Chapter 36

2 0 0
                                    

Chapter 36

Some stories aren't just worthy of happy endings.. I can fake it, but it obviously won't be real. Ayoko nang ganun. Ayoko nang lokohin ang sarili ko.. Pinahidan ko ang mga luha ko na tumulo mula sa mga mata ko habang nakatingin sa puntod nya, " I'm so sorry, Mico.."

Pinilit kong ngumiti at inilahad ang kamay sa harap ko kunyari ay nasa harap ko sya, " M-Mico, I'm-I'm Yuima Skye. N-Nice meeting you in both worlds a-and.." tumulo ulit ang mga luha mula sa mga mata ko, " I love you.."

Umiyak lang ako habang nakapatong ang kamay sa lapida nya, Marco Senee Hares..

" Is this enough?" tanong ko sa sarili ko habang ineedit yung manuscript.. Para kasing kulang ng emosyon, mukang kailangan mas heartbreaking. Ano pa bang magandang basag puso? Maybe knowing you can't have a happy ending is not enough.. Gusto kong ipagduldulan na hindi na at wala na talaga.. In that way, mas masakit.

I just don't know..

\\\

Kaliwa, kanan, kaliwa, diretso. Kung saan-saan na ako nakarating.. May magaganda, may nakakatakot, may pangit. But I never really found what I wanted to find.. Pano ba naman kasi ako makakahanap ng bagay na hindi ko rin alam kung ano?

Parang naghahanap ako ng bagay na hindi ko alam kung ano.. Ending? Nowhere.. Hindi mo alam kung anong hinahanap mo, kaya hindi mo rin yun mahahanap..

Treasure hunting is not easy.. And it's definitely not fun anymore. I'm wasting gas. Napailing nalang ako at bumalik nalang sa school. Sa main gate ako dumaan dahil nandun yung car park. Pagbaba ko ay dumeresto ako sa dorm ko. My day is going to waste..

Nakapasok na ako sa loob ng bahay—at nagbabalak magsenti—ng biglang may nagtext sakin.. Si Meacela.

'Ate! Meet naman tayo!' Napangiti ako at nagreply, 'Sige.'

Agad naman akong lumakas ulit sa pinto at dumeresto sa coffee shop sa labas ng dormitory.. Malapit lang yun. Dun kami lagi nagmimeet ni Cela tuwing bored kami or something. Dun kami natambay. Kaya ayaan nalang at alam na kung saan pupunta.

" Ate!" Napangiti naman agad ako, looks like my day is not going to waste.. She always helps so yeah, magandang timing..

" Ang bilis mo ah.."

" Ganun talaga!" umupo ako sa bench at tiningnan maigi yung suot nya.. Agad naman ako napaface-palm sa utak ko, " Bakit ganyan suot mo?"

Tumingin sya sa suot nya, " Cute naman ah.."

" National Hug Day ba ngayon?"

" Hindi ko alam ate.. Pero pang alam ko ay dinare lang akong suotin ito at makipagusap sa isang kaibigan at humugot ng bonggang lines.."

" Sino yang nagdare sayo at dapat parusahan.."

" Ahm, Awesome Yuri daw po.." Tang—curse him... Anong trip ng isang yun? Minsan talaga nakakahiya maging kapatid yun eh.. Naiimagine ko pa syang nagiispy at nagniningning ang mata habang pinapanood si Cela sa costume na yun.. Napasapo agad ako ng noo ko..

Nakakahiya ka talaga, Yuri.

" Kilala nyo ba yun, ate?"

" Oo, kapatid ko.. Sorry sa kagaguhan nya ha? Inborn yun eh.. Sakanya lang though.."

Natawa si Meacela at, " Okay lang ate, akin nalang naman daw po yung costume eh.. Ang cute kaya!"

" Polar bear? Well, yeah. Cute nga naman.."

" Hahahaha—ay teka ate, kamusta yung libro?"

" Hala, Seren is that you?"

" Sino yun?"

Natawa ako sakanya dahil inosenteng-inosente yung pagkakatanong nya, " Editor ko.. Lagi nya akong kinukulit tungkol sa manuscript.. Don't worry. Almost finish.. May unting idadagdag lang ako.."

" Wow! Talaga?! Happy ending ba ate?"

" Hindi.. Maghanda ka nang tissue."

" Whyyy?" nagsinghot-singhot sya, " Whyyy?"

" Ex?"

" Huh?" nawala sa acting na tanong ni Cela kaya natawa ako, " Y ka kasi ng Y kaya nag-X ako.."

" Aw, corny ate.." Binatukan ko sya, " Ginaganyan mo na ko!"

" Sorry naman!" tapos natawa ulit kaming dalawa, " Speaking of the book, sa tingin mo, bukod sa alam mo nang hindi ka na magkakahappy ending ano pa sa tingin mo ang masakit?"

" Yung maflashback yung pinagsamahan nyo.. Yung parang nanonood ka ng pelikula na kayong dalawa ang bida, looks so perfect but will be ruined in the end anyway.. Teka! Bakit tragic?"

" Ang saya kaya."

" Ang sadista mo!"

Tinawanan ko lang sya at nagpasalamat.. Maya-maya rin ay sinundo na sya ng kuya nya para umuwi at nagulat rin sa costume nya kaya ako na ang nagpaliwanag na kagaguhan yun ng kapatid ko. At patawarin nya dahil wala sa tamang pagtitino si Yuri..

Nung makaalis na sila ay naisip ko yung sinabi ni Meacela.. I got it, mukang masakit—at masakit talaga pero.. Alam mo yun? Hindi ko sya maintindihan.. Baka kailangan ko itranslate yung sinabi nya sa sariling experience-kuno ko.. But one thing is for sure, this will be tragic.

Fictional (making some slight changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon