Eccentric

343 49 19
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

Gigi, ilang taon na si Brett?

Sinong Brett?

'Yong pinsan ni Emil na pinag-a-apply sa Atlantis.

Ay, hindi lang ako sure, friend. Teka, i-message ko si Emilio. Wala pa kasi 'eh.

Iniwan ko muna ang IG messenger at bumalik sa ginagawa ko sa laptop. Tutunog naman iyon kapag nag-message ulit si Gigi. Alam ko na magkasama sa condo unit ni Emil ang dalawa. At naka-leave si Gigi dahil may pinuntahan nitong umaga.

Gigi had been one of my treasured friend from Riordan. Ang kumpanya na pinasukan ko bago ako niyaya ni James na lumipat sa Atlantis. Lilipat na din ito sa Atlantis. She was just serving her thirty days notice.

I was trying to arrange the exam that I would give Brett tomorrow morning. Kailangan kong gumising ng maaga dahil ang pinili nitong oras ay alas sais ng umaga sa akin. It was an effort on my part but it would be worth it.

Pag na-hire si Brett ay makakahinga na ako. I would be working with my real job.

Pinagbigyan ko lang talaga si James na linisin ang organizational structure ng Atlantis sa main branches sa Pilipinas, which was Ortigas and Makati.

Medyo nahirapan akong mag-revamp at mag-fire ng mga tao. Damay kasi ang mga executives dito. Usually, rank-in file hanggang supervisors lang ang pinapahawakan sa akin.

James really exceeded this time. Sa tiwala niya sa akin at sa laki ng suweldo na hinayaan niyang i-offer sa akin ng HR ng Atlantis. Which was understandable, it was a big company.

Still, I was grateful. Ganito din naman ang dami ng load ko sa mga previous jobs ko but I am being paid triple here. I am happy.

May nag-warning knock sa pinto kaya tumingin ako doon. Nasa mismong harap ko ang pintuan ng opisina ko.

James opened the door without saying anything. He smiled and sat on one of the visitor's chairs in front of my desk. "So, ano ang feeling mo kay Brett Soler?"

Hindi ako nagpa-tumpik tumpik. "Parang okay naman siya. Saka kilala ko si Emil, may sinabi talaga ang pamilya no'n. Naniniwala ako na magiging asset natin si Brett, hindi tayo mapapahiya, boss.

Tingnan mo naman, graduate ng business course sa SISFU, habang nag-a-IT sa La Salle tapos ngayon naka MBA sa Oxford at may maayos na trabaho sa London.

When I talked to him, okay lang daw na hindi natin tapatan 'yong half a million na suweldo niya do'n.

Nakita mo ba kung gaano ka-impressive 'yong resume niya? Nahihiya nga akong makipag-usap 'eh.

Buti na lang magaling mag-break ng ice. No'ng sini-sir ko, agad-agad sinabihan ako na Brett na lang ang itawag ko sa kanya."

FOREVERMORE (ONGOING) (Brett and Gem Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon