chapter 17 [tag/fil]

413 20 0
                                    

Strolling across campus with Leo, I couldn't help but feel a surge of anticipation sa kung anong mga possible scenarios ang madadatnan namin. We were on our way to our very first band rehearsal and meet-and-greet with Libertadlibs members. Being chosen as the newest members of the university band was a huge opportunity for us, and I was eager to see kung saan kami dadalhin nito.

"Excited na ba kayo?" tanong sa'min ni Sir Richard. He's the music professor na sa pagkakaalam ko ay sobrang laki nang contribution sa university namin in the field of music.

After naming sumagot at tumango na excited kami pero ang totoo ay kinakabahan kami, makailang ulit niya ring sinusunod sabihin sa'min ni Leo na mabait naman daw ang mga Libertadlib members. Hindi raw sila nangangain ng mga tao which is mabuti naman kung gano'n. Siyempre kahit paano ay looking forward kami na makilala pa sila. Ewan ko lang sa sarili ko pero si Leo for sure at wala namang pinipili ang skills niya sa pakikipag-socialize sa mga bagong taong nakikilala niya, pero medyo tiklop siya ngayon, dahil kabado rin siya? Probably, that's pretty much it.

Ang kwento lang nang kwento ay si Sir Richard, ako listener lang at maski ang kadaldalan ni Leo, like I said, ay tila naglaho nga this time, hindi matagpuan. Nalunok ba niya ang dila niya?

As we made our way, we passed by the archery area, situated just outside the grandstand. It was a unique setting, with the sounds of arrows whizzing through the air mingling with the chatter of fellow students.

Arriving at the studio, we found our places near the back, still buzzing with excitement with nervousness. From there, we had a clear view of the band members and the walls that were adorned with posters of their past performances, the band's history, generations, garnered achievements and many more. It was a cool setup, and I couldn't wait to dive into the music-making process.

Pero sa pagsusuyod ko ng mga mukha ng bawat miyembro ng banda, nasilayan ko ang isang pamilyar na pigura. Kung hindi ako nagkakamali, it was the girl na nag-push sa'kin na mag-audition sa Euphony noong senior year ko sa highschool, walang iba kundi si Grace. That was like actually happened last year. Nakilala niya pa siguro ako unless may poor memory siya kagaya ko na hirap makatanda ng pangyayari o mga tao, unless may significant impact siya sa'kin. Well, mayro'n siya no'n.

Nang magtama ang mga mata namin ay kita kong nagulat siya. Ako naman ay hindi na masyado dahil kanina ko pa siya kinikilala sa tingin. Ang kinagulat ko ay nang banggitin niya ang pangalan ko pagkatapos niyang kumaway sa'kin.

"Right?" tanong pa niya para i-clarify ang hula na Liam ang pangalan ko.

But it was Sir Richard who confirmed it bago pa ako makasagot. "Right!"

He continued talking before anyone could even chimed in, "Right... muntik ko nang makalimutan! Dinala ko ang dalawa nating mga bata, bagong salta sa grupo at bago ang lahat, magpapakilala muna sila sa inyo and vice versa." He thanked Grace sa unintentionally na pagpapaalala sa kanya na need nga pala nilang lahat magkakilanlan.

Gaya nang turan ni Sir Richard, nauna ngang nagpakilala ang graduating or senior members dahil dadalawa lang naman kami ni Leo na bago. Sunod-sunod na nagpakilala mula sa lead guitarist, bassist, keyboardist na mukhang ka-edad lang din namin at 'yong graduating vocalist na rhythm guitar player na papalitan ko, I think. Lahat sila nagpakilala pero si Grace lang natandaan ko dahil hindi ako gaano kainteresado pa sa kanila or what, pero madalas, hindi lang talaga ako mahusay sa pagtanda ng mga pangalan.

Sinabi rin ni Sir Richard na bukas darating 'yong dalawang bago rin, new lead guitarist saka 'yong isa pang bass guitar player na back up na pwede rin daw back up vocals. Some of them asked why hindi pa today. Sir Richard just said na nagkaroon ng conflict sa schedules nila today and mamaya pa class nilang gabi which is nakauwi na tayo.

"By the way, kapag regular na practice lang hanggang 5:00 PM lang tayo o pinaka-late na 'yong 6:00PM," dagdag pa niya.

Biglang bumukas 'yong pinto at may dalawang lalaki na nakatayo roon sa bunganga ng pintuan kaya naman nahinto si Sir Richard sa pag-eexplain. Lahat kami ay napatingin sa dalawang 'yon at kung tama ang hinala ko, sila siguro 'yong lead guitarist saka yung bass guitarist na back up plus back up vocals din. Natawa akong bahagya do'n.

Nakilala sila agad ni Sir Richard at tinawag niya ang dalawa na sina Aki at Chase. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang lead or bassist ngunit pakiramdam ko'y may something sa kanilang dalawa.

Tama ako at pinakilala sila ni Sir Richard sa'min. Si Aki 'yong bassist din, at si Chase 'yong lead guitarist. How come na natandaan ko ang name nila? Dahil ba after nilang magpakilala ay in-announce rin nila sa'ming lahat dito na couple sila? Yes, they are boyfriends. Tama ang gaydar ko.

They even said na they will be professional and promised that whatever na chaos ang dumating sa relationship nila, hindi ito mag-inflict ng negative effect sa banda lalo na during performances.

After that, Sir Richard clapped his hands to capture everyone's attention na nagawa naman siya. "Simulan na ang tradisyon!" Hindi ko alam kung ano 'yon pero ang mga graduating members sila lang ang naka-gets. Pinalinya nila kami ng isang diretso habang kinukuha nila ang mga instrument nilang ginagamit or something na related ro'n.

After two to three minutes, tumayo sila sa tapat namin. Magkatabi si Leo saka 'yong Aki. Katabi ko si Grace sa left side ko saka 'yong keyboardist naman sa right side ko na katabi si Leo sa right side niya.

Noong mag-start na ang sinasabi nilang tradisyon ay saka ko lang naintindihan. Silang graduating band members ay magbibigay or parang mayroong ipapamana sa'ming significant thing na ginagamit nila sa pagpe-perform. Si Leo at Aki ay binigyan no'ng graduating bassist ng guitar strap, tig-isa sila. Iyon raw ang gamit niya noong nag-audition at noong unang performance nila rito sa Libertad University kung saan sobrang unforgettable and memorable sa kaniya. Ang paniniwala niya ay 'yong spirit at fire sa puso na naramdaman niya that day ay maipapasa niya sa dalawang ito sa araw na mag-perform din sila and to their future performances.

Sumunod naman ay 'yong bagong lead guitarist, si Chase na katabi ni Grace sa left side niya. Ang binigay sa kanya no'ng lead guitarist ay 'yong cool shades niyang sinuot noong first performance nila at sobrang inalis daw no'n ang kaba sa dibdib niya kaya nakapag-focus siya sa pagtugtog that time. Mahalaga ang focus para sa kanya at naniniwala siyang kaya rin ng papalit na ito sa kanya na magawa 'yon. Sabi naman ni Chase, kung hindi raw cool na shades na ang ibibigay no'ng senior ay hindi niya ito tatanggapin. Nagtawanan sila sa birong iyon. Mukhang mahilig siya sa shades pero mas okay naman siya kapag walang suot na gano'n, kulay gray kasi kulay ng mata niya.

Hindi ko namalayan, ako na pala. Ang binigay sa'kin ay guitar pick. Wala naman daw special do'n masyado pero para sa nagbigay sa'kin sa tuwing gamit niya ang pick na 'yon kapag performance at mga laban, ang perfect ng strumming niya dahilan para maging smooth din ang pagsabay niyang kantahin ang kanta. Hopefully, ako rin. Nagawa ko naman na 'yon dati. He gave me a hug after that and a soft punch to my chest, reminding me na maging always kalmado and learn to control, both beneficial sa pagkanta ko at pagtugtog. I gave him a head nod and assurance.

Sumunod 'yong keyboardist na katabi ko, tinawag siyang Johann, son, ni Sir Richard. Akala ko pa no'ng una, Johnson ang sabi niya. Binulong naman sa'kin ni Grace na mag-ama pala sila. Napatango naman ako and na-realize kaya pala hindi siya mukhang graduating. Ka-edad lang kasi namin sabi ni Grace.

Bowtie 'yong binigay ni Sir Richard sa anak niya, sabi niya kasi 'yon daw ang nakatutulong sa kanya sa performance dati. Walang graduating senior na nagbigay sa kanya dahil for the first time in history ng Libertadlibs, this year lang sila gagamit ng pianist and that would be him. Cool!

Ngunit no'ng si Grace na ang susunod, nagtaka ako. Siya na 'yong last pero wala akong nakitang senior na magpapamana sa kanya ng gamit?

Straight as Guitar StringsWhere stories live. Discover now