epilogue [tag/fil]

992 24 12
                                    

"PWEDE PALA 'YON?

"'Yung taong inis sa buong pagkatao mo, sa kahit anong gawin mo o maski sa paghinga mo tapos magiging kaibigan mo? Kadalasan nangyayari daw 'yan, pero 'yong maging best friend mo? Man, that was the most unexpected plot twist sa istorya ng buhay ko.

"Bakit...?"

"Because he didn't just become my best friend, he also became my lover."

Nagsigawan ang mga Libertians na nakikinig sa akin. Masaya. Kinikilig. Hinahampas ang pinakamalapit na katabi. May nakita pa 'kong sinabutan, kinurot at sinampal. Kawawi.

Today, nakatayo ako sa stage, nakatuntong sa tapakan ng podium at may mic sa tapat ng aking bibig. Ibinabahagi ko sa Libertians ang aking speech dahil ako ang ginawaran ng university ng Performer of the Year Award dahil sa consistent at patuloy kong pamamayagpag sa field ng music habang nag-aaral ako, I joined a lot of music, singing and songwriting competition. May mga talo, pero mas marami ang panalo.

Yeah, tatlong taon na rin pala ang nakararaan at wala na akong balita tungkol sa kanya...

Ang bilis nga naman ng panahon. I hope you're all too well, Leo Quintero.

Nang maglaho ang ingay ay ipinagpatuloy ko ang pagsasalita sa harap ng madla.

"He told me to keep pursuing my dreams especially sa music. Bukod sa papa ko, siya 'yong pangalawang nakapagsabi sa'kin no'n. Someone na nand'yan sa tabi ko. Mafi-feel mo talaga 'yong pagiging supporter niya all the time. Never nga 'yon nasabi ng mama ko sa'kin dati, e, o ng ate o kuya ko kasi only child naman ako. Even my classmates, hated me so much. Some of them na pinagkatiwalaan ko, betrayed me big time.

"To make long story short, that friend means a lot to me. He's like a best friend, brother, family, lover, enemy and partner-in-crime. Siya pa rin 'yong rason kung bakit ako nagpapatuloy.

"But that friend, didn't stay for long."

Ang kaninang tawanan ay napalitan ng samu't saring reaksyon, malungkot, gulat, nagtataka at naghihintay ng sunod kong sasabihin.

"That friend who became my lover for one day and one night had to leave me... for good. I know he's watching right now, dahil sa every success at achievements ko raw, he would always be silently cheering for me on the sidelines. Kung naririnig mo ako, alam mo na kung sino ka.

"To my beloved Libertad University, my alma mater, thank you for this prestigious award. Habambuhay ko itong dadalhin kasama ko at umasa kang ipagpapatuloy ko 'to sa panibagong battlefield na susuongin ko. Again, thank you God. Thank you, Papa sa support and love, always. Thank you, sir Richard and my Libertadlibs bandmates. Salamat, Lib U! Salamat, Libertians!"

Palakpakan na masigabo ang narinig ko matapos kong mag-bow nang mayari ang aking maikling talumpati. Recognition day namin today. Bukas naman 'yong graduation.

Nag-video call ako kay Papa na nasa ibang bansa pa rin, bukas pa ang uwi niya. Sana umabot siya sa graduation ceremony.

Nang sagutin niya ang call, I told him, tapos na ako sa speech ko.

He asked, kung kumusta raw.

Sabi ko, okay naman.

Nagkuwentuhan pa kami nang ilang saglit pero dahil nga working hours niya, nagpaalam din siya saglit.

"Liam..." Napaangat ako nang tingin sa tumawag sa'kin. Sabi ko na nga ba, si Laura 'yon, e. Nakita kong kasama niya si Grace at Elfin.

Ngumiti sila sa'kin, nanggigilid ang mga luha habang inaabot sa'kin ang tig-iisang red rose na hawak nila. Isa-isa silang yumakap sa'kin at paulit-ulit na nag-sorry.

"Wala 'yon, 'wag niyo nang isipin 'yon. Matagal nang nakalipas 'yon saka okay na 'ko," sabi ko naman sa kanila. Pinupunasan pa nila ang luha ng isa't isa. "Picture tayo!"

Kaagad silang lumapit sa'kin ulit at pumwesto sa likuran ko. After that, nagba-bye na sila.

"Psst, pogi!" May tumawag na naman sa'kin. Napangiti ako, alam ko kung sino 'yon.

"Wow, tinotoo niya!" sabi ko. Sinalubong ko nang yakap si Johann. "Thank you!" I kissed him sa cheeks.

"Sabi mo, ayaw mo ng flowers, gusto mo bouquet ng pera. A 'yan, tig-1000 'yan... baka naman," ani Johann, nakangiti at masayang pinagmamasdan ako.

Tumahimik lang ako saglit, buntong-hiningang sinambit, "We're almost there, Johann, okay?"

He faked a laugh, "I was just kidding, hey! No pressure, I can wait."

"Thank you, Johann." I smiled appreciatively.

He gently pinched my cheek, "Your welcome, pogi."

Tinanong ko siya kung kumain na siya. Sabi niya, hindi. Ililibre ko 'ka ko siya pero doon ako kukuha sa thousand peso bill na nasa bouquet.

Tumawa lang siya at sinabing bahala raw ako, sa'kin naman na raw 'yon. "Congratulations, Liam."

"Thank you, Johann. Thank you kasi nand'yan ka for me. Salamat sa lahat ng efforts at patience. I know your graduation ended yesterday, but tomorrow, be there on my graduation day, okay? I will make sure it's a day you won't forget. I'll make it your best day."

Napahinto si Johann sa sinabi ko, parang nasemento ang mga paa niya.

"Huy, gagi! Hindi nga? Hoy, ano 'yon...?" hindi mawaring aniya.

Alam kong gets niya na 'yon, pero ayoko lang sabihin ngayon, bukas na lang kasi...

Bukas, sasagutin ko na siya.

Straight as Guitar StringsWhere stories live. Discover now