💖💖💖
My life with Brett consisted of working hand in hand, sabay na lunch at madalas pati dinner. Palagi niya akong hinahatid pauwi basta nasa Pasig office siya.
May mga pagkakataon kasi na nasa Makati o sa ibang branch siya, o kaya ay ako naman ang wala sa Pasig branch.
Kapag ganoon, he would call me to make sure na nakauwi na ako. Or kung nasa ibang lugar ako he would always call or text me.
Walking distance lang ang apartment ko kaya sobrang convenient sa akin kapag nasa Pasig ako. Kapag out of town, usually walking distance lang din naman ang hotel ko from the office.
I noticed sa nakalipas na dalawang buwan ay limang beses akong out of town at dalawang beses na out of the country. Sa asia lang naman kaya no big deal. While Brett was sent to Europe once for two weeks and a few times, he reported to Makati office. Which was good for him dahil malapit doon ang apartment niya.
Two weeks ago he decided to find me a two bedroom apartment para doon na lang din daw siya uuwi kapag nasa Pasig siya. Siyempre hindi ako pumayag, pero hindi ko din alam kung hanggang kailan ko mapapangatawanan ang pagsasabi ng hindi.
Maganda ang offer niya. Siya ang magbabayad ng lahat. Titira lang ako. He promised me na matutulog kami sa magkahiwalay na kuwarto. Pero ako mismo ay walang tiwala sa sarili ko. Kaya hindi talaga ako pumayag.
Naging malapit sa akin ang pamilya niya lalo nitong mga nakaraang linggo after ng mga pag-attend ko sa family gatherings nila, especially ang mga kapatid niya at si Tita Emma.
Ang mga may social media ay naka add na ako. I also followed them in Instagram as well.
Si Brett ay ni-require ng office na magkaroon ng IG kaya kahit ayaw niya ay mayroon na siya niyon ngayon. Tina-tag ng company ang mga managers at executives kapag may mga post ito.
Nakakaloka dahil pagkalipas lang ng isang linggo ay mas marami nang followers si Brett kaysa sa akin samantalang mas matagal nang di hamak ang IG ko.
Hindi naman ako nagsiselos.
Maraming may crush kay Brett sa office. But the man was showing everyone that he was into me kaya wala naman nagpapakita ng motibo sa kanya.
Uh, mayroon palang isa. Si Barbie.
Pero dini-deadma naman ito lagi ni Brett kaya imbis na mainis ay naawa ako sa babae. Kalat sa office ang pagkagusto ng babae kay Brett kahit pa minsan ay may nakikita kaming sumusundo sa kanyang lalaki.
Hindi ko na lang pinapansin. Nakakahiyang mag-react dahil naka focus lang sa akin si Brett at sa trabaho namin. Isa pa, alam ng lahat na wala kaming label.
Yesterday Brett asked me to spend the weekend with him. Parang reminder lang naman dahil ilang linggo na rin niya akong tinatanong kung puwede.
Natural na lagi kong sinasabi na hindi dahil umuuwi ako sa bahay ng parents ko sa Bulacan. But yesterday he was pursuasive beyond belief.
BINABASA MO ANG
FOREVERMORE (ONGOING) (Brett and Gem Story)
RomanceA man who finally falls in love with a woman, and a woman who doesn't want to fall in love all over again.