niya na ang dila niya at sobrang daldal na naman.

"Kaya pala nagtataka ako, bakit member ka na agad nitong band!" sambit ko nang ikuwento sa'kin ni Grace ang nangyari after mamatay ng kuya niya, siya agad ang pinalit at inensayo. I said I felt sorry for her loss and expressed my condolences.

"Yeah, as per requested ng kuya ko kay Sir Richard, lakas niya 'no? Lakas din mag-perform no'n kasi. Uhm, buti hindi ka lumipat ng school?" patuloy niya sa pagkuwento pero makikitang sumilay sa mga mata niya 'yong lungkot na pilit itinatago. Nagtanong na lang siya para hindi tumuloy kung maging luha man.

"May college naman dito, so bakit lilipat pa?" Ngumiti ako pagkasambit ko pero napansin kong lumihis siya nang tingin. Sinundan ko ang direksyon na kanyang tinutunton at napansin kong nakakandado ang mga mata niya kay Leo.

"Yeah. Anyway, 'yong kasama mo... si Leo 'yon, 'di ba? 'Yong bass guitarist ng Rhythmix no'ng senior high school tayo! Ano 'to befriending your enemy?" Ibinalik niya sa'kin ang tingin, hawak ang magkabilang balikat ko habang inaalog ako na para bang alkansiya at naghihintay na may mahulog na barya.

Tumingin din ako kay Leo saka ko sinagot ang tanong ni Grace. "Oo raw. Hindi ko matandaan pero nasabi niya na nga 'yan. I'm more convinced na after kong marinig sa'yo."

"Parang ewan naman 'to!" Tinapik niya ang balikat ko, hindi makapaniwalang aniya. "Ikaw? Hindi mo maaalala ang isang Leo Quintero? My gosh! Ang dami ngang nagkaka-crush d'yan sa'min... mga kaklase and friends ko dati hanggang ngayon!"

"Pati ikaw?" tanong ko pagkabaling nang tingin pabalik sa kanya. Sinundan ko nang tawa na para bang sinasabing biro lang ang tanong ko. Namula kasi ang pisngi niya at panandaliang nawalan ng salitang lumalabas sa bibig. I get it.

"Huy! Hindi, a... sinasabi ko lang," aniya nang mahanap ang dilang panandaliang nalunok, she gulped bago nagpatuloy, "But what I admire about him is his talent. He's so cool. Bakit hindi mo tawagin kaya? Ipakilala mo naman ako sa kanya!"

Nang magtama ang mga mata namin ng kaibigan ko ay tinawag ko siya't pinalapit sa'kin. Sinabi kong may gustong makipagkilala sa kanya. Nginuso ko si Grace, kaagad siyang lumapit.

"Hello po," ngiting bati niya kay Grace.

"Ay, bakit ang galang naman masyado! Magka-edad lang naman tayo!" ani Grace sabay hawi sa hibla ng buhok niya't ikinubli sa likod ng tainga. Wow.

Pinakilala ko sila sa isa't isa.

"Drummer ka na po pala ngayon? 'Di ba vocalist kayo ni Leo no'n sa Euphony," ani Leo na hindi pa rin binibitawan ni Grace ang kamay nila after mag-shake hands.

"Luh, pa'no mo natandaan?"

"Madali lang naman po kayo tandaan, maganda pa."

"Parang sira naman 'to! Pero thank you. Ano kasi that time, walang slot sa drummer. Sa kagustuhan ko makasali sa Euphony, pumayag na akong gawin nilang vocalist. And then I found Liam, they're also looking for a male vocalist kasi that time..."

"Ah, okay po. Now I know. Buti na lang nahanap n'yo si Liam, hindi sana kami magkasama ngayon kung hindi." Tumawa si Leo and then after that sila na halos ang nagkwentuhan. Ako 'yong naging out of place at sasagot lang kapag natanong nila. Mga isang beses lang naman nila akong na-involve sa topic nila.

Natapos ang araw na gano'n lang hanggang sa makauwi na lang din nang pagod after we practiced one song. Hindi naman masyadong mahirap, napagod lang kasi paulit-ulit. Hindi na rin kasi ako siguro masyadong sanay dahil ang tagal na rin akong hindi nakatugtog kasama ang banda. Bawi na lang ako bukas.

Nang makauwi ako sa bahay, ginawa ko na lahat ng kailangang gawin sa pinakamabilis na posibleng paraan na alam ko hanggang sa ang natitira na lang na dapat kong gawin ay ipikit ang aking mga mata para matulog. I texted my Papa to inform him that I'm tired today and baka kapag tumawag siya ay tulog na ako no'n.

I made sure naman na nakapag-set ako ng tatlong alarm for tomorrow para hindi ako ma-late sa klase. Ngunit habang nagse-set ako ng alarm sa phone ko ay nakatanggap ako ng text message from Laura.

"'Wag mo na lang pansinin 'yong bagong post sa Libertad Wall sa X, nagpapa-help na akong ipa-report at ipa-take down kay Elfin," the text read.

The first phrase I've read from Laura's message ang nag-udyok sa'kin lalo para tingnan ang post at alamin. Alam ko hate tweets tungkol na naman sa'kin pero hindi ko maisip kung tungkol saan. Wala naman akong ginawa today, nag-rehearsal kami sa banda. If it's something else, I need to find out.

Pero bago pa ako makapunta sa X ay tumunog ang notification ng cellphone ko dahilan para tingnan kung ano ang mayro'n doon at nakita ko ang name ni Leo. My pointing finger tapped on it swiftly so I opened the text message he sent to me quickly.

"That's bullshit man! Let's just act that we don't care. Haters gonna hate, right?"

I replied, "Yeah? Shake it off?"

And then he sent a GIF of Taylor Swift dancing Shake It Off. It made me smile pero tiningnan ko pa rin ang tweet galing sa Libertad Wall. Bumungad sa'kin ang mga tweets and rants ng Libertians na it's either sa problema nila sa jowa, sa subject, sa professor, sa school, crush or kahit ano pa, na every 5 or 10 minutes yata pinopost. Nagpatuloy ako sa pag-scroll hanggang sa mapahinto ako sa isang tweet na parami nang parami ang retweets at views. I read the title na nasa caption, "Liam and Leo: Leaked Scandal ng Newest Members ng University's Band".

Definitely, for click bait lang 'to at para makarami ng followers ang account so then I played the video na may black background lang.

"Pwede mo ba 'tong ipasok after n'yan?"

"Aray, aray, wait... dahan-dahan lang sabi ko, 'di ba?"

"'Wag ka nang magulo, malapit ko na maipasok."

"Oh."

"Oh!"

Narinig ko ang boses namin ni Leo na nag-uusap at tandang-tanda ko kung ano'ng nangyari no'ng araw na 'yon. Pero dahil sa pag-edit ng kung sino mang nag-edit no'n, alam ko naman din, for sure na si Elfin ang mastermind. Napakahusay. Napagmukha niyang totoo ang pinutol-putol na usapan at pinagkabit-kabit lang saka nilagyan sa huli ng ibang boses ng mga ungol na para kaming nagse-sex ni Leo sa comfort room.

Tandang-tanda ko ang araw na 'yon. Iyon ay ang magkasabay kaming nag-toothbrush at naghilamos sa comfort room sa second floor ng building namin na lagi naman naming ginagawa and actually we're not fucking each other. Sinusuotan ko lang siya ng hikaw no'n at nasasaktan siya dahil namamaga ang tenga niyang bago at sariwa pa lang na binutasan. After that, we saw Elfin and Laura sa first floor noong nagtitingin ako ng announcements sa bulletin board about sa audition ng Libertadlibs band. Duda na ako sa kilos ni Elfin that day, which is nangyari today 'yong iniisip ko.

Dahil sa edited na audio scandal na 'to na may dinugtong pang ungol mula sa porn video na hindi ko alam pero parang totoong-totoo, nawala antok ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko.

I closed my eyes then pray to God and sana bukas maging malakas ang loob ko, maging walang pakialam sa nangyayari at hayaan na lang 'to para hindi na lumaki pa.

Sinong tangang maniniwala sa audio scandal? Ni walang pictures or videos na pruweba? Tama si Leo, we shouldn't care.

Straight as Guitar StringsWhere stories live. Discover now