chapter 28 [tag/fil]

574 18 1
                                    

ANONG ibig niyang sabihin na gagawin niya ang gusto niyang gawin dahil nasa kwarto niya ako?

Lumapit siya nang lumapit sa'kin at paatras naman ako nang paatras para hindi kami magdikit pero nang muling hakbang ko ay paanan na pala iyon ng kama niya, natisod ang talampakan ng paa ko at napaupo ako sa ibabaw no'n. Malambot ang kutson nito at sheets kaya naman nag-bounce lang ang pwet ko. Tumingala ako at napansin kong yumukod siya para maging magkaparehas ang lebel namin.

Nang isang pulgada na lang ang pagitan ng mga mukha namin ay umiwas ako nang tingin pero piniga niya ang mukha ko gamit ang kamay niya, mahigpit na hinawakan at iniharap muli sa kanya. Muli niyang inilapit ang mukha niya, titig ay diretso sa mata ko at ayaw niya akong pakawalan.

Hahalikan niya ba 'ko?

Bakit kailangan niya akong pwersahin? Anong laro 'tong ginagawa mo sa'kin Leo? Pumikit ako nang muli siyang gumalaw palapit sa mukha ko. Nararamdaman ko na ang mainit niyang hininga mula sa ilong at bibig niya.

"Leo!" sigaw ni tita Leah, sunod-sunod na kumakatok sa pinto ng kwarto ng anak niya.

Pagdilat ng mga mata ko, nakalingon na si Leo doon sa pinto. Muli niyang ibinalik ang tingin sa'kin at pinalaya niya ang mukha ko sa kamay niya. Minasahe ko pa ang magkabilang pisngi kong namanhid sa pagpiga niya nang mariin.

Tinitigan niya ako't tinanguan, alam ko na ang ibig sabihin no'n kaya naman binilisan kong magbihis ng damit. Patuloy pa rin si tita Leah sa pagkatok sa pinto at pagtawag sa pangalan ng anak niya kaya naman lalong nakadagdag 'yon sa bilis nang pagbibihis ko.

Nang matapos ay sinamahan ko si Leo na nakatayo na ro'n sa likod ng pinto, muli niya akong tinanguan. Pagkabukas nito ay niyaya na kami ni tita Leah, nauna itong maglakad at nagbubunganga ng kung ano-anong rant niya sa buhay pati na rin sa pagiging matagal namin ni Leo.

Hindi ko pinapansin si Leo, tahimik lang ako. Binabagalan ko rin ang lakad ko hanggang sa nakahalata na siya. He stopped his both feet, waiting for me at nang magkapantay na kami he began talking discreetly.

"Hey, I was just kidding earlier, you look so terrified. Come here, ang layo-layo mo sa'kin." Hinatak niya ako palapit sa tabi niya pero siniko ko siya at dumistansiya akong muli.

"Why do we need to be close?" I rolled my eyes, making one step sideways.

"Hey, that was a joke! I was just pranking you," he chuckled as he brushed aside his damp hair covering his forehead, slicking it back neatly.

"Whatever," I continued walking as I maintained my distance from him.

•• ━━━━━ ••●•• ━━━━━ ••

It was extremely a 'hot seat' sa dinner na naranasan ko with Leo's parents. Mistula akong sumalang sa show ni Boy Abunda, napakarami nilang tanong and luckily, I answered all of them naman. Dinaig ko pa nag-job interview. Ang dami tuloy nalaman ni Leo na hindi niya alam pa tungkol sa'kin dahil sa pang-uusisa ng parents niya.

"Kumusta kayo ni Colleen?" tanong ni tito Austin kay Leo.

"Okay naman po," sagot ni Leo at chineck niya 'yong reaksyon ko after.

"Kilala mo si Colleen?" asked tito Austin.

"Ako po?" paglilinaw ko, tumango siya. "Opo," sagot ko at tiningnan ko rin ang reaksyon ni Leo after.

"Ang ganda niya, 'no? Kagaling pipili ng anak ko, 'diba? Mas maganda pa sa mama niya 'yong napili, e, 'no? Manang-mana talaga sa'kin," ani tito Austin, praising his son's skills on choosing the perfect girl.

"Papa... ikaw 'yong pumili kay mama, hindi ako."

Gusto kong matawa sa sinabi ni Leo pero mukhang naaasar na si tita Leah kaya naman sinabihan ko na mas maganda siya kaysa Colleen. Nawala 'yong inis niya sa dalawa, binigyan niya pa ako nang maraming ulam sa plato ko.

"'Yon! Kainan na pala, e!" sambit ng biglang dumating. Napalingon kaming sa paparating na matangkad, payat, kahawig ni tito Austin.

"A 'yan na 'yong magaling mong anak, 'Ma." Sa sinabing ito ni Leo ay nakuha ko na agad kung sino ito, siguro ito ang kapatid niya, sa loob-loob ko.

"Ano 'ka mo?" sabi nito't nilapitan si Leo. Hindi niya pinansin ang kapatid, parang hindi nakita.

"Busog na kami, mauna na kami ni Liam... 'Pa, 'Ma, gagawa pa kami ng thesis," paalam ni Leo, tumayo siya at tinanguan ako para umalis na rin gaya nang binabalak niya.

Thesis? The fuck, baka etits.

Nauna siyang naglakad at bago ako tumayo ay nagpaalam akong mabuti sa mama at papa niya. Nabunggo ko pa 'yong kuya niya sa pagmamadali, nag-sorry naman ako agad.

"Thesis, uto! First year ka pa lang! Wala pang thesis ang first year sa Libertad!" sigaw ng kuya niya nang makalayo na kami sa hapag-kainan.

Sumagot si Leo at hindi nagpatalo sa kapatid, "Kapag hindi nakapasa sa admission test, 'di dapat bumoboses."

Narinig kong sumabad na sa usapan si tito Austin, "Kumain ka na, Lenard... kakauwi mo lang, ginugulo mo na naman 'tong bahay. Katahimik kanina no'ng wala."

"A 'yan, buti nga..." pahabol na pang-aasar ni Liam.

"Kuya mo 'yon?" tanong ko nang malayo na kami sa kanila.

Tumango siya, "Yeah, don't worry. Normal lang sa'min 'yong gano'ng usapan."

•• ━━━━━ ••●•• ━━━━━ ••

Magkasabay kaming nag-toothbrush ni Leo sa bathroom nila. Hindi ko alam kung pinaghandaan niya ba 'to o hindi dahil may naka-ready na agad na toothbrush for me. Sabi niya sa'kin daw talaga 'yon at walang gumagamit no'n.

Iniwan ko nga siya after ko matapos, napakalaro niya kasi parang bata. Kainis! Nauna na ako sa kwarto niya at pumwesto sa kama. Nakaupo ako ro'n pero nang mainip ako ay naglakad-lakad ako sa kwarto niya. Alam kong matagal siya magsipilyo kaya naman titingnan ko muna kung ano ang mga pwede kong makita rito sa kwarto niya.

As I roamed around Leo's room, I sifted through his belongings. I stumbled upon pictures of him and Colleen, snapshots of his family, and even mementos from our senior high school battle of the bands. However, what caught my eye was a metal screen adorned with Polaroid photos and fairy lights.

Among them were stolen moments captured by Leo himself probably-a picture of my victorious performance sobrang saya ko sa picture na 'yon, another from our camp night performance, with me in focus and close up. I thought he hated me back then?

There were also candid shots of me sleeping in class, getting our ID photo taken, and oddly enough, one of me enrolling. Why was there a picture of me enrolling in college? It seemed strange.

Just as I was lost in thought, the door swung open, and before I could retreat to the bed, Leo caught sight of me. He turned on the light, our eyes meeting, with his gaze questioning while mine was left stunned, unsure of what to say.

"That's fine, looks like you've discovered quite a bit. I won't ask," he said, breaking the silence.

Straight as Guitar StringsWhere stories live. Discover now