chapter 15 [tag/fil]

648 26 3
                                    

Halos mabaliw ako sa panaginip kong 'yon at mag-dadalawang linggo na ang nakalilipas pero sariwa pa rin sa isipan ko. Paano ba naman tuwing uwian pagkatapos ng klase, kaming dalawa ni Leo regular pa ring nagpapalakas ng stamina lalo na ng lungs para powerful ang voice ko. Walang palya kaming mag-jogging sa athletic field habang golden hour hanggang sa tuluyang paglubog ng araw. Every after sunset pagkalabas ng campus, sa gilid sa paanan ng overpass, nagmemeryenda kami ng turon at buko juice (BJ for short).

Sa tuwing kakain kami ng turon at BJ ay nagre-replay sa utak ko 'yong pagkain ko sa turon niya, 'yong pag-BJ ko sa kanya, as in blowjob. Ugh! Creamy...

Hindi ko naman ma-consider na nightmare 'yon dahil kung may the best dream award akong paparangalan sa mga naging panaginip ko, ay talaga namang out of the world ang details no'n! Walang duda, ito ang title holder. Hindi ko namalayang tumatawa na pala ako.

"Okay ka pa?" tanong ni Leo sa'kin. Ngumunguya siya at dinig ko ang crunchy na wrapper na nadudurog sa loob ng bibig niya. I wondered kung ano talaga ang lasa ng labi niya.

Fuck! Ano na naman 'tong naiisip ko?

Hindi ako kumibo. Nagpaka-nonchalant lang kunwari. Tumahimik lang ako at tumigil sa pagtawa.

"Ate, bayad po namin. Mauna na kami at ipa-check up ko lang 'to." Inabot niya 'yong pera sa babae at hinintay ang sukli. Binulsa niya 'yon at umakbay sa'kin habang isinasabay niya ako sa paglakad niya.

Ngayon ko lang na-realize, ako pala 'yong tinutukoy niyang ipapa-check up. Ano ko baliw? Sabi pa niya, may kilala raw siyang magaling na espesiyalistang gumagamot sa pag-iisip.

Sinuntok ko nga siya sa tiyan nang hindi niya inasahan. Ininda niya 'yon nang sobra dahilan para mapakalas ang bisig niya sa pag-akbay sa balikat ko. Ngayo'y tiyan niya na ang sapo-sapo niya, hinahaplos-haplos at parang batang umiihip ng mainit na sabaw ng noodles. Madalas ko gawin sa kanya 'yon bukod sa gusto ko siyang nasasaktan after niya 'kong asarin ay nasasalat rin ng kamao ko 'yong abs niyang six packs.

Anong masama sa hawakan ang abs ng best friend mo?

Wala. Wala, 'di ba? Wala akong nakikitang problema ro'n. Hawak lang naman, e. 'Yong iba nga dinidilaan pa! Duh~

Makalipas ang ilang segundong pag-iinarte ni Leo na parang nagdadrama na lang naman talaga, halatang-halata na kasi, ay sinabihan kong tama na siya. As if namang masaktan siya talaga, e, ang tigas-tigas nga ng abs niya! Kunwari pa siyang tinatablan sa mga tapik at suntok ko, hindi naman masakit panigurado. Kaunti lang siguro, medyo?

Natigil siya sa pagpapanggap na may iniinda pang sakit nang tumunog ang cellphone niya. Walang alam sa kung ano ang mensaheng makikita, kinuha niya ang cellphone na kay tagal namalagi sa kanyang bulsa.

Nang tingnan ko siya habang kinakatikot ang cellphone niya, tumunog din ang akin. Kinuha ko at dali-daling tinignan ang mensaheng dumating. Napakabilis ng mga mata kong binasa ang magandang balitang bumungad sa'kin. Dalawang beses ko pang inulit hanggang sa nakumpirma ko nga na tama ang nabasa ko.

Pagtaas ko ng tingin at maibaling pabalik kay Leo ang tingin ko ay nakatingin na siya sa'kin, nakaguhit sa mukha niya ang parehong ekspresyon na mayro'n ako't siyang nararamdaman ko ngayon. Sobrang saya, umaapaw at parang nananalamin ako dahil 'yon din ang nakikita ko sa mukha niya.

Tanong niya sa'kin, bakit daw gano'n ang hitsura ko?

Sabi ko naman, "Wala, may nag-text lang din sa'kin."

Tugon niya, "Sa'kin din mayro'n! Ano 'yong sa'yo?" Excited siyang tunay, hindi maikukubli.

Sabi ko, secret, siya muna 'ka ko ang mauna magsabi.

Pumayag naman siya, madaling kausap tapos saad niya, nakatanggap siya ng text message galing sa adviser ng university's official band. Natanggap siya, pasado ang audition video niya at isa na siya sa papalit sa graduating na bassist. Actually, dalawa raw silang bassist pero siya 'yong official, back up lang 'yong isa or reserba.

Masaya ako para sa kanya at binati ko siya dahil do'n.

"Tanggap din ako!" masayang sigaw ko at hindi ko na napigilang huwag ideklara't ipagmalaki. Wala akong pakialam kung pinagtinginanan ako ng mga estudyante rito.

Sa sobrang saya ko ay napatakbo ako kay Leo para yumakap pero sinalubong niya ako at inunahan. Binuhat niya ako at pinaikot-ikot habang sabay kaming sumisigaw ng "Pasok kami sa banda! Pasok kami sa banda!" paulit-ulit hanggang sa mapagod at kapusin sa paghinga.

Sinabi ko kay Leo, nahihilo na 'ko, tama na at ibaba niya na ako. Binaba niya naman akong walang kahirap-hirap na para bang isang kilo lang ang bigat ko na tila hindi man lang nangalay ang maskuladong bisig niya sa pagbuhat sa'kin.

Sobrang dami na ngang nakatingin sa'min, may mga nagsabi pang sana all. May narinig pa akong bumulong, which is hindi ko nagustuhan. Nag-tsi-tsismisan at nakilala si Leo na boyfriend ni Colleen. Siyempre, nadawit 'yong pangalan ko. Narinig ko nadamay ako talaga at hindi maganda 'yong narinig ko. Ako? Tawagin ba namang ahas?

Tiger ako, e! Ror! Ay mali, unicorn pala... para aesthetic.

"Hayaan mo na, 'wag mo nang patulan. Nalason lang mga utak ng mga 'yan sa social media, kaka-follow nila 'yan sa page ni Elfin na walang alam i-post kundi fake news, e." Pinigilan ako ni Leo, mahigpit akong hinawakan sa kamay nang mapansing susugurin ko 'yong mga babaeng 'yon na nang-badmouth sa'kin. Papatulan ko talaga sila. Baka tusukin ko sila ng horn ko!

Sabi pa ni Leo, ang mahalaga ay official member na kami ng Libertadlib! That's the official name of Libertad University official band.

Napabalik niya agad ang saya ko after maimbyerna sa mga dumaan para mangtsismis lang. Naramdaman ko ulit 'yong excitement at parehong feeling noong senior high ako nang mapili bilang vocalist ng Euphony band. Kumusta na kaya sila? Lalo na si Grace, siya ang nagpasok sa'kin at nag-encourage na mag-audition dati. Kung hindi dahil sa kanya, wala akong confidence sumali sa mga gan'to ngayong college.

Gusto kong tanungin si Leo...

"Gusto mo bang pumunta sa bahay? Celebrate tayo!" Matagal kong pinag-isipan kung sasabihin ko ba 'yon o hindi pero salamat at nasabi ko rin. I want to celebrate this small winning season of my life with him.

"Oo ba! Tara! Celebrate natin 'yan!" aniya at walang bakas ng alinlangan na siyang nagpagaan lalo sa pakiramdam ko. Ngumiti siya sa'kin at hinaplos ang gulo-gulo kong buhok. Ang galing-galing ko raw. Sinabi ko rin sa kanya 'yon pabalik pagkatapos magpasalamat.

Ngunit natigil ako saglit nang mapansin kong nabalisa si Leo at mapatingin sa hindi kalayuan. Mabilis na nagbago ang timpla ng kanyang mukha. Sinundan ko ang direksyon na kanyang tinitingnan nang makita ko kung ano ang mayro'n do'n.

Sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang girlfriend niyang si Colleen. Kung hindi ako nagkakamali, umiiyak ito at parang kay bigat ng dinadala. May hindi magandang nangyari panigurado at bago pa ako makabalik ng tingin kay Leo ay nakita ko na siyang tumakbo palapit sa babaeng mahal niya.

Nanatili lang akong napako ang mga paa sa kinatatayuan ko at pinanood kung gaano siya nag-aalalang tumakbo para lapitan si Colleen. Pinahid niya ang mga luha nitong umaagos sa pisnging namumula parang pink na rosas. Paulit-ulit niyang tinanong kung anong nangyari at kung bakit ito umiiyak pero hindi sumagot si Colleen.

Hindi na niya ako nakita sa mga sandaling 'yon. Pakiramdam ko nawala ang presence ko, hindi ako nag-eexist sa mundong ito. Invisible ba kumbaga.

Hindi niya na rin ako napansin pang sumakay ng bus, invisible nga 'di ba? Kahit na nakadungaw ako sa bintana, mula doon sa kinauupuan ko sa bus hanggang sa kung saan sila nakatayo ni Colleen, nakatanaw lang ako. Iniisip na kung isang araw kaya, umiyak ako dahil may nangyaring masama sa'kin, gano'ng klase rin kaya ng pag-aalala ang matatanggap ko mula sa kanya?

Hinawi ko ang kurtina upang takpan ang bintana at hindi na masaksihan pa ang paulit-ulit na pagyakap ni Leo kay Colleen, paghalik sa noo at paghaplos sa likod bilang pagpapatahan niya sa pagtangis nito.

Sa pag-andar ng bus, habang lumalayo ay bumibigat. Alam kong hindi ko dapat nararamdaman 'to. Mali 'to, mali 'to Liam. Alam ko namang mali pero bakit nararamdaman ko pa rin? Bakit...?

Bakit parang may malaking tipak ng bato na bumagsak at dumikdik nang husto sa puso ko? Ang bigat, hindi ako makahinga.

Straight as Guitar StringsWhere stories live. Discover now