NANG matapos ang pang-umagang klase ay napansin kong magkasamang lumabas sina Colleen at Leo. Ang babaeng 'yon naman... sobrang wagas kung makalingkis sa braso ni Leo, animo'y anumang segundo ay aagawan siya.
"Naku, friend! Ito na nga, makinig ka... 'di sa 'kin'to nag-originate, ha. Marami na ring nagsasabing ano... clout chaser lang 'yang si Colleen saka social climber din, grabe magyabang sa social media. Ito pa nakakapagtaka, ayon sa source, ngayon lang naging gan'yan siya ka protective kay Leo 'in public'. Wala naman talagang paki 'yan kay Leo. Wala naman ding nagtatangkang umahas sa boyfriend niya dahil nga raw may ugali 'yan si Colleen. Ito pa tea, never daw pinakilala si Leo sa parents! Never finlex sa social media, more on posting lang siya ng mirror selfie gamit ang iPhone, Starbucks, flex ng LV, you get what I mean? Hm, ewan ko nga ba ngayon kung bakit pa-expose at pa-intriga ang naging atake niya. Feeling artista? Tsk, mas marami pa followers mo ro'n! Baka mga 5% lang ng iyo! Ewan, wala akong masabi. Siguro, napagtanto niyang nakahanap siya nang katapat! Angas 'di ba, pinagselosan ka p're! You're such a big threat to her! 'Wag ka na mainggit, be proud. Slay! Ayoko na lang talaga magsalita. Wala akong masabi."
"Wala ka pang masabi sa lagay na 'yan, a!?" saad ko na taliwas sa sinabi niyang 'ayaw niya na lang daw magsalita'. Napailing ako't matipid na natawa, "Wala ka namang galit sa babaeng 'yon, 'no? 'Yong totoo? I see, halata nga."
Natawa na lang din siya sa sinabi ko. "In fairness naman sa'yo, hindi ka halata."
"Huy!" saad ko sabay tapik sa balikat niya. "Pass sa halata?"
"Huy! Hindi magpapahalata ang taong ito! Naiinis!" energetic niyang sambit, ginagaya 'yong sikat na expression na impluwensya no'ng mga Filipino influencers online.
No joke. I really appreciate Laura. Hindi ko alam kung matatawa ako o anong mararamdaman ko halos kung ano-ano na yata natawag niya sa 'kin at ano-anong nasabi. Halo-halo na emotions ko now. Sobrang tapon na tapon na ang tea ni auntie pero gets ko naman ang point niya. She's trying to make me feel better. Obvious naman na nagawa niya 'yon sa'kin. Napasaya niya 'ko. Mayro'n talaga tayong one friend na kapag may umaway sa 'tin, sagad hanggang buto nila pagsasalitaan nang masasama at lalaitin pati buong pagkatao, mula ulo hanggang hinliliit na kuko sa paa.
Speak of the devil, there he was. Sumulpot na lang bigla na parang kabute.
"Laura, let's go bitch! Are you going to the cafeteria?" asked Elfin, speaking with his high-pitched voice that is usually a pain in my ears.
Sinenyasan ko si Laura na sumama na sa friend niyang impakto at sinabing okay lang ako kahit hindi naman talaga para lamang hindi siya mag-alala. Ang kinagulat ko ay hindi niya pinansin si Elfin, as in parang wala lang siyang narinig. She wrapped her arms around mine and then she pulled me with her. Binunggo niya pa si Elfin at ang satisfying ng pagkakatapilok nito sa hallway kung saan maraming nakakitang students.
"LAURA!? ARE YOU FOR REA-- WHAT THE FUCK IS GOING ON?" he screamed so loud until a Liaison officers caught him and arrested him. He was invited to go to the judicial office for the scandal he just made. Nagsisigaw ba naman sa hallway habang may nagkaklase pa sa kabilang classroom.
"'Yan ang napapala mo," pasinghang ngisi ni Laura sabay tanong sa 'kin kung kumakain daw ba ako ng burger.
Sabi ko naman, oo, 'yon naman tipikal kong sagot at hindi naman ako maselan pagdating sa mga pagkain.
Kaya pala niya tinanong kasi manlilibre siya. "Got you! Let's have some burgers! My treat."
"No no it's o-" bago ko pa matapos ang pagtanggi ko ay sumabat na siya agad.
"Ah ah ah..." shaking her head rapidly as she shushed me. "I said what I said."
Time well spent naman ang naging recess time ko with Laura. Kinuwento niya pa 'yong mga 'di niya malimutang karanasan niya sa mga naging ex-girlfriend niya. May mga malalim din kaming usapan gaya ng tungkol sa pamilya niya na suportado siya sa kung ano ang napili niyang gender (lesbian) samantalang ako sinabi kong hindi pa rin ako open kay Papa. Pinayuhan niya pa ako at pinalakas ang loob ko. Pinayuhan din ako about sa buhay, sa pagpili ng lalaki at sa pag-ibig. Inamin ko na nga rin na may tinatago akong nobyo. She's cool with that pero sinabi ko na rin na parang malabo na 'yong nararamdaman ko... parang ayoko na sabi ko. Marami siyang magagandang sinabi na nagpabawas ng stress sa 'kin. I mean, she's a woman pero masasabi kong Laura is the man! She really is the man!
So far, siya pa lang ang nakakaalam ng sikreto ko. And of course, my secret lover Bob.
Nagkahiwalay lang kami ni Laura nang talagang sabihin niya sa'king uuwi na siya. Ako naman kahit uwian na, hindi naman ako umuuwi agad kasi nga may mga ginagawa pa ako rito sa school. Favorite ko kasi ang golden hour, lalo na ro'n sa grandstand. Sa oval shaped na athlete's track na nakapalibot paikot sa soccer field, nag-jo-jogging kami ni Leo ro'n, madalas lalo na kapag may time. Hindi lang nakatakbo no'ng nakaraan dahil nag-video kami ng audition para sa university band.
Maririnig ang mahinang yabag ng mga paa kong naglalakad sa tahimik at halos walang katao-taong hallway. Papunta ako sa locker area, sa sobrang hindi mahagilap ng ingay ay naririnig ko na pati ang aking pulso at paghinga. Ilang hakbang pa at naroon na ako sa harap ng locker ko, kulay gray at metal. Inilapat ko nang mariin ang hinlalaki kong daliri sa maliit na screen hanggang sa umilaw iyon ng green at ma-recognize ang fingerprint ko.
Pagkabukas ng locker ay kinuha ko ang naka-ready ko nang track suit, dry fit shirt and shorts, running shoes, towel and tumbler. Nang makuha, isinara ko ang locker gamit ang isang kamay ngunit pagkatapos ay napahinto ako sa paghakbang.
"Oh, Leo!" gulat kong sambit at hindi namalayang nabitiwan ko ang rubber shoes ko. "Nagulat ako sa'yo."
"I see," saad niya at pinulot ang running shoes ko. "Para kang nakakita ng multo."
Nang kukunin ko na ang sapatos ay bigla niya itong inilayo at itinaas. Tinitigan ko siya't sinamaan ng tingin dahil sa ginawa niya. Hindi ko siya mabasa at ang nakakainis pa ay wala akong time para makipagbiruan dahil baka ma-late ako sa sunset!
"Iniiwasan mo ba 'ko?" tanong niya, direkta at walang paligoy-ligoy na nagdulot sa'kin ng pagkataranta.
"H-Huh?" halos hindi ko mabanggit nang mabuti ang sasabihin dahil sa tila nagbara ang aking lalamunan. Sinabi kong hindi ko alam 'yong sinasabi niya at hindi ko siya iniiwasan para hindi niya isipin na apektado ako sa nangyayari.
"Okay, akala ko umiiwas ka, e..." Tumalikod siya pagkatapos ng kasuwal na pagkasabi at naunang maglakad.
Naistatwa lang ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko alam kung ano na namang tumakbo sa isipan niya. Lumingon siya pabalik nang mapansing hindi ako sumunod at nakatulala lang.
"Ano? Tara na? Tatayo ka na lang d'yan?" Ngumiti siya matapos akong makita na hindi makakilos sa pwesto ko. Hindi ko alam kung anong dahilan pero napangiti na lang din ako nang hindi namamalayan.
"'Yong gamit mo? N-Nadala mo na?"
"Kanina pa, nasa bag ko. Hinihintay nga kitang dumaan dito," sabi niya.
Namalayan ko na lang masaya akong naglalakad, sinusundan siyang nauuna sa'kin. Napahawak ako sa pisngi ko, pinigilan ang ngiting aabot na hanggang tainga.
What the f*ck!? Anong ginagawa ko? Ito ba 'yong sinasabi nilang 'mixed-signals enjoyer'?
YOU ARE READING
Straight as Guitar Strings
RomanceIt's a bar chord for Liam Ramirez whether Leo Quintero's shift from hater to fan is genuine or conceals darker motives─hard to play, so he simply goes along with it. A-Side: from rival bands in high school, Liam as a newfound vocalist of the reignin...