Chapter 1
I took sip at my coffee and looked outside admiring the color of sky... Ang ganda-ganda talaga ng langit pag sunrise. Pero wala parin talaga akong idea. Umiyak kaya ako? Baka sakaling may mabuong mga salita sa luha ko... Frustrated akong tumingin sa kape kong paubos na. Ininom ko agad yun ng isang lagukan at tumayo para ilagay ang cup sa sink...
Bad trip kong kinuha yung bag nung laptop sa kwarto nang mabilis at hinalbot ang laptop sa mesa ng sala... Makalabas nalang baka may inspiration sa labas. Isabay narin ang morning walk baka sakaling gumana utak ko, peste.
Lumabas ako ng Dormitory Village at dumaan sa exit ng street namin dahil malapit dun yung favorite kong punta-puntahan lalo na't frustrated ako ngayon. Nginitian ko lang yung nakaduty na guard at dumeresto na palabas ng gate...
Ilang lakad lang tapos kita na agad yung coffee shop na favorite ko. Trust me, they brew the best coffees and other beverages... Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto naamoy ko na agad yung aroma ng kape.
Calms me down every time...
Ang writer's block ko kasi madalas nawawala pagnawala ang stress ko... Si Seren kasi! Babangasan ko yun eh, sabi ng company I can take my time raw tapos itong kaibigan-slash-editor ko wagas kung mangpressure.
Ngumiti lang ako sa nakashift na waitress—si Derryck—tapos umupo na rin sa usual table ko rito. I just love this café to every bit. It has this big windows—hindi kasi sya floor to ceiling glass window—it's more like huge windows na magkakadikit. Tapos kung hindi glass ang furniture nila, wood naman. They have books too. Pwede kang kumuha sa libro sa shelf nila pero papaltan mo ng another libro rin.
Inilabas ko yung laptop sa bag nya at binuksan. Internet—baka may inspiration sa internet kasi sa buhay ko ngayon, walang wala. Pagkabukas ko ng Facebook account ko, tumambad sakin ang demands ng XSNY. Bagay talaga sakanila ang pangalang ibinigay ko sa readers ko—XSNY demanding. Alam nila na ang demanding nila at talagang nagpapatuloy parin sila. Malalakas ang trip nila, pasalamat nalang sila mahal ko sila... Last na tong pagtotolerate ko sakanila, promise. One more book, then done.
Kaso nga! Ang mahitik na inspirasyon, error 101: inspiration not found!
Nagscroll down lang ako nung biglang may nakita akong shared picture ng isa sa mga co-authors ko nang biglang nagring ang phone ko. Pagtingin ko ay naningkit agad ang mata ko, ayaw talaga tumigil am—argh! I tapped at answer button at tinapat ang phone sa tenga, "Seren, umagang umaga ha!"
"Yuima Skye! Putulin mo na yang lahi ng karakter mong yan! Punung-puno na ng oso ang tangnang page ng kumpanya!"
"Seren, chill ka lang. Ugat mo, mapipitid na."
"Bakit ka kasi pumayag na isulat ang buong pamilya ng mga oso?!" Napairap naman agad ako, "Wolfe."
"Edi Wolfe! Tapusin mo nalang ang manuscript mo! Bago pa mapuno ng wolf emoji ang page! Pag ako napuno sa XSNY mo ha, puputulin ko sila mismo! Mga mana sa Algebra, kakasabog ng utak!"
"I named them XSNY for the exact same reason, Seren. Pero kahit naman nakakasira na sila ng katinuan ang rami ko paring natutunan sakanila... At sila ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon... This is my dream and I owe them this. Isa pa, last na to."
"Last na? Jusko, salamat naman! Tapusin mo nalang ang manuscript mo, tapos." Sabay end nya ng call, bastos talaga to oh. Napatingin nalang ako sa labas ng coffee shop at dahil bukas ang bintana sa harap ko, pagihip ng hangin ay tumama sakin yung preskong ihip ng hangin. Huminga ako ng malalim at napapikit nalang ako, sana may tumulong saking isulat to.
Bulong sa hangin ika nga.
Napabuntong hininga nalang ako at tumingin ulit sa laptop ko, tiningnan ko ulit yung shared picture ng co-author ko, someone should write a book where the main character slowly falls in love with the reader.
BINABASA MO ANG
Fictional (making some slight changes)
FantasyMakukuha, mawawala, makukuha, tapos mawawala ulit. It felt like an endless cycle. Pero pagmahal mo talaga uulit at uulit ka talaga 'no? So for the God knows how many times, the chase will start again. Characters were chosen, plot was ironed perfectl...