💖💖💖
Eksaktong one thirty PM ay nakatanggap ako ng tawag mula sa front desk. "Ma'am, may delivery po kayo dito galing sa restaurant sa ibaba. Ipapaakyat ko po ba?"
"What? Hindi naman ako nag-order ah!"
Narinig ko na may kinausap ang frontdesk bago bumalik sa akin. "Ma'am order daw po ni Sir Brett, para daw po sa inyo."
Nakakainis talaga 'yong lalaking iyon! Panira ng diet ko! Pero hindi ko naman iyon puwedeng sabihin sa front desk kaya huminga na lang ako nang malalim. "Sige, ipaakyat mo, please. Thank you."
Wala pang five minutes ay kumatok na ang naghatid sa pinto ng office ko. Kinuha ko ang supot ng gourmet meal mula sa elite na restaurant sa ibaba at nagpasalamat. "Nag-tip ba si Brett?" tanong ko sa lalaki.
"Opo, Ma'am." Lagi naman. Hindi ko alam kung bakit ko pa tinanong.
Tumango na lang ako.
Hindi ito ang unang beses na nagpaakyat si Brett ng pagkain galing sa iba't ibang restaurant.
The man was always making sure na nagla-lunch ako.
He was a workaholic.
Never siyang naunang umuwi sa akin. Madalas kahit hinahatid niya ako ay bumabalik siya sa opisina pagkatapos.
At dahil walking distance lang naman ang condo unit ko sa opisina, madalas ay nakahiga na ako sa kama bago siya tatawag para sabihin na pauwi pa lang siya.
He always drives. That was his lifestyle.
And after the scene with Barbie yesterday, nag-aalala ako na baka nag-uusap sila pagbalik ni Brett sa office.
Which was stupid. Hindi nga kami. Kahit pa sinabi niya na bigyan ko siya ng credit sa pagiging faithful, laging may doubt sa dibdib ko.
And when I thought that I already moved on from my previous relationship, this fact would prove otherwise.
Hindi ko pa rin nakakalimutan kung paano ako niloko. Nag-iisip pa rin ako na lahat ng lalaki ay manloloko, and Brett wouldn't be an exemption.
The scariest part was that, kahit wala naman kaming relasyon ni Brett, parang mamatay ako kapag naiisip ko na mawawala siya sa akin. This was the stupidest I had ever been.
Ibinaba ko ang pagkain sa desk ko at nag-message kay Brett. Dalawang malalaking beef sandwich na may sauerkraut at beef flavored dip. May kasama ding chips at dalawang large size na chilled bottled water. Nag-message ako kay Brett.:
Kain na tayo, nandito na 'yong food.
👍
Dalhin ko ba sa office mo?
Please.
Sige, wait kita do'n.
Five minutes.
BINABASA MO ANG
FOREVERMORE (ONGOING) (Brett and Gem Story)
RomanceA man who finally falls in love with a woman, and a woman who doesn't want to fall in love all over again.