Hindi ko namalayan ang oras dahil sa na-enjoy ko na ang biyahe habang nakayakap kay Leo. Mayamaya ay nasa intersection road na kami, naka-ilaw ng pula ang traffic light so we have a time para makapag-usap pa saglit.
"Saan 'yong address mo nga po? Can you put it here sa Waze app ko? Ihahatid kita door to door." Wow, door to door? Ginawa akong order sa Shopee!
"'Wag na, okay na 'ko rito. Mag-commute na lang ako." Bigla akong nahiya. Wala akong pambayad sa gas.
"Kasasabi ko lang, ako na bahala sa'yo, 'di ba? Type mo rito address niyo, dali. Malapit na mag-green light!" Gusto niya lang malaman address ko, e, para-paraan! Huy, si delulu!
Nataranta 'ko sa pangmamadali at pang-oobliga niya sa'kin kaya hindi na 'ko nakatanggi pa. My fingers jived on the screen of his phone and then I gave it back to him after ko mailagay ang address ng house namin do'n. Ilang segundo lang at nag-go na ang traffic light.
Buti nakaabot pa! I felt proud sa fingers ko, ang bilis mag-type. Well, mabilis din lalo sa ano.
After ten minutes, nakarating na kami sa bahay. As usual, pinuna na naman ako ng guard noong nasa entrance ng gate ng subdivision kanina saka lalo si Leo dahil first time mayroong naghatid sa'kin.
Bumaba na ako at hinila niya ako ulit palapit sa kanya nang hindi ko makalag ang lock no'ng helmet. Sinadya niya sigurong higpitan para siya ang tatanggal para sa'kin.
Pinuri niya ang luwang at lawak ng bahay namin. Ako lang daw ba ang mag-isa sa bahay? Sabi ko, oo ako lang naman talaga mag-isa na tao pero kung tutuusin ay tatlo kami, si Sarsi saka si Smeagol. Gusto ko raw ba ng kasama at kung oo, mag-aapply raw siya bilang hardinero. Kailan pa nagsama ang hardinero at ang boss? Well, sa movies or novels, pwede, madalas sa gay porn videos.
"Hindi tayo nakapag-jogging today sa field," aniya at sa wakas ay natanggal na niya ang helmet sa ulo ko. Maski siya ay nahirapan kalagin ang lock sa sobrang higpit. Bago raw kasi. Okay.
"Kaya nga, e. Late na kasi natapos ang rehearsal pero baka bukas medyo maaga na." May point siya ro'n, nag-brainstorming nga rin pala kaya mas lalo napatagal. Ngumiti ako at nagpasalamat sa kanya. Tinanong ko kung nauuhaw siya at ikukuha ko muna siya nang maiinom na tubig pero aniya okay lang daw siya. No need na raw at pumasok na raw ako sa loob nang makapagpahinga ako.
"Sunduin kita bukas, ha?" sabi niya at tumango lang ako, bahala siya sabi ko. Sinundan niya lang ako nang tingin habang paatras akong naglalakad patungo sa mataas na bakal na gate ng bahay namin.
Tumama tuloy ang likod ko sa gate namin sa paglakad ko nang patalikod at napatawa ko siya dahil do'n. Bakit kasi kailangan pa siyang tingnan? P'wede naman sana akong maglakad nang normal? Ano naman kung nakatalikod ako sa kanya?
Sinabihan kong mag-ingat siya magmaneho, mag-chat sa'kin kapag nakauwi na saka nagpasalamat ako ulit. Kumaway pa siya bago paandarin ang motor at nagsabi sa'kin ng, "Goodnight."
Lumipad nang kay bilis ang panahon at tila ba magdadalawang linggo na ang nakalilipas, nanatili ang ganitong routine namin ni Leo.
Susunduin niya ako rito sa bahay, aangkas ako sa motor niya hanggang sa makarating kami sa school. Sabay kaming kakain sa break time at tatambay lagi sa library para matulog, minsan madalang pa sa minsan, para mag-review. Tuwing lunchtime, gano'n pa rin. Halinhinan pa rin kami sa kung sino ang magluluto ng ulam at kung sino ang nakatoka sa kanin, sabay naming kakainin 'yon sa 7-11 sa paborito naming table sa dulo.
After ng class sa hapon, rehearsals sa band for an hour or two. After that, kukunin namin sa locker ang damit namin pang-jogging sa athletic field. Sabay na kakain ng turon at buko juice doon sa paborito naming nagtitinda sa baba, bandang gilid ng overpass after namin mag-jogging at panoorin ang sunset.
YOU ARE READING
Straight as Guitar Strings
RomanceIt's a bar chord for Liam Ramirez whether Leo Quintero's shift from hater to fan is genuine or conceals darker motives─hard to play, so he simply goes along with it. A-Side: from rival bands in high school, Liam as a newfound vocalist of the reignin...