Overnight

337 54 11
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

Alas diyes na ng gabi nang dumating kami sa bahay ng parents ni Brett. The man insisted on picking me up from Bulacan.

Yep, I just decided to go home last night. Ayaw kong magka-issue kami about going to Bag of Beans now because of who we were with when we previously went to the place. Maybe some other time. Kapag malinaw na kung ano ang mayroon kami. Kung mayroon mang kami.

To appease his mind, I told him na may biyahe ng FX kapag gabi at puwede akong sumakay doon at bumaba sa Ortigas and he could just pick me up there. But again, when he put his mind on something, hindi na talaga iyon mabago.

Madilim na ang paligid, although may mga spot lights mula sa main gate hanggang sa pagpasok ng gate nina Brett.

Few things were very noticeable. Mas malalaki ang mga bahay dito kaysa sa BF Homes. Which was also a place for well off families in Manila.

Mas mapuno din. Mayroon nga silang logo ng clean is green sa bukana ng subdivision.

Ang gate nina Brett ay itim na makapal at mataas and they had two security guards on the post that I saw when we entered the place.

Huminto kami sa mismong tapat ng malaking entrance ng bahay. Hindi ko iyon matawag na pinto.

It was a double panel in reddish brown at may nakaukit na dragon on both sides.

Nilingon ko ang likod namin habang binubuksan ni Brett ang pinto.

Pagpasok namin kanina ay hindi ko napansin ang pinakagilid sa bandang kanan. May mini pool doon at may mga ilaw sa paligid in rainbow colors.

The middle part was a mini garden with flowering plants and a small greenhouse.

Nasa gitna iyon ng car entrance at exit gate. Dalawa ang gate nila pero wala namang guard post sa kabila.

The other side was a big car garage at puno ng sasakyan. Sa tabi niyon ay isang bungalow.

"The help lives there. They've been with us for so long. Pinatayuan na sila ni Daddy ng bahay dito."

Napatingala ako sa kanya. Hindi ko alam na humarap na rin siya at tumabi sa akin. Nilingon ko ang pool. "Doon ba ang party bukas?"

Kumunot ang noo niya. "Noh! That's a pond." He chuckled.

"What?"

"It was an oversized pond. Mom loves fishes in different colors. Pinatayo iyan ni Daddy noong twenty fifth year anniversary nila."

Natawa ako sa sarili ko. Mukha kasi talagang mini pool sa laki. Pond pa lang pala iyon. "So, nasaan ang pool?"

He pointed his thumb behind him. "Nasa backyard. It's way bigger at may patio din doon with lots of single chairs and spaces for many tables, and lounges, of course."

FOREVERMORE (ONGOING) (Brett and Gem Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon